The Doctor

12.6K 162 37
                                    

The Doctor

Kaisa-isang anak si Aldrin Bel Monte, anak ng pinakasikat at magagaling na doktor. Ang kanyang ina ay magaling at kilalang Ob-Gyne doktor, samantala ang kanyang ama ay isa ding magaling at sikat na doktor ng Nuerology.

Dahil sa magagaling na doktor ang kanyang mga magulang, madalas itong wala sa kanyang tabi dahil sa pagkaabala sa trabaho. Tanging yaya at mga katulong lamang ang kanyang nakakasama. Lahat ng kanyang naisin ay kayang ibigay sa kanya ng kanyang mga magulang ngunit ang kanilang oras ang tanging hiling nya na di kayang ibigay ng mga ito. Ngunit kahit lumalaki sa yaya at mga katulong na kasama ay pinapangarap pa rin ng batang Aldrin ang maging kasing sikat at kasing galing na gaya ng kanyang mga magulang.

"Ma, Pa, when i grow up i wanna be like you. I wanna be a great doctor like the both of you" Nang sinabi ni Aldrin yun ay labis na natuwa ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama, kaya kahit papaano ay nagkaroon ito ng konting oras para sakanya. Pero hindi sapat yun para kay Aldrin dahil habang nagbibinata sya, naranasan nyang ma-bully sa school ngunity walang magulang na nagtatanggol sa kanya gaya ng ibang mga bata kung kayat habang nagbibinata sya ay unti-unti nyang kinasusuklaman ang propesyon nang kanyang mga magulang. Dahil sa pagiging doktor ng mga ito ay wala itong oras sa kanya, hindi nya naranasan sumali sa mga Family Week ng kanyang school dahil madalas na busy ito sa trabaho. Kaya madalas syang mabully ng kanyang mga kaklase na sya daw ay ampon o putok sa buho at kung anu-ano pa. Yung ang naging dahilan ng kanyang galit.

Isang araw.....

Himalang nakasama nya ang kanyang mga magulang sa hapag ng hapunang iyon, natutuwa sya at kahit sa pagkain man lang ay makasabay nya ito.

"So, Aldrin how are you doing? How's school?" -mama

"its fine ma, how bout you two? im so glad that we have to get a dinner together today"

"well of course darling, we miss you too thats why"-mama

"So, when you graduated where do you want to take up Medicine?"-papa

sumama ang loob ni Aldrin ng itanong sakanya iyon ng kanya ama imbes na kamustahin sya nito. 

"sorry, but ive changed my mind i dont wanna take up Medicine when i graduate, im full Ma, Pa. Goodnight"

"HEY! WERE NOT DONE TALKING! COME BACK HERE THIS INSTANT! WHAT DO YOU MEAN YOU DONT WANNA TAKE UP MEDICINE?"-papa

"I DONT WANNA TAKE UP MEDICINE CAUSE I DONT WANNA BE LIKE YOU, LIKE THE BOTH OF YOU WHO NEGLECTED ME,LEFT ME ALONE! YOURE ALWAYS BUSY WITH YOUR PROFESSION YOU FORGOT YOU GOT A SON WHO ALWAYS BEEN BULLIED AND BEEN BEAT UP! I DONT WANNA BE A DOCTOR, I HATE DOCTORS! I HATE BOTH OF YOU!"

At agad na tumakbo si Aldrin ngunit natigil sya...

"NOOOOOOOOOOOOOO!!!!

ALBERTOOOOOOOOOOOO!!!!' -mama

Nang tumingin si Aldrin sa pwesto ng kanyang ama ay nakabulagta na ito. Inatake sa puso ang kanyang ama sa sobrang sama ng loob, at dahil dito ay binawian ito ng buhay. Maski ang kanyang ina na magaling na doktor din ay hindi man lang nagawan ng paraan ang kanyang ama na umabot man lang sa hospital.

Simula ng mailibing ang kanyang ama ay madalas ng magmukmok ang kanyang ina, hindi ito kumakain at madalas ay nagwawala at umiiyak. Nang namatay ang kanyang ama ay nakalimutan na sya nitong alagaan. Lumipas ang isang buwan at isa-isang nag alisan ang kanilang mga katulong dahil madalas inaaway ng kanyang ina. Hanggang sa pati ang yayang nag alaga sa kanya ay napilitan na ding umalis dahil sa karahasan ng kanyang ina. Sa loob lamang ng dalwang buwan naging ulila si Aldrin dahil namatay ang kanyang ina sa sobrang kalungkutan.

Dahil sa sunud-sunod na trahedyang naganap s buhay na Aldrin ay nawalan sya sa katinuan at isang gabi ay pinasok nya ang kwarto ng kanyang mga magulang at nakita ang mga gamit ng mga ito sa paggagamot; scalpel, patella hammer, stethoscope at marami pang iba. Kinuha nya ito at sinilid sa isang bag. 

Lumabas si Aldrin gamit ang puting van na hindi nagagamit sa garahe. Habang naglalakbay si Aldrin ay wala syang ibang ginawa kundi ang ngumiti at kausapin ang sarili. Nang may makita syang payat na bata sa daan, isang pu;ubing bata na mukhang sakitin.

"Ma, Pa, ill show you that im a good doctor now hahaha!"

Huminto si Aldrin sa gilid ng bata at inalok ng pera. Sumama ang bata sa kanya sa pagaakalang bibigyan nga sya ng madami nito. Dinala nya ito sa kanilang bahay at binigyan ng pampatulog.

Winakwak nya ng tyan ng bata dahilan upang magising ito sa sobrang sakit at nagsisigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!

WAG POOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO, TAMAAAAAAAAAA NAAAAAAAAAA AAAAAAAAAAAAAAAHHH PO!"

patuloy na paghiyaw at pagiyak ng bata pero parang naging bingi si Aldrin at pinagpatuloy ang pagwakwak sa tyan ng bata, isa-isang nilabas nya ang laman loob nito, hindi sya nandidiri kahit walang gwantes sa kamay, nakangiti habang iniisa-isang tanggalin ang laman loob ng bata. Napangiti si Aldrin ng makita ang puso ngunit hindi na ito tumitibok kaya..

"HINDI! HINDI TO DAPAT! MABUHAY KA!! KAILANGAN PA KITANG GAMUTIN! GUMISING KAAAAAAAAAA!"

sigaw ni Aldrin sa bata habang pilit na ginigising ang batang namatay dahil sa mabilis na pagkaubos ng dugo.

Hanggang ngayon gumagala pa rin si Aldrin sakay ng puting van upang maghanap ng mga batang maaaring gamutin, o sa tamang salita ay bibiktimahin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AUTHOR'S NOTE::

lam ko walang konek, next time meron na lang hehehe..

vote, comment please para ganahan ^______^

Haunted HospitalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon