Selfie

4.1K 76 2
                                    

*CLICK*

*CLICK*

*CLICK*

"Hoy tania! imbes na magdasal ka muna dyan sa hapagkainan eh puro selfie na naman ang ginagawa mo!" sigaw sa akin ni mama, yan ang morning sermon sakin ni mama everyday,

"ma naman eh, minsan lang naman ah" palusot ko kay mama,

"oy! tania hindi ako bulag at mas lalo namang hindi ako bingi! malamang nga nakaka 50 times ka na selfie sa isang araw, wala ka nang patawad anak ha? BAKA NAPAPABAYAAN MO NA ANG PAGAARAL MO DYAN HA?" tanong sakin ni mama<

" ma hindi po" simpleng sagot ko kay mama 

" oh sya sige pero magbihis ka mamaya dahil bibisita tayo kay tito mo sa hospital okay?"

"opo ma"

tuwing sabado ay bumibisita kami ni mama sa kay tito henry sa kapatid ng bestfriend ni mama| 

pero syempre pagkatapos kong kumain nagupload muna ako ng mga pictures sa facebook then nag handa na ako sa pagalis namin ni mama

kasama namin si dylan ang pinsan ko sa pagpunta namin sa hospital< pagkarating na pagkarating namin sa room nina tito henry iyak na ng iyak si tita rose ang bestfriend ni mama

"oh rose bakit anong nangyari?" agad na tanong ni mama

" si kuya kasi tinaningan na ng doctor baka daw kasi isang lingo na lang ang itatagal na buhay na dahil kumalat na daw ang cancer sa katawan nya" inalo agad ni mama si tita rose hangang sa napatahan nya si tita rose at dumating ang nurse para sa mga gamot na ipabibili 

"rose sasamahan na kita~  anak at dylan bantayan nyo muna si henry at bibili lang kami ng gamot" pagkasi noon ni mama ay umalis na sila ni tita

"kawawa naman si kuya henry no tania?"

"oo nga insan eh~ pero kawawa din si tita rose dahil inilaan na nya ang buhay nya sa pagaalaga kay tito henry at hindi na nagaasawa~ ay teka lang"

agad kong kinuha ang cellphone ko at tumabi kay tito henry na tulog parin~ nagselfie ako ng nagselfie naka post ako ng mga sad face at meron pa ngang peace sign~ agad naman akong sinita ni dylan

"hoy tania ano ka ba! para ka namang walang respeto nyan kita mo na ngang mamamatay na yung tao tapos ganyan ka pa ng ganyan!" habang sinisermonan ako ni dylan ay i na upload ko na yung mga photos

"EHEEM!" nagulat kami ng nagising si tito henry

"ayan tuloy dylan ang ingay mo kasi nagising tuloy si tito, kamusta po ang pakiramdam mo?" tanong ko kay tito na nakangiti

"eto nanghihina na, nararamdaman ko nang mamamatay na ako, ikaw naman tania wag mo na ngang uulitin ang mag selfie sa mga ganitong bagay ha, oo nakita ko ang ginawa mo, basta wag ka nang uulit kung hindi mumultuhin kita" pabiro pero alam kong nainis sa akin si tito henry kaya nag smile na lang ako at nag sabing hindi na uulit,

ng nakauwi na kami ng bahay ay medyo nainis  na ako sa paulit-ulit sakin ni dylan sa sermon sakin ni tito

"yan sabi ko naman kasi sayo eh wag mo nang ituloy napagalitan ka tuloy, baka mamaya multuhin ka nun, lagot ka!" pangaasar sakin ni dylan

"oo na! eh bakit ba kasi eh selfie lang naman eh! nakakawala ng respeto ngek! hindi naman kaya, basta mag se-selfie parin ako," pagpupumilit ko kay dylan,

" bahala ka nga dyan" at tinaas nya ang dalawang kamay sign na ayaw na nyang lumaban pa sakin,

mabilis lumipas ang 4 na araw, paulit-ulit pa rin ang routine ko sa pagseselfie,

umuwi si mama na naiyak,

"bakit po ma?" tanong ko agad kay mama

" si tito henry mo patay na, magbihin ka at pupunta tayo sa lamay at makikiramay kay tita rose mo, dali" pagmamadali sa ain ni mama

nakiramay ng kami nila mama at dylan sa lamay,

*click*click*click!

"hoy tania ang kulit mo talaga ah! pati sa lamay nagseselfie ka wala kang respeto!" sita sa akin ni dylan at medyo malakas na ang boses at halatang naiinis 

"eh bakit ba manahimik ka nga dyan!"

at tinuloy ko parin ang pag se-selfie

 

"bahala ka nga dyan! pag minulto ka ni kuya henry lagot ka!"

.... mabilis ngang lumipas ang 3 araw at ililibing na si tito henry pero ako kahit nasa libing ay tuloy parin ako sa pagse-selfie, nang nakita kong medyo nakasimangot na ang mga kamaganak ni tito henry at si mama ay tinigil ko na ang pag seselfie,

pagkatapos ng gabing iyon ay pagod na pagod talaga ako kaya maaga akong natulog

"WALA KANG RESPETO TANIA WALA KANG PATAWAD! KAHIT SAAN TULOY PARIN ANG HILIG, HINDI MO NA NIRESPETO ANG LIBING KO!" Feeling ko mamamatay na ako ng mga sandali yon habang sinisigawa ako ni tito henry pero wala syang mata sobrang nakakatakot ang kanyang mukha 

"aaaaaaaaaaaaah!"

*pak!*  

"Tania anak! nananaginip ka ng masama! gising!"

nagising ako sa sampal at lakas ng boses ni mama, simula noon ay gabi gabi na akong nananaginip ng masama paulit ulit ang panaginip na yun, hangang sa isang gabi habang nauulit nanaman ang panaginip na yun ay umiyak ako kay tito henry at nangako ako na hinding hindi na ako magpapasawalang bahala sa mga ginagawa ko , kung ito ba ay nakakawala na ng respeto sa ibang tao, simula noon ay hindi na ako muling nanaginip ng masama,

AUTHOR'S NOTE: SORRY PO SA MGA MALING TYPE SA CP LANG PO KASI AKO NAG -UP-DATE, IIEDIT KO NALANG PO PAG MAY TIME

BY THE WAY PO TOTOO PO ITO, AT NAKAKITA NA RIN PO AKO NG MGA TAONG GANYAN NA KAHIT SA LAMAY AY NAG SE-SELFIE TALAGA PONG WALA NG RESPETO YUNG MGA GANON SORRY PO DUN SA MGA GUMAGAWA NG GANYAN PERO YUN PO TALAGA ANG TOTOO,

THANKS FOR READING!

Haunted HospitalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon