Naglalakad papunta si Jaiden sa hospital bandang 5 ng hapon upang magdala ng pagkaen sa kanyang pinsan na may dengue at para na rin palitan ang isa pa nyang pinsan na nagbabatay doon.
kahit takot man sya sa mga hospital wala naman syang magagawa kundi samahan ang pinsan nya bago pa sya pumasok ng hospital ay tiningnan nya muna ito mula sa labas at pakiramadam nya ay nagtaasan ang kayang mga balahibo dahil ang paniniwala nya maraming namamatay sa hospital at lahat ng namamatay doon ay naiiwan at nagwawander ang kaluluwa sa loob ng hospital.
"whoooa!! think positive Jaiden, ano ba?! happy thoughts, yup think of happy things"
paulit ulit na usal ni Jaiden sa sarili habang papasok sa loob ng hospital sa 6th floor kasi ang private rooms kaya kahit magmukha syang tanga sa loob ng elevator ay wala syang pakialam, dahil nakapikit lang sya at paminsan minsa na sumisilip sa indication kung anong floor na..
"whoooa! sa wakas 6th floor!"
pagpasok sa loob ng kwarto ng pinsan nyang si Dean
"oh buti buhay ka pa? ahahahaha! di ka ba ginambala ng mga kaibigan mong multo habang paakyat ka dito?"
"SIRA! kung may iba lang sasama sayo dito hindi ako pupunta dito noh? nyeta laking tao kasi nadedengue"
"HEH!"
dumaan ang mga oras ng maayos dahil di naman ako lumalabas ng kwarto kaya hindi din ako msyadong natatakot at may tv rin dito..
*tok tok*
"AY! HARING MALAKI ANG P*KE!"
"HAHAHAHAHA! SIRAULO" sigaw ni Dean
nagulat ako eh bakit ba?
pumasok yung nurse at may inabot sakeng papel
"ano pong gagawin ko dito?"
"hahaha! kainin mo gago!" dean -_-
"pakibili nalang po yan sa botika sa baba kasi po kelangan na po ng patient yan"
"huh?ako?"
"alangan ako?" Dean -_____-''
"ewan ko sayo! manahimik ka dyan"
"ahmmm wala po ba kayong stock nito at bibilhin ko nalang po bukas pagsikat na yung araw at hindi yung 3 ng madaling araw, sakto talagang alas tres hah?"
"eh wala po pasensya na po kelangan na po talaga yan!"
umalis na din kagad yung nurse
"ano na layas na! kanina ka pa inaantay ng mga tropa mo doon sa elevator balita ko may namatay na matanda doon eh"
"waaaaaaaaaaaaaa! wag kang manakot siraulong hayop na to, baka ikaw pabilhin ko!"
"hahahaah! sige na sige na, joke lang wala naman eh bumili ka na dun pag ako namatay hihilahin kita, sige?" pang asar talaga ang hayop!
lumabas na ako ng kwarto at bumaba medyo kinikilabutan ako pero think of happy thoughts
pagkabili ko bumalik agad ako sa hospital at sumakay ng elevator
tatlo kaming nasa loob ng elevator na yon at huminto sa 3rd floor, at may sumakay na isang matanda natakot ako ng maalala ko ang sinabi ni dean at hindi na lamang ito tinignan,
tas may biglang nagradyo sa nag ooperate ng elevator
"pare ano kaba gusto mo bang mapagalitan tayo? nagsakay ka pa eh punong puno na kayo, kita mong may pasyente ka dyan nagsasakay ka pa?!"
nagkatingin kaming apat na nasa elevator, feeling ko gusto kong maging si hulk at buksan tong elevator by my bare hands,!
"ano kaba?! apat nga lang kaming nakasakay dito eh, wag ka ngang manakot! pati yung mga 'pasyente matatakot yari ka!" sabi nung nag ooperate
"siraulo hindi ako nagbibiro! kahit tingnan mo pa mamaya dito sa video! labing-dalawa na nga kayo dyan meron pa kayong naka-wheel-chair!"
nanaykupoooooooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
*TING* 6th floor na
Agad kaming nagtakbuhan sa labas kasama na yung nag ooperate ng elevator...
"DI BALE NANG MAWALAN NG TRABAHOOOOOOOO!!!! KESA MAMATAY INSTANT! " Sigaw nung operator sa elevator kanina..
NYUTA! HINDING HINDI NA AKO MAG E-ELEVATOR MAG HAHAGDAN NALANG AKO MAG-ISA AT KUNG MERON PA RIN SA HAGDAN TATALUNIN KO NALANG!....
author's note:
OH SA SUSUNOD URONG URONG DIN PAG MAY TIME PAG NASA ELEVATOR KAYO HA? BAKA KALA NYO MAG-ISA LANG KAYO EH KUNG MAY NABUBUNGO NA PALA KAYO? XD
BINABASA MO ANG
Haunted Hospital
HorrorIbat-ibang kwento sa ibat-ibang hospital halina at kilabutan sa pagbabasa ng HAUNTED HOSPITAL