Chapter Four
Napalayo na ata ang kwento ko ah.. diba dapat about sa love story ito hehe panay naman about me ang nachika ko sainyo okay let's proceed na nga sa tunay na kwento warm up palang iyong kanina ehehe. I'm actually a college girl so that's mean expose din ako sa maraming kabataan kasi araw-araw ka ba naman pumapasok sa isang campus na panay mga same age ko ang nakikita ko. Marami din mga teenage lovebirds dun at syempre mayroon din katulad kong NBNL or No Boyfriend na, No Ligaw pa !kung baga zero lovelife, linoloko nga ako ni nanay ko minsan eh sabi niya anak parang hindi ka naman dalaga eh walang nanliligaw sayo haha..tapos babanat pa iyong isa oo nga ate wala kasi nagkakagusto sayo haha. at pinakamatinding banat si kuya, kaya nga Bebang walang magkamali sayo haha. Tatawa nalang ako at sasabihing naku sobrang ganda ko lang kaya nahiya lang sila sa akin hahah..ooohhh nakakunot na naman iyong mga kilay ninyo aah baka bumanat pa kayo na sobrang feeler ko naman hehe.
Actually totoo namang walang nanliligaw sa akin sa campus wala din ako boyfriend pero dati naman may mga manliligaw din ako noh. At hindi lang isa madami sila pero hindi ko na alam kung saan sila napunta ngayon,kasi lahat sila nabusted ,ikaw ba naman eh nililigawan palang eh feeling bf mo na iyong lalaki hindi ka ba mandidiri at maiinis tapos kung makadrama sayo daig pa ang best actor sa oscar's award sobrang o.a gusto lang mapatunayan niya na mahal ka niya pero ang totoo nachchallenge lang siya sayo na mapasagot ka kasi madami na siyang babaeng napaglaruan dati tapos ako naman super hard to get ang drama ko kaya siya naman never give up ang drama niya huwag lang matapakan at mawasak ang pride ng pagiging chick boy niya, I believe kasi that true love waits eh. Kaya noong nagsawa siya at hindi niya rin kaya iyong gusto ko na magpacounselling muna kami sa Church Pastor namin bago maging serious ang relationship ..Naging I will runaway ang peg ni mr. chickbone este chickboy pala and at the end nag I'm livin on the jetplane na siya as in fly away na talaga.
Muntik na akong ma-inlove ng todo eh,sobrang bait niya kasi sa akin noong una eh pero una lang pala iyon. And after that I just pray for him and forget about him nalang. End of story period. oh iyon lang tapos na ang ikli ng love story ko nho kinilig ba kayo?? ni walang happy ending noh !
-Wakas-
...Joke lang may next chapter pa pala...