Searching for a True Love

42 1 0
                                    

Chapter one

Nagtataka ako sa maraming teenagers ngayon, bakit ang bilis nilang ma-inlove,may makilala lang na guy or girl agad sila nakakaramdam ng "spark daw". Kara-karaka agad-agad mahal na,pagkatpos gagawa na niyan ng way iyong guy para mapalapit doon sa natypang chicks. Andiyan na iyong kukunin iyong cellphone number, tapos kung makapagtextsan lang at tawagan wagas-wagasan dinaig pa ang call center, akala mo wala ng bukas, inabot na ng madaling araw hindi pa rin mabitawan ang cellphone. Mukha na nga silang zombie parehas eh. Baka nga pagnagdate sila niyan magkadirihan na kasi parehas ng naglalakihan ang tagyawat at gamaleta na ang eyebags. Baka ang sweetness nila mapalitan na ng pagkaumay at magkasukahan na. Chikiness ever na kasi silang dalawa eh heheh. Eh iyong itsura lang naman iyong nagustuhan nila sa isa't-isa eh.

Hay naku hindi ko talaga maintindihan kung anung sense ng madaling mafall inlove tapos madali  din namang ma-fall out love. Pero para sa akin naniniwala pa rin ako sa true love hindi porket sobrang bitter ko na sa mga kabataang agad naiinlove eh isa na akong babaeng walang puso at manhid sa pag-ibig noh ! Siyempre may mahal din naman ako unang-una na diyan si God tapos ang parents,siblings at relatives ko tsaka ang iilang mga real friends ko.

Searching for a True LoveWhere stories live. Discover now