DR.ARROZ
ISANG MAGALING NA DOCTOR, 42 YEARS OLD,
MAY ASAWA AT ISANG MAGANDANG ANAK, NA NASA 8 TAONG GULANG, MAHINA ANG PANGANGATAWAN NG ANAK NIYANG SI ANGELICA,
MAHAL NA MAHAL NI DR.ARROZ ANG KANYANG ANAK, LAHAT LAHAT AY GINAGAWA NYA PARA SA ANAK, GREEDY SYA SA PERA, AYAW NYANG MAY NAGKUKULANG SA KANYA LALO NA KUNG TUNGKOL SA PERA, WALA SYANG PAKIALAM SA KANYANG MGA PASYENTE, GAGAMUTIN NYA LAMANG ITO AS LONG AS MAKABAYAD SA KANYA ITO NG TAMA, LAHAT NG KANYANG PERA AY INILALAAN NYA PARA SA KANYANG ANAK NA SI ANGELICA, ANG MGA MAGULANG NI ARROZ AY MGA DOCTOR DIN PERO KAPWA ITONG MGA PATAY NA.
YAN ANG UGALI NI -DOCTOR ARROZ-
==================================================
FLASHBACK.
maaga akong gumising para mag-almusal, para makapasok ako ng maaga sa hospital, ako si Ernesto isang janitor dito sa Bacolod, nangu-ngupahan lamang ako sa isang maliit na kwarto dito malapit sa hospital na aking pinag-tra-trabahuan, ang aking asawa at mga anak at magulang ay nasa probinsya, nagpapadala lamang ako ng pera para sa aking pamilya,
nandito na ako ngayon sa hospital, eto hawak ko ang paborito kong map, matagal-tagal na rin akong dito sa hospital, habang naglilinis ay may naririnig naman akong isang babae na naiyak,
“please po doc, parang awa nyo napo , tulungan nyo po ang nanay ko, ituloy nyo napo ang operasyon, gagawa po kami ng paraan kung tungkol po ito sa pera” pagmamakaawa ng isang babae kay doctor arroz,
“at saan naman kayo kukuha ng pera diba nabangit mo sa akin na constraction worker lamang ang asawa mo?” dr arroz-
“please naman po doc,” muling pagmamakaawa ng babae na ngayon ay naiyak na,
“I’m sorry po pero hindi ko po kayo matutulungan, mas mabuti pa iuwi nyo na ang nanay mo, wala tayong magagawa, patay kung patay,” dr. arroz
Grabe talaga to si doctor arroz walang awa sa mga mahihirap na katulad ko, sana lang wag syang singilin sa kasamaan ng ugali nya, marami naman akong mga kilalang doctor ditt\o na muhkang pera pero si dr.arroz ay grabe talaga, kapag meron syang mahihirap na pasyente ay halos hindi na nya kinakamusta ito kahit man lang silipin bihira lamang, sa mga mayayamang pasyente lamang nya talaga sya magaling, haaay buhay nga naman,!
Nagpatuloy na ako sa paglilinis, nakasalubong ko si dr.arroz
“good morning po doc,” nakangiti kong bati kay doc arroz pero mi-hindi manlang nya ako tiningnan,
Pumasok ako sa kwarto kung saan naririnig ko paring umiiyak ang babaeng nagmamakaawa kay dr arroz kanina, naglinis ako sa kwarto at hindi ko naiwasang tanungin ang babae kung anong sakit ng kanyang ina,
“day, anong sakit ng iyong ina?” Ernesto
“na stroke po ang aking nanay,” patuloy parin sa pagiyak ang babae,
“naku day, pagpasyensyahan mo na ang doctor na iyon, baka may problema lamang din iyong, di bale day may awa ang DIOS gagaling din ang nanay mo,” sagot ko sa kanya at pilit na pinapatahan ang babae,
“pano po kasi pinoproblema ko din po yung pangkain ni mama mamaya, kailangan po kasi bayaran na naka NGT po si mama, so iba yung kinakain nya,pinapasok yun sa kanyang ilong,” sagot ng babae
Nakarmdam ako agad ng awa sa babae, kitang kita sa kanya ang pagkabalisa,
“neng sa iyo ba ito?” tanong ko sa babae at iniabot ang pera
“ah eh parang hind-“ pinutol ko na ang sasabihin nya
“baka sa iyo to nahulog mo dito sa lapag, hindi mo lang namalayan, diba kailangan mo pang bayaran ang kakainin ng ina mo? Sige na ako muna ang magbabantay dito dali day,” –ernesto
BINABASA MO ANG
Haunted Hospital
TerrorIbat-ibang kwento sa ibat-ibang hospital halina at kilabutan sa pagbabasa ng HAUNTED HOSPITAL