Chapter 2

10 2 0
                                    

"how's school Princess?" malambing na wika ni Dad sabay halik sa noo ko.

"It's fine dad. Pero may nakita akong lalaki na mayabang." inis na hinaing ko ng maalala ko nanaman ang kawalang hiyaang ginawa niya sa matanda at ang pag dalaw sa isipan ko kanina dahilan upang mapahiya ako sa klase ni Misis Reyes.

"hmm who's that arrogant guy iha?" tanong ni dad habang nakatingala na animo'y nag iisip.

"I don't really know him dad." kunot noong wika ko.

"You like him?" tanong niya habang nakangisi sa akin.

"Here we go again dad." wika ko habang nakanguso. Napahalakhak naman si dad dahil sa tinuran ko.

Lagi niya kasi akong inaasar kapag nagkekwento ako sa kanya about boys.

"Kasi naman iha mag tatapos ka na ng college pero hanggang ngayon wala ka paring pinapakilala sa akin. Napapaisip tuloy ako kung tunay ka pa bang babae." humahalakhak na wika nito na mas lalong nagpahaba sa nguso ko.

"I'm not lesbian dad it's just that Accountancy is so stressful kaya ayoko ng magdagdag ng ikaistress ko." nakangiti na wika ko.

Parang kailan lang kasi nung araw na naguguluhan pa ako sa gusto kong kunin ngayon last year ko na.

"So back to my question iha. You like him?" nakangising wika parin nito. Dad indeed know how to annoy me.

Naramdaman ko ang pag init ng aking mukha kaya mabilis ko siyang tinalikuran.

"Paano ko magugustuhan ang lalaking yun? Akala mo laging may galit sa mundo. Laging nakakunot ang noo. Laging nanghahamon ang tingin na akala mo laging makikipag away. Yung ilong niyang halos manusok sa sobrang tangos. Now tell me dad, paano ko magugustuhan yun?" mahabang lintanya ko habang naka pameywang ngunit nanatiling nakatalikod.

Natauhan lamang ako sa mga sinabi ko ng malakas na humagalpak ng tawa si dad habang maluha luha pa. Damn! Bakit yun ang nasabi ko?

"Gotcha." namumulang wika ni dad dahil sa sobrang pagtawa.

Kaya naman mas uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan nanaman na nasabi ko.

"Mukhang nagkakatuwaan ang mag ama ko a?" mahinhing wika ni mom habang palapit sa amin.

"Mom si daddy inaasar ako." sumbong ko sa kanya tsaka niyakap.

"Hon don't annoy our daughter baka sa sobrang inis niya maging old maid pa." nakangising wika ni mom kaya mabilis akong napalayo sa kanya.

Muli akong napalabi dahil sa paghagalpak nila ng tawa.

"Pati ba naman ikaw mom?" kunwaring nagtatampo na wika ko.

"Just kidding iha." wika ni mom.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko si daddy na masayang nakatingin sa amin.

"Group hug." malakas na wika ko.

Ang sarap magkaroon ng pamilya na ganito. Wala na kong mahihiling pa as long as nandito sila sa tabi ko.

"Wake up iha."

Dahan dahan kong minulat ang aking mata at ang bumungad sa akin ay ang magandang ngiti ni mommy.

"Good morning mom." wika ko sa mahinang tono dahil inaantok pa ako.

"Good morning. Bumangon kana. We'll wait you downstairs." wika niya at marahan akong tinapik bago lumabas ng kwarto ko.

Nakasanayan kasi namin na pumunta sa Charity na tinutulungan namin tuwing Saturday kaya kahit tinatamad pa kong bumangon ay pinilit ko parin ang aking alang alang sa mga batang nangangailangan ng tulong.

Hindi man namin maalis ang sakit nila ang mahalaga ay napapangiti namin sila.

"Let's go na dad." wika ko pagkababa sa sala.

"If you're looking to your mom, nandun siya sa kitchen. We'll eat first bago pumunta sa Laguna." aniya nang mapansin ang paglinga ko sa paligid.

