Because this song + off-cam moments of the SinJie wedding gave me the feels. Naiiyak pa rin ako.
Anyway, Congratulations, ADN. We made it to DTBY's last episode. My heart is overflowing from love and proudness for both Alden and Maine.
-Unproofread, unbetaed. Grammatical errors are all mine.
---
"Maine, ready na tayo?" sigaw ni Direk mula sa microphone. Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko na ang dulo ng puting gown ni Sinag. Si Sinag na pakakasalan ni Benjie, si Maine na gusto kong pakasalan.
Nagsimulang tumugtog ang Feels Like Home na si Meng mismo ang pumili. Noong tinanong kami ni Direk kung gusto ba namin na kami na mismo ni Meng ang mamili ng wedding song ni Sinag at Benjie, walang pag-aatubiling si Maine na ang hinayaan kong mamili kaya nung sinabi niya sa akin na ito ang gusto niyang kanta, ewan ko ba't nagkaroon ng milyon-milyong paru-paro sa katawan ko.
Hindi ko alam. Hindi naman ako kinukunan ngayon pero nararamdaman ko ang pagsisimula ng pagtulo ng luha ko. Kaya ako tinatawag na Boy Iyakin eh.
Something in your eyes
Makes me want to lose myself
Makes me want to lose myself
In your arms
Sa unang paghakbang ng kanyang mga paa ay siyang pagtigil ng mundo ko. Agad na nagsalubong ang aming mga tingin. Mga tingin na kami lang ang nagkakaintindihan. Mga tingin na para lang sa isa't-isa. Sa tuwing tinatanong ako kung anong gusto kong parte ng katawan ni Meng, hindi mawawala ang kanyang mga mata sa isasagot ko. Ang kanyang mga mata na tila nilalamon ako sa kawalan, mga matang nagsisilbing mata ko rin lalo na sa oras na nanlalabo ang aking paningin sa mundo. Mga matang pinapangako kong hinding hindi ko paluluhain dahil sa kalungkutan kundi dahil lang sa kaligayahan.
Balang araw, gigising ako na ang mga matang 'yan ang sasalubong sa akin.
There's something in your voice
Makes my heart beat fast
Hope this feeling lasts
The rest of my lifeNaalala ko noon, nung hindi pa kami pwedeng mag-usap. 'Nung sa split screen pa lang magkakilala si Yaya Dub at Alden, paulit-ulit kong tinatanong at kinukulit sila Direk Pat kung ano at paano si Maine sa personal. Naalala ko kung paano ako halos hindi matulog para lang makahanap ng video niya kung saan pwede kong marinig ang boses niya. Naalala ko kung paano ako nilamon ng curiousity noon. Paano ba siya magsalita? Pabebe? O baka naman maton? Maliit kaya ang boses niya o husky? Paano kaya ang bedroom voice niya? Hinding hindi ko rin makakalimutan noong una kong nairnig ang boses niya nang tanungin niya ako kung masaya ba ako noong first date ni Alden at Yaya Dub. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapaliwanag 'yung kilig ko 'nung una ko siyang narinig magsalita. Para akong tatay na narinig ang first word ng anak niya. Pero isa lang ang nasa isip ko noon. Kingina, ang ganda ng boses niya! Hindi pasweet, hindi rin gamol. Tamang tama yung timpla.
From this day forward, I swear that I will never get tired of hearing her voice- even if its nagging and annoying at times. Mas lalo na kung sumisigaw siya sa saya at sarap. (#gutterdt)
If you knew how lonely my life has been
And how long I've been so alone
If you knew how I wanted someone to come along
And change my life the way you've doneKatulad ng buhay ni Benjamin Rosales, hindi rin naging madali ang buhay ng isang Richard Faulkerson Jr. Maraming mga pagsubok ang dumaan. Binalot ang pagkatao ko ng kalungkutan lalo na nung nawala si Mommy. Kasabay ng pagkawala niya ay ang pagkawala ng kalahati ng pagkatao ko. Pero dumating siya. Dumating si Maine hindi para buo-in ako, kundi para tulungan akong hanapin ang pira-piraso ng sarili ko. Sabi nga nila, marami ang nagbago. Marami at mabilis. Siguro, iba ang pananaw ng iba sa pagbabagong dumating sa'ting mga buhay simula noong July 16, 2015. Maaring ang iba, iniisip na ang pagbabagong iyon ay ang sabay naming pagsikat. Pero hindi. Sabi niya, ayaw niya akong baguhin. Pinagbitiw niya pa nga ako ng pangako na hindi ako magbabago kahit anong mangyayari. Pero patawarin sana ako, Meng. Dahil mula nang dumating siya sa buhay ko, nag-iba na ang pananaw ko.
