Searching for a True Love

32 0 0
                                    

Chapter Two

Hindi naman sa panget ako kaya wala akong boyfriend or walang suitors sadya lang na ayaw ko talaga. Oo nga pala hindi ko pa pala naintroduce ang self ko kanina pa ko dito nakikipagchikahan sainyo. Before I'll narrate to you my whole story kung matatawag nga itong istorya hmm ehhemm ehemm.. Magpapakilala na ko,just call me by the name  Bebang oh ah naisip ninyo ang chiki ko ang bantot ng name, nickname ko iyan,pero isang magandang dilag nga daw ako ayon sa aking nanay hahah choz lang..

I'm now 18 years old, oh hah dalagang dalaga na ate ninyo noh,pero para sa iba isip bata daw ako,pero hindi nila alam behind my childish acts eh hindi hamak na mas matured pa ang utak ko sa kanila sa mga ilang kabataan at kaklase kong nasasabi na baby pa daw ako at isip bata para sabihin ko sa kanila sila ang mas isip bata,actually I can manage to do all household chores,I'm also trifty Hindi ako gastarol na kung anu-ano na lang ang pinagkakagastusan at shinashopping, isa pa simple living lang ako kahit anung ihaing ulam sa akin ng mahal kong nanay kinakain ko naman hindi naman ako maarte haha,hindi rin ako pasosyal, mga damit ko hindi naman signature ganoon din mga tsinelas at sapatos ko para sa akin kasi hindi mo naman kailangan masyado pagkagastusan iyong mga bagay na isinusuot mo lang dahil naluluma din naman iyan, mas maganda pa iyong mumurahin lang basta bagay sayo at may quality din naman kahit papano ,kahit akala nila fasyonista ako hindi naman ako ganun kagastos sa damit minsan nga mga bigay lang eh at isa pa I know how to manage my time hindi nga ako magala eh aral lang sa school tapos uwi sa bahay ,magsisismba tapos minsan mamalengke kasama ang nanay at once in a blue moon lang din makalabas kasama ang kaibigan pero may time limit pa at may chaperon dapat, and isa pa pinakaimportante alam kong hindi dapat pinapabayaan ang spiritual life,kasi minsan sa sobrang busy natin maaalala nalang natin si God pag may problema na tayo o kaya naman sakit pero pag masaya at okay tayo we ignore him. Pero dapat bilang anak niya tayo, we always have time for him to thank and praise him,iyong magbasa man lang tayo ng bible tapos magpray then spread natin iyong salita at love niya sa iba oh diba matutuwa naman siya noon kasi lagi natin siya naaalala at we gave glory and praise to His Name.And lastly conserve your virginity iyan kasi ang true beauty ng isang dalaga eh dapat you know how to protect your being dahil isa kang babae kahit sinasabi ng iba na hindi na daw uso ang dalagang Pilipina na Maria Clara marami pa rin namang katulad ko ang nag-iingat ng aming pagkababae marami din akong kilalang ganoon na walang bisyo at pinapahalagahan din ang pagkababae nila. Marami kasing temptation ngayon kasi modern age na daw.Nakakalungkot ngang isipin na bumababa na ang moral fiber ng mga kabataan hindi lang kalalakihan pati mga kababaihan. Mahilig kasi tayong sumunod sa uso eh,kung ano ang in at kung ano ang ginagawa ng marami, kung minsan akala nila iyon na rin ang tama. Pero for me hindi mo naman kailangan magpadala sa agos eh dapat kung ano ang alam mong tama matuto kang manindigan kahit ikaw nalang mag-isa, in short huwag kang gaya-gaya at paimpluwensya sa mali, seek guidance pa rin kay God at sa mga nakakatanda sayo kasi mas alam nila ang tama at makakabuti sa atin.

Searching for a True LoveWhere stories live. Discover now