(Margarette's POV)
Excited na akong matulog ngayong gabi! ^^
Bukas na kasi ako magsisimula sa trabaho ko! Waaah. May trabaho na ako. Hihi. Bago humiga ay nagdasal na muna ako."Papa God, Papa Jesus, Papa Lord, Papa Christ, Papa Alah, salamat po sa mga blessings na natanggap ko ngayong araw. Nawala man yung bag ko kanina sa freedom park, sobrang laki naman po ng ipinalit niyo. Nagkaroon na ako ng trabaho! Salamat po papa God! Sana po maging maayos ang trabaho ko bukas. Amen. Goodnight po!"
---------------
"PUCHANG INA NAMAN! ANO 'TO? ITLOG NA NAMAN?! WALA KA NA BANG ALAM NA IBANG LUTUIN MALIBAN SA ITLOG HA?! PURO NA LANG ITLOG! BWISIT NAMAN NA BUHAY ITO OH! BUBUNIHIN NA AKO SA KAKA-ITLOG MO EH! LECHE!"
Agad akong nagising ng marinig ang ingay sa kusina. Tiningnan ko ang oras at Alas 3 pa lang ng madaling araw.
"MAGLUTO KA NG IBA! AYAW KO NG ITLOG! P*TANG INA."
Agad akong lumabas ng kwarto para puntahan si ate. Nakita kong nakakalat sa sahig ang mga kanin pati na ang itlog na niluto ni Ate. Nagwawala na naman ang demonyong asawa niya.
"P-pero Jepoy.. S-sarado pa ang mga tindahan. Wala akong mabibilhan ng ibang pagkain. Itlog lang talaga ang andito na pwedeng lutuin." Wika ni ate. Lumapit ako sa kanya.
"MAGHANAP KA KAHIT SAAN DYAN! GUTOM NA AKO! ANO BANG KLASE KANG ASAWA HA? NAPAKAWALANG KWENTA MO! BOBA PA!"
"Kuya Jepoy tumigil ka nga! Ang aga-aga ang ingay-ingay mo! Nakaka-istorbo ka ng kapitbahay!" Sigaw ko. Di na ako nakatiis. Surang-sura na ako sa hayop na yan eh!
"Margarette wag mo ng patulan ang kuya mo." Bulong sa akin ni ate. Hindi ko siya pinansin. Buo na ang loob ko na ipamukha sa hayop na ito ang kawalang-hiyaan niya.
"Aba-aba.. Sinisigawan mo na ako ngayon Garit? Wag kang makisawsaw dito kung ayaw mong pati ikaw balian ko ng buto!" sigaw ni Kuya Francis. Mas nabwisit ako dun sa Garit. Ang baho ng tawag niya sa akin! Pwede naman Garette. (>_<) Punyemas.
"Bakit Jepoy? Sasaktan mo rin ako? Bubugbugin mo din ako tulad ng ginagawa mo kay ate? Sige subukan mo! Hindi ako magdadalawang isip, Ipapapulis kita!" Sigaw ko naman. Hindi ko na siya tinawag na Kuya dahil hindi niya deserved tawagin nun. Garit pala ha.
"Margarette parang awa mo na, wag mo ng patulan ang kuya mo. Lasing lang siya kaya nasisigawan ako. Sige na, matulog ka na doon dahil maaga pa. Ako na ang bahala dito." Sabi naman ni Ate. Pumapabebe na naman ang ate kong Maria! Nagfefeeling virgin na naman na akala mo hindi naanakan ng lima. Jusko. Dyan ako nabubwisit kay ate eh. Masyadong nagpapa-under sa demonyo niyang asawa.
"Hindi ate! Sumusobra na yang asawa mo eh! Wala na akong naririnig dyan kundi sigaw at mura kapag nagkakaharap kayo! Hayaan mo akong ipagtanggol kita sa demonyong yan!" Sigaw ko naman. Kinurot ako ng konti ni ate para patigilin ako. Pero hindi na ako magpapapigil.
"Alam mo ikaw, ang kapal rin ng mukha mo ano? Kung makaasta ka parang ang taas-taas mo! WAG MO AKONG SISIGAWAN DAHIL PALAMUNIN LANG KITA!" Sigaw ni Jepoy. Huwaw nemen! Eh kami naman ni ate ang palaging naghahanap ng pangkain dito araw-araw! Umeekstra kami sa paglalabada! Kapal ng fes talaga.
"Palamunin? Bakit ikaw ba ang bumibili ng pagkain dito? Kami naman lagi ni ate ang gumagawa ng paraan para may makain dito eh! Wala namang nakakarating na pera mo dito! Inuubos mo lang ang sweldo mo sa pag-iinom ng alak!" Feeling ko ako na yung asawa. Bwisit! dapat kasi si ate ang nagpapamukha nito sa demonyong yan eh! kakadiri.
"SINO KA PARA SABIHIN YAN?! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO ANO?!" Susugurin na sana ako ni kuya pero inawat siya ni ate. "HAYOP KA! KUNG MAKAPAGSALITA KA AKALA MO ASAWA KITA! LUMAYAS KA DITO! NABUBWISIT AKO SA PAGMUMUKHA MO!" sigaw pa niya. As if hindi ako nabubwisit sa pagmumukha niya.
BINABASA MO ANG
Don't Us
De Todo"Alicia" Pagod na akong umintindi. Pagod na akong magtiis. Pagod na akong magpa-alila. Panahon na para bumangon, panahon na para lumaban. Dati, ako si Alicia na inaalila, pero ngayon, DON'T ME. "Margarette" Naaawa na ako kay Ate. Naaawa na ako sa mg...