Kabanata 1
Arcanist
Mga taong may kakayahan ayon sa kwento ni lola. Pitong taong gulang kami ni Eviana, ang aking kababata, ng ikwento sa amin lola ang mga Arcanist. Tuwing sasapit ang ika-labing walo ng Marso ay magkwekwento si lola sa amin ni Eviana. Karamihan sa mga kwento ni lola ay kathang isip lamang. Minsan naman ay mga karanasang hindi niya malilimutan ang siyang ikinikwento niya sa amin. Ngunit ang kwento tungkol sa mga Arcanist ang tanging gumugulo sa akin. Magmula ng ako ay tumongtong ng sampung taong gulang saka ako nito ginulo. Maging kahit ngayong 14 years old na ako ay ginugulo pa rin ako. Palagi kong napapanaginipan ang senaryo na nagkwekwento sa amin si lola tungkol sa mga Arcanist pagkatapos ay biglang papasok ang pangyayari sa digmaan.
Mga taong gumagamit ng apoy.
Yelo.
Hypnotismo.
Telekinesis.
Hangin.
At marami pang kapangyarihan.
Ngunit may mga tao naman na gumagamit lamang ng canyon.
Baril.
Bomba
Pana.
At iba't-iba pang armas. Sa tuwing mapapanaginipan ko ang digmaan ng Arcanist at mga tao ay bigla na lamang akong matatakot at kakabahan. Pakiramdam ko, may mali. Parang may hindi magandang mangyayari. Minsan ko na rin naisip na hindi kaya totoo ang mga Arcanist? Pero sigurado akong kathang isip lamang ito
O baka pinaniniwala ko lang ang sarili ko na hindi sila totoo?
Sanggol pa lamang ako ng iniwan ako ng aking magulang sabi ni lola. Nasawi ang aking ama at ina sa isang sunog sa kanilang subdivison. Kaya naman si lola Tina na lamang ang nagiintindi sa akin. Hindi ko rin alam kung may mga kamag-anak pa ba kami o wala. Hindi naman kami mayaman at hindi rin naman kami mahirap. May kaya lang kumbaga.
Kanina pang mulat ang aking mga mata. Para akong timang na nakatitig lang sa puting kisame. Inaalala ko ang lahat ng nangyari bago ako mahimatay. Mula sa pagkakagising ko dahil sa aking panaginip hanggang sa maging kulay pula ang aking mga mata at hanggang sa mahimatay ako.
Wait--
Speaking of mata, dali dali agad akong bumangon atsaka humarap sa salamin.
"Pa-paanong?" Teka, paanong bumalik na sa normal na kulay ang aking mata? Kanina lamang ay kulay pu--
"Oh Sky! Gising ka na pala. Ipinaghanda kita ng paborito mong lugaw. Atsaka anong ginagawa mo diyan sa harap ng salamin?" Tanong sa akin ni lola na kapapasok lamang ng aking kwarto. Umupo siya sa silya na katabi ng aking desk. Bumalik na muli ako sa aking kama, umupo atsaka dali-daling humarap kay lola.
"Lola pakitingnan nga ng aking mata. Bumalik po ba ito sa normal niyang kulay? Hindi ba itim ang kulay nito?" Sunod-sunod kong tanong kay lola at inilapit ang aking mata sa kanya upang lubos niyang makita. Baka kasi may alam siya tungkol sa mga nagiiba-iba ang kulay ng mata.
"Hahaha patingin nga." Tiningnan naman ni lola ang aking mata. Atsaka ngumiti.
"Oo apo? Kulay itim naman ang mata mo.. Bakit apo, ano bang nangyari sa mata mo? Nag-iba... ba ang kulay nito?" makahulugang tanong ni lola sa akin matapos ipatong ang lugaw sa katabing lamesa. Paanong nalaman ni lola na nag-iba nga ang kulay ng aking mata?

BINABASA MO ANG
Arcanum Institute
FantasíaNang binuo ng Diyos ang mundo, pinunan niya ito ng mga hayop, halaman, puno, kapaligiran, liwanag at dilim, at ang isa sa kaniyang mga di malilimutang nilikha ay ang mga tao. Taong may kakayahan, at taong walang kakayahan. Meet Skyler Fortallejo. Th...