PASYENTE

10.4K 161 36
                                        

            ****PATIENT*****

“Maiba! Taya!, taya ka angelo! Takbo takbo!”

Hay ang sarap talagang maglaro, sayang hindi ako makakalaro, kasi eto ako ngayon nanonood  lang sa mga bata na naglalaro, naiingit ako sa kanila kc sila kaya nilang maglaro, samantalang ako hindi ako pwedeng maglaro dahil napilay ang paa ko, kaya hangang panonood nalang ako,

Ako nga pala si richard 12 years old na ako

“hoy mga bata bawal maglaro dito dun kayo wag kayo dito sa likod ng hospital” sigaw samin ng guard  kaya nagsialisan kami, palabas na sana kami ng mga bata ng maalala ko na naiwan ko pala yung laruan ko doon sa likod ng ospital, kaya bumalik  ako doon, hinanap ko ng hinanap ngunit hindi ko ito makita, sinubukan ko puntahan ang guard  na nagpaalis samin kanina baka sakaling nakita nya, ngunit nakita kong natutulog si manong guard na masungit, kaya naisipan ko nalang hanapin sa ospital at para makapaglibot libot na rin ako, matagal na rin akong  hindi nakakapasok dito simula ng mangaling ako dito,

Naglalakad ako dito sa hallway, buti nalang busy ang mga tao kaya hindi nila ako napapansin at nasisita, na curious ako sa isang room kaya pumasok ako, nakita ko ang isang babaeng matanda, nakaupo sa kama at napansin kong malungkot sya, magisa lang sya sito sa room,

“bakit po kayo malungkot lola?” tanong ko sa kanya paglapit ko,

“namimiss ko na kasi ang aking 3 anak at kaisa isa kong apo, siguro kasing laki mo na yun ngayon matagal na nila akong hindi nadadalaw, dito sa ospital dahil busy sila sa trabaho,” lola-

“bakit la ano po bang nangyari sa iyo?” richard-

“nung pababa kasi ako ng hagdan bigla akong inatake ng sakit ko sa puso at nahulog ako, ano nga palang pangalan mo iho at anong ginagawa mo dito?” lola-

“ah ako nga pala po si richard hinahanap ko kc ang laruan kong nawawala, kaya lang po tulog yung masungit na guard na nagpaalis sa amin kaya naglibot libot nalang ako,”

“hehe ikaw ha? Ako nga pala si lola lani,” pagpapakilala sakin ni lola lani

Marami kaming napagkwentuhan ni  lola tungkul sa kanyang  buhay,hindi namin namalayan na gabi na pala

“oh richard apo gabi na baka hanapin kana ng magulang mo baka mapagalitan kapa” lola-\

“ahh oo nga po pala sige po la uuwi na po ako” richard-

“oh sige iho magiingat ka , sana bumalik ka dito bukas para nman may makakausap ako” lola-

“opo lola babalik ako bukas basta hindi lang ako mahuli ni manong sungit, sige po la bye bye” richard-

“simula noon araw araw na akong pumupunta at dumadalaw kay lola lani buti nalang mabait yung nurse na nagbabantay kay lola lani at hindi ako sinisita, at yung mga guards naman ay hindi na ako pinapansin at sinisita,

Marami mga bagay ang mga nakwento sakin ni lola tungkul sa mga anak nya at mga apo nya , inaabot na ako ng hapon at minsan kung gabi doon para lang may makasama si lola,

Makalipas ang dalawang linggo naabutan ko si lola na umiiyak, kaya agad ko syang nilapitan,

“lola bakit po kayo naiyak may masakit po ba sa inyo gusto nyo po ba tawagin ko yung nurse?” sunod sunod na tanong ko kay lola dahil sa pagaalala,

Haunted HospitalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon