Chapter 1

19 2 0
                                    

"Damn! Look what you've done to my shirt." umaalingawngaw na sigaw ng isang lalaki sa cafeteria. Nakita kong ang isang matandang nakayuko habang nanginginig sa takot dahil sa pagsigaw ng lalaki.

"Did you know how much this shirt costs?" muling sigaw ng aroganteng lalaking ito. Nakita ko ang pagtulo ng luha ng matanda habang humingi ng tawad sa walang awang lalaki.

Ngunit parang sarado ang tenga nito at hindi pinapansin ang pag hingi ng tawad ng matanda.

"Hey stop shouting. Hindi siya bingi." wika ko sa lalaking kanina pa sumisigaw. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makisali sa gulong ito dahil hindi ko kayang may nababastos na matanda.

"And who the fuck are you?" nanggagalaiting baling niya sa akin.

Nakita ko ang pag galaw ng kanyang kalamnan dahil sa matinding galit ngunit binalewala ko lamang ito.

"Hmm let's just say na ako ang anak ng may ari ng school na ito." wika ko ng nakangisi. Hindi ako nagmamayabang ngunit sa ganitong eksena, ito lang ang naisip kong paraan para matigil ito.

"I don't care." malamig na wika ng aroganteng lalaking ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng hindi niya pinansin ang sinabi ko at bahagya pa itong umirap. Damn! Ang sexy niya umirap.

"You know what? Napakaliit lang nang problema mo. Are you gay? Because as far i know, true man will never shout at women especially to the old one." nakangising wika ko upang hindi mahalata na may pagnanasang namumuo sa aking sistema.

Nakita kong muling umusok ang ilong nito sa inis kaya sinenyasan ko ang matanda na bumalik na sa kanyang trabaho bago pa maibuntong muli sa kanya ang inis ng lalaking ito.

Mabilis na rumihistro ang gulat sa kanyang mukha ng mapagtanto ang aking sinabi.

"ow why? Did i hurt your ego or its true na gay ka?" mapangasar na wika ko. Umigting ang kanyang panga matapos marinig ang aking sinabi.

Hindi mo masasabi na bakla siya dahil sa tikas palang nang kanyang pangangatawan ay masasabi mong mababalian ka ng buto kapag sinapak ka nito.

"Where the fuck did you get that idea?"kunot noong tanong niya.

Naramdaman ko ang pagtambol ng aking dibdib dahil sa kaba.

"hmm from your actions." wika ko ng nakangisi upang hindi mahalata na kinakabahan ako.

Akmang magsasalita pa ito ngunit mabilis ko na itong tinalikuran dahil alam kong late na ako sa unang klase ko.

Gusto ko man siyang inisin ay hindi pwede dahil paniguradong makakarating kila daddy na hindi ako pumasok sa klase ko.

"Miss Kiana Atasha Stene! You're late again." bulyaw sakin ni Misis Reyes pagkarating ko sa aming classroom. Isa siya sa mga professor ko.

Sanay na akong mapagalitan dahil sa pagiging late kaya binalewala ko na lamang ito.

"I'm sorry Misis Reyes." paumanhin ko bago lumakad na papunta sa assigned seat ko.

Ako man ang unica iha ng may ari ng paaralang ito, hindi parin ako exemption na pagalitan dahil gusto ng mga magulang ko na maging patas sa lahat ng estudyante dito sa Stene International School.

"Magaling ka sana kayalang lagi kang late." pahabol pa na wika nito.

Napairap na lamang ako dahil paulit ulit ko itong naririnig sa mga prof ko.

"Hi Ms Kiana Atasha. Can i sit beside you?" mahinhing tanong sakin ni Farah. Isa siyang nerd na napagalaman kong isa sa mga stockholder ang kanyang mga magulang dito sa school.

Napalinga ako sa paligid upang maghanap ng ibang seats na pwede niyang upuan. Ayoko kasing may katabi at higit sa lahat ayokong mapalapit ako sa mga tao dahil alam kong gagamitin lang nila ako dahil sa apelyido ko.

"uhm as you can see walang nang ibang seats." wika pa nito habang nakayuko.

Ayoko man ng may katabi ay tumango na lamang ako dahil nakita ko ang pagtingin ni Misis Reyes sa banda ko. Ayoko pa naman ng attention dahil panigurado pag nakita niyang may mag uusap sa klase niya ay ipapahiya niya.

"In mathematics, trigonometric identities are equalities that involve trigonometric functions and are true for every single value of the occurring variables where both sides of the equality are defined. Geometrically, these are identities involving certain functions of one or more angles." pagpapaliwanag ni Misis Reyes ngunit wala akong maintindihan dahil lumilipad ang utak ko sa lalaking antipatiko na nasa cafeteria kanina.

Bumabalik sa isip ko kung pano umigting ang kanyang panga dahil sa galit, ang mapupulang labi na nang gigigil,ang ilong na may perpektong tangos at ang matang nanghahamon.

Ngunit natigil ang pag iisip ko nang maramdaman kong may sumisiko sa akin kaya mabilis ko itong binalingan ng masamang tingin.

"uhm sorry to disturb you but.." hindi natuloy ni nerd ang sasabihin niya dahil pinutol ito ni Misis Reyes.

"Miss Stene stop day dreaming." wika niya na ikinatawa ng mga kaklase ko.

Naramdaman ko ang pag init ng aking mukha dahil sa kahihiyan. Damn! Pag nalaman to nila dad masesermunan nanaman ako. Kasalanan to ng lalaking yun.

"Ilang beses na kitang tinawag ngunit di ka sumasagot." kunot noong wika niya.

"I'm sorry Misis." wika ko ng nakayuko dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"If you'll answer this right di ko sasabihin sa parents mo ito." wika niya ng may panghahamon ang boses. Shit ito na nga ba ang sinasabi ko e. Tsk!

"What is identity in Mathematics?" marahang tanong niya habang nakangisi.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang mga kaklase kong nakangisi rin habang hinihintay ang kasagutan ko.

"An "identity" is an equation which is always true. These can be "trivially" true, like "x = x" or usefully true, such as the Pythagorean Theorem's "a2 + b2 = c2" for right triangles. There are loads of trigonometric identities, but the following are the ones you're most likely to see and use." taas noong sagot ko.

Napasinghap sila matapos marinig ang aking sagot.

Thanks to my parents na hindi ako pinapayagang matulog hanggang hindi ako nag aadvance reading.

"Very good Miss Stene. Gayahin niyo siya na kahit hindi nakikinig, alam ang sagot." wika ni Misis Reyes habang pumapalakpak.

Hindi ko alam kung maiinsulto ako o matutuwa sa sinabi niya.

Kaya sa huli'y buntong hininga na lamang ng nagawa ko.

"Ang galing mo Miss Kiana Atasha." wika ni nerd sa tabi ko. Napairap na lamang ako dahil sa tawag niya sa akin. Ayokong naririnig ang buo kong pangalan dahil nababanas ako.

"Just call me Kisha." wika ko at muling umirap sa kanya.

Masyado kasi siyang feeling close. Pero infairness siya lang ang kaisaisahang lumalapit sa akin dahil alam nilang tatarayan ko lamang sila pag lumapit sila sa akin.

Itutuloy....

I don't know kung may subject na trigo sa Accountancy na course guys HAHAHA. Pero yan nalang muna ngayon. Isesearch ko pag may time.

The Lies Behind The TruthWhere stories live. Discover now