Chapter Five
Abay syempre hindi pa naman ako patay kaya hindi pa tapos. Okay let's proceed na to the next chapter nakamove on na ako mula sa mga dating manliligaw ko. Nagpakafocus na talaga ko sa studies at nangakong hindi na magpapaligaw kahit kanino at hindi na aasa sa true love na dumating, ipinagpasa Diyos ko nalang ang lahat tutal bata pa naman ako eh. And isa pa I've learned to dream more and I've challenged myself to improve more una sa spiritual then sa pagmamahal sa family ,sa kapwa,and ang pagpapaganda sa sarli ko pa hahaha choz lang tsaka ang pag-aaral ng mabuti para magkaroon ng mabeauty na trabaho at makatulong sa kapwa !
Pag-nag-aaral ako todo aral lang talaga,ni hindi nga ako nakikipagbarkada eh. Kasi some teens are too busy sa mga gala nila or sa mga bf/gf nila kaya ako isolated lang ang peg kasi kung sasama ako sa kanila malamang maging ganoon na rin ako malala pa siguro. Pero sa isang banda hindi naman masama ang may bf or gf eh nagiging bad lang pag nakakaabala na sa studies tsaka nagiging bisyo na iyong kinaaadikan na in short can't live without you na ang arrive. Tapos pumapasok na iyong temptations iyong feeling nila sila na talaga forever akala nila sila na iyong magsasabi ng I do sa isa't-isa pero sa totoo sobrang bagets pa nila at marami pang pwedeng mangyari. Hindi nila naisip na may posibilidad pa silang magbreak tapos makahanap ng iba pero ang masakit doon eh hindi nila namalayan na nahulog na pala sila sa bitag ni Satan. May nangyari na pala sa kanila na-involve na sila sa pre-marital sex na kung tutuusin ay hindi naman magandang practice ng isang kabataan o isang indibidwal. Dahil hindi pa naman sila saklaw ng sakramento ng kasal. Kung iisipin parang unfair naman siguro iyon sa susunod na taong mamahalin niya kasi hindi na ganoon kabuo ang kanyang pagkatao dahil nga mayroon na siyang karansan na nagpabago ng kanyang buhay at iyon ay magdudulot ng isang emotional problem sa kanyang personalidad. Mahihirapan na rin siyang magtiwala muli kasi noong nagmahal siya binigay niya ang lahat pero in the end hindi pa rin ng happy nagkahiwalay pa rin sila.