Chapter 10

3 0 0
                                    


Makalipas ng mahigit 30 minutes ay narating na namin ang lugar kung saan kami umano magsisimula.

Sa una ay naguguluhan kaming lahat dahil kung ilalayo nila kami sa Akane ay makikita rin namin ang daanan kaya madali rin kaming makakabalik ngunit sa loob pala ay walang ibang makikita kundi ang kulay na itim. Walang makita kahit konti sa labas.

Napasimangot ako ng mapagtanto kong hindi kami makakakuha ng mga larawan namin dito dahil pinaiwan lahat ng gadgets. Pinagdala lamang kami ng first aid kit at mga pagkain na aming lulutuin. Sampong piraso ng stick ng posporo para sa pansindi ng apoy na aming mga lulutuuin.

"You may all go now. Take care guys." huling wika nito matapos kaming paalalahanan ng aming nga gagawin.

Paglabas naming lahat ay bakas sa aming mga mukha ang pagkamangha sa aming nakikita. Ang paligid ay punong puno ng mga nagtatayugang puno na may mga bunga ng bulaklak na may iba't ibang kulay. Makikita rin sa mga puno na talagang inalagaan itong mabuti.

"Guys may note." sigaw ng isa naming kaklase.

Nagtakbuhan kami papunta sa isang puno na may nakadikit na papel at sa labas nito ay may nakasulat na note number one.  Mabilis itong kinuha ni Zysco habang kumapit naman sa braso ko si Farah.

"Mula sa inyong kinalulugaran ay lumakad kayo ng 1000 na hakbang." malakas na pagbasa ni Zysco sa nakasulat dito. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na nag tanguan tanda na simulan na ang aming paglalakabay.

"500..."

"Guys wait." wika ni Farah ng hinihingal.

"Stop being maarte Farah. Kakasimula lang natin. 500 steps palang nagagawa natin. Don't tell me pagod kana?" Pang aasar ko dito na sanhi ng tawanan naming lahat. Napanguso na lamang si Farah dahil dito.

"Okay. Whatever." wika nito at inalis ang pagkakapit sa aking braso na kunwaring nagtatampo at lumipat sa tabi ni Kenzo. If i know gusto niya lang makasama si Kenzo. Don't me Farah!

"1000...." sabay sabay na pagbilang naming lahat at bahagyang napangiti sa aming pagkakaisa. Sinuri ng aming mga mata ang kakaibang meron dito ngunit isang bunton lamang ng mga dahon ang aming naabutan.

"Anong meron dito? Wala namang kakaiba maliban sa bunton ng dahon na ito." wika ng isa naming kaklase. Napatango na lamang kaming lahat.

"Wait.... " sabay sabay kaming napalingon kay Zsyco na ngayon ay mukhang may idea rito.

"Hindi kaya sa loob ng bunton ng dahong iyan ay nandyan ang next clue?" napatango kaming lahat sa kanyang sinabi. Hindi ko maipagkaila ang paghanga ko sa kanya dahil sa katalinuhang ipinapakita nito. Kahit alam kong ayaw niya ng activity na ito ay tumutulong parin siya.

"I think he's right. The right thing to do now is to look what's inside of that." wika ko habang tinuturo ang mga dahon. Sa tingin ko ay tama si Zsyco na maaaring sa ilalim ng mga dahon na iyan ay nandoon ang clue para sa susunod na aming mapupuntahan.

Napatango ang lahat sa aking sinabi at sumang ayon na hahalukayin namin ito. Kanya kanya kaming pulot ng mga sanga ng puno na nahulog upang ipang kayod sa mga dahon. Tagaktak ang mga pawis namin ng matapos namin ito. Bakas sa aming mga mukha ang pagod dahil mahigit trenta minutos namin itong hinalukay.

Kanya kanyang punas kaming lahat maliban kila Farah at Kenzo na ngayon ay nagpupunasan ng pawis.

"Inggit ka nanaman sa kanila." rinig kong wika ni Zsyco sa aking gilid na nagpupunas rin ng pawis. Nakangisi ito ng mapang asar.

The Lies Behind The TruthWhere stories live. Discover now