🏫 SVT University's Secret Files
1 hour agoSo-called friends
Just thinking. Tinuring nya ba talaga 'kong kaibigan? O ako lang ang nag-iisip nun pagsasamahan namin? Dahil ba.. sa social media lang lang kami nagkakilala? Kaya ganon nalang din kababaw yung treatment nya sakin? I know na kababawan 'tong confession na 'to. But this is a freedom wall right? Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob na matagal ko nang kinikimkim. Akala kasi nila puro saya lang ang alam ko. Buti nalang unknown ako dito. Don't get me wrong guys, hindi ako nagagalit sa mga taong 'to, pero hindi ko maiwasang magtampo kapag naaalala ko 'to. Hindi ako immature pero hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano.
Dati, lagi kaming magkausap. Nagkkwentuhan about sa nangyari sa maghapon namin. Nagrrant. Nasasabihan ko sya ng problema, nasasabihan nya 'ko ng problema. Yung alam mo na parehas kayong tumatawa habang nagttype ng reply kasi naffeel mo sya o masaya ang pinag-uusapan nyo. Nandun yung asaran, barahan, trashtalk'an.. pero basta masaya.
Pero ngayon, makikita mo nalang sa wall/notif/news feed mo na iba na yung kausap nya lagi. Na iba na yung binibigyan nya ng atensyon. Iba na yung katawanan nya. I don't know what to feel. At dahil sa mga pangyayaring yon, lalo akong nagddoubt sa sarili ko. Napapaisip ako kung masama ba 'kong tao, nakakasawa ba ugali ko, boring ba 'ko kausap, o kung may nagawa ba 'kong mali sakanya.. pero nag eend up lang lagi sa 'may nakilala na syang tao na mas better sayo' Ayoko sanang isipin yung ganon, kaso parang ayun na rin siguro yung dahilan.
Sinusubukan ko sya iapproach pero wala akong natatanggap na response everytime. Naghihintay ako at lagi kong vinivisit ang profile nya. Nasasaktan lang ako kasi nagagawa nyang magpost or magreply sa kung sino pero yung sakin, wala syang pakealam. Kaya titigil nalang rin ako, self respect kumbaga.
Yun lang. Masaquette kasi. Ilang beses na saking nangyari 'to. Pero hindi yun nagiging hadlang para hindi ako makipagcommunicate sa iba. Kaya kapag may nag-aapproach sakin, kinakausap ko talaga kahit hindi ako yung mismong pakay nila. Wala lang. Nature ko na siguro yon. At ayoko talagang mang-snob. Alam ko kasi yung feeling eh.
Hulaanmo
Music Club
20174k Likes | 869 Comments | 403 Shares
view more comments
Wonwoo Jeon
So-called? Yan yung treatment sakin ni crush. So-called ~ grr→Mingyu Kim
Uwi na! Magsama na tayo— este, kayo ni Jisoo hyung.Jisoo Hong
Kung ako sayo lalayuan ko sila. Hindi sila worth it ng time mo. Marami ka pa dyang makikilala :)→Jihoon Lee
Tapos sasaktan ka rin nila.Seungkwan Boo
Isipin mo lang lagi na kaibigan mo parin sya tutal sa isip mo lang rin mangyayari yan. Hays. SHOUTOUT SA MGA TROPA KO NAKUKUHA MUNA NG PAGKAIN BAGO MANGHINGI! TANGINA NYO!→Hansol Vernon Chwe
Kaya siguro sumasakit tyan namin. Labag pala sa loob mo :/Seungcheol Choi
Hwag mong hanapin yung mga taong hindi ka naman hinahanap sender. Kung pinili nilang mawala, well, hindi mo na kawalan yon. Atleast alam mo sa sarili mo na ginawa mo lang yung role mo bilang kaibigan. At may mga bagay kasi na kailangan hindi mo na dapat problemahin. For example, kagwapuhan ko. Wala ka naman nun, kaya wag mong problemahin okay?→Junhui Wen
Tangina mo hyung. Kala ko may masasabi kang matino sa kasaysayan ng Secret Files na 'to.Soonyoung Kwon
Sa totoo lang hindi mo na kailangang magpapansin sakanila eh, dahil kung gusto ka nilang kausap, hindi mo na kailangang hingiin ang atensyon at oras nila. At kung akala mo ay tinuring kang kaibigan ng mga yan.. may tama ka.Jihoon Lee
Eto pinakamatinong comment section na nabasa ko, so far. Except sa comment ni Wonwoo at Seungkwan, pati pala yung walang kwentang reply ni Mingyu at Hansol, at yung last sentence sa statement ni Seungcheol. Pero hays. Halos mamention ko na rin silang lahat.→Chan Lee
Antino ng reply mo hyung sa comment ni Jisoo hyung ah? :)Write a comment ..
YOU ARE READING
SECRET FILES √ seventeen
FanfictionFiction. One-shots. Random shits. No specific otp. *written in filipino *with epal commentors