Sa Laguna ang pupuntahan naming Charity ngayon. Paiba iba kasi ang lugar na tinutulungan namin.

"May ipapakilala ako sa iyo later iha." wika ni mom habang kumakain.

"Is this one of your kumare mom?" wika ko. Madalas kasi akong ipakilala ni mom sa mga kumare niya kaya nasasanay na akong makihalubilo sa mas nakakatanda sa akin.

"Son of my best friend iha." wika ni mom habang tinatapos ang pagkain.

Interesting. Ngayon lang ako maipapakila sa isa sa mga anak ng kaibigan nila dahil karamihan sa mga kaibigan nila ay walang mga anak.

I hope maging friends kami. Wala pa kasi akong nagiging kaibigan. Ngayon palang kung nag kataon.

"Iha pakikuha yung sobre sa harap ng sasakyan." pakiusap ni mommy nang makapasok kami sa Charity dito sa Laguna.

Mabilis ko naman itong kinuha dahil excited na ako makilala ang anak ng kaibigan ni mom.

Tutulong din daw ang matalik na kaibigan ni mom sa charity na ito.

"Here it is mom." wika ko habang inaabot ang sobre.

Nagpalinga linga ako upang hanapin ang kasama namin na tutulong sa charity na ito ngunit wala pa sila.

Napalingon ako sa isang sulok ng makarinig ako ng mumuntung halakhak. Nakita ko ang mga batang masayang nanunuod sa mga magicians na kinuha namin para mapasaya sila.

Bahagya akong lumapit doon at hindi maiwasang mapaluha nang makita ko kung gaano sila katapang na harapin ang kanilang sakit.

Nakukuha pa nilang maging masaya sa likod ng mga sakit na dinadanas nila. Kaya laking pagpapasalamat ko sa diyos na lumaki akong hindi sakitin.

Akmang lalapit na ako sa mga bata ng may nagsalita sa likod ko.

"Why are you here?" malamig na wika nito kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

Naniningkit ang kanyang mata na animo'y nanghahamon nanaman ng away.

Saglit akong napatulala ng mapagtanto ko kung sino itong nasa harapan ko.

Napansin niya ata ang pagtitig ko kaya naman mas lalong umigting ang kaniyang panga.

"Mukhang ako dapat ang magtanong sayo kung bakit ka naririto." nakangising wika ko upang hindi mahalata ang pagtitig ko sa kanya.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong nito habang nakatitig sa akin.

Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa lalim ng titig niya na tumatagos sa kaluluwa ko.

"Why.. Why would.. I do that?" nauutal na wika. Fvck! Bakit ako nauutal?

Nagkibit balikat lamang ito at mabilis akong tinalikuran. Napaka antipatiko talaga niya. Ang sarap niyang ipa salvage.

"Iha halika na. Nandyan na ang kumare ko." wika ni mom habang inaakay ako ngunit natigilan siya ng maramdamang nanginginig ako sa galit.

"Are you okay?Anong nangyari?" nag aalalang tanong niya sa akin habang hinahaplos ang braso ko upang kumalma.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko upang hindi na siya mag alala at pinilit kong waglitin muna sa isip ko ang antipatikong lalaking yon.

"I'm okay mom. Let's go. " wika ko ng maramdaman kong kumalma na ako.

"Hey san ba kayo galing?" hinihingal na wika ni dad habang patakbong lumapit sa amin.

"Pinakalma ko lang tong anak mo." wika ni mom kaya napabaling sa akin si dad gamit ang kanyang mata na nag aalala.

"Ayos lang ako dad." wika ko para matigil na sila sa pag aalala pero alam kong namumula parin ako sa galit.

"By the way where they are?" wika ko upang mailihis sa akin ang usapan.

"Nagpaalam sila sa akin na mag dinner nalang daw tayo later dahil may importante silang pupuntahan." sagot ni dad sa katanungan ko.

Bahagya akong nadismaya sa nalaman ko dahil akala ko makikilala ko na ang kaunaunahan kong magiging kaibigan. Sana.

Itutuloy......

The Lies Behind The TruthWhere stories live. Discover now