Super power

798 50 191
                                    

🏫 SVT University' Seceret Files
1 day ago

Super power

"Admit it, at some point in your life you tested to see if you had super power"

lol. Naalala ko nung bata ako. Sinusubukan kong gawin yung telekinesis. Nagffocus ako sa isang bagay tapos pinapagalaw ko yun sa isip ko.

Nung nakarining ako dati ng news about sa batang nakakalikha ng apoy, kumuha ako ng papel tapos nagkulong ako sa kwarto ko. Kung ano anong magic words ang naimbento ko para lang umapoy yung papel. Tapos yung kamay ko nasa taas nung papel. Nakapikit pa yung mga mata ko nun at nakunot ang noo 😂

Sinubukan ko rin kung nakakalipad at nakakapagteleport ako. Umakyat ako sa rooftop namin, at dun ako tumalon. I mean, may upuan don tapos duon ako tumatalon kasi wala namang makakakita sakin. Tapos yung teleportation, sa gabi ko ginagawa yun. Iniisip ko yung lugar na gusto kong puntahan tapos magffocus ako. lol.

Pero okay naman na. Alam ko na kung ano yung powers ko, mas mabilis akong tumakbo kumpara sa ordinaryong tao. Haha. At least. Hahaha! Ikaw? Anong nasubukan mo?

Qtnahorsey
Music Club
2017

61k Likes | 1.2k Comments | 2k Likes

view more comments

Jihoon Lee
Iba talaga ang nagagawa ng damo.

Soonyoung Kwon
Aba bebe wag ka namang mean :<

Xyrelle Mapangahas Bente Singko
Kelan ko lang nadiscover ang super powers ko 😎 Thnks watty! Hihi ~ Kaya ko palang bigyan ng amnesia ang mga 'kaibigan' ko dito 😎 Kapag naging close na kami, bukas makalawa, hindi na ulit nila 'ko kilala 👍

Minghao Xu
Ako nga invisible sa mga mata nya eh. May super powers na rin ba 'ko?

Mingyu Kim
May powers rin ako 😎 Iba lagi ang napagbibintangan kapag umuutot ako hehehehe. Best feeling.

Junhui Wen
Nasubukan ko nang bilangin yung stars.

Soonyoung Kwon
Tapos nagmmake ng imahe sa mga ulap pag hapon 😂 "Tignan mo yun mukhang ano.." Hahaha.

Wonwoo Jeon
Nasubukan ko nang gumawa ng music video sa cr. Nag photoshoot na din ako habang nakabukas yung shower. Minsan naman nakaupo lang ako sa tiles, kunyari malungkot habang umuulan. lol.

Seungkwan Boo
Nasubukan ko nang sipsipin yung santan \(^O^)/ May katas kasi yon. -3-

Hansol Vernon Chwe
^ Patay gutom ka talaga. Pati ba naman bulaklak.

SECRET FILES √ seventeenWhere stories live. Discover now