Ang dating pangarap ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko ay unti-unting naging pangarap ko para sa aming dalawa at para sa magiging pamilya namin. Kung noon, kayod kalabaw ako para mabigyan sila Rizza ng magandang kinabukasan, ngayon nga niya, kayod cuarenta anyos para sa magandang kinabukasan ng 32 na anak na bubuin namin. Pero sa kabila ng lahat ng ito, isa lang ang hindi magbabago. Ang nag-uumapaw na pagmamahal na nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa kanya.
It feels like home to me
It feels like home to me
It feels like I'm all the way back where
I come from
It feels like home to me
It feels like home to me
Feels like I'm all the way back where I belongNoong isang araw, halos hindi alam ni Meng ang gagawin niya nung makita niya akong halos mangiyak-ngiyak habang hawak ang cellphone ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang araw na yun kung bakit ako nagsscroll sa twitter - hanggang sa malaman ko ang sagot. Maraming nakatag sa amin na picture ni Mommy at picture niya na parang pinagbiyak na bunga. Nakita nila si Mommy kay Meng. Pero bukod sa pisikal na anyo, nakita ko ang pagkatao ni Mommy sa kanya.
Mula nang mawala ang mommy, para akong isang batang naligaw. Isang batang nawala at hindi na alam ang daan pabalik sa kanyang tahanan. Matagal na panahon akong nagulila sa pagmamahal at aruga ng isang ina. Pagmamahal at aruga na muli kong nakita at kusang ibinigay ni Nanay Mary Ann sa akin. Matagal na panahon ko ring inasam ang mainit, malambing at mapag-arugang yakap ni Mommy lalo na sa tuwing nalulungkot o nanghihina ako. Mga yakap na sa mga bisig ni Meng ko lang muling natagpuan.
Napakaswerte ng mga magiging anak niya. Ng mga magiging anak namin.
A window breaks down a long dark street
And a siren wails in the night
But I'm alright 'cause I have you here with me
And I can almost see through the dark there is light
Maraming bumabatikos. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Maraming nagdududa, maraming mga katananungan. Hindi nila kami naiintindihan. Hindi nila naiintindihan na basta't merong siya at ako, hangga't merong kami, malalampasan namin ang kahit ano pang issue ang ibato nila. Hindi naman maiiwasang paminsan-minsan ay maapektuhan kami o ang mga taong nakapaligid sa amin, pero hindi ang kung ano ang meron kami ni Meng. Because what we have is something special, something that is worth fighting for.
If you knew how much this moment means to me
And how long I've waited for your touch
If you knew how happy you are making me
I never thought that I'd love anyone so muchSa sandaling ito, nag-uumapaw lahat ng aking emosyon. Hindi ko alam pero parang isang water dam na binuksan ang mga luha ko. Siguro nga, masyado kaming apektado pareho ng kanta. Maraming tao sa paligid namin pero siya lang ang nakikita ko. Hindi ang mga cameramen o ang mga staff. Hindi si Sinag Obispo o si Maine Mendoza, kundi si Nicomaine Dei Capili Mendoza na gusto kong makasama hanggang sa mag-ulyanin ako.
As cliche as this may sound, but I am seriously seeing my future with her and only her. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, with Meng, it feels like home. Sabi nga nila, there's no better place like home. Maine is my home, and there is no place I'd rather be.
BINABASA MO ANG
The MaiChard Pointers: An AlDub One-Shot Collection
Fiksi PenggemarA MaiChard one-shot and drabble collection