🏫 SVT University' Secret Files
2 hours agoTrue Horror Story
MONDAY NA BUKAS. RAWR
*dundundunduuuunnnn*
*insert thunder sound effects*
Humanda na para sa speech mo sa introduce yourself. Kung bida-bida ka naman, tip ko lang, dagdagan mo ng account mo sa social media ang speech mo. "..follow nyo po 'ko sa twitter/ig/watty *insent username*" yan ganyan.
Hindi rin mawawala yung mga iba't ibang uri ng tao sa klasrum.
Scoups » Madalas eto yung officers or to be specific, yung president. Mababait sila mga bes, pero minsan strict. Sila kasi yung mayayari kapag may nangyaring kalokohan sa room. Yan yung mga kayang magpasunod ng mga estudyante. Mga magagaling mag-lead.
Seungcheol » Yung mga pa-girl na lalaki. Mga malalambot sila. Eto rin yung mga fanboy/fangirl sa room.
Seokmin » Yung mga joker sa room. Sila yung madalas na napapagalitan kasi lahat ginagawang biro, maski yung sagot sa recitation. Madalas nonsense sila. Pero kung wala 'tong mga 'to, boring ang klase.
Hoshi » Mga classmate mong bida-bida. Mga pa-star Madalas eto yung mga sipsip sa teacher. Kulang nalang tawagin bes si Ma'am.
Tenten » Yung mga mahilig magtanong ng oras. Mga atat umuwi. Sana nag home study ka nalang.
Soonyoung » Hindi rin mawawala ang mga classmate mong dancer. Sila rin madalas yung mga sexy at maappeal.
Junhui » Mga classmate mong laging updated sa mga scandal. Madalas sila rin yung nag-uumpisa ng kalibugan.
Seungkwan » Yung mga classmate mong palaging gutom. Gusto ata minu-minuto ang recess. Minsan nagdadala pa ng pagkain sa room tapos kakainin habang naglelesson.
The8 » Sila yung mga classmate mong napag-iiwanan na ng panahon. Sila yung mga jeje at gangster parin. Madalas nga siga 'tong mga to. Yung mga tipong laging nakatambay sa kanto.
Minghao » Mga cute mong classmates.
Jeonghan » Mga classmate mong puro paganda/papogi lang. Sila yung mga good-looking at mapoporma. Yung mga pumapasok lang para kay crush. Madalas nganga sila sa mga recitation.
Mingyu » Mga classmate mong ninja. Sila yung mga estudyanteng hindi basta-basta nahuhuli ng mga teacher. Magaling kasi silang magtago. Kunyari yung paglalabas sila ng room ng hindi nakikita or kung nagcecellphone ng patago.
Wonwoo » Sila yung mga classmate mong mahilig magbasa ng books. Madalas sila yung mga nerd, bookworm at geeks.
Woozi » Uri ng estudyante na parang nangangagat. Yung nahihiya or natatakot kang i-approach sila kasi baka bigla ka nalang hampasin ng gitara. Sila yung mga loner or laging mag-isa. Gusto nila ng katahimikan. Sila rin yung mga weird minsan.
Jihoon/Jihoon2.0 » Eto yung mga classmate mong tamad pero matalino. Sila madalas yung tinutukoy sa mga lingyang, "Sayang si ano no? Ano pa naman sya". Ang mga Jihoon2.0 naman ay yung mga classmate mong almost perfect. Matalino at talented pa. Magagaling sila sa lahat ng bagay at mga good-looking rin sila. Take note: ALMOST lang. Lahat may itinatago, sus. djk.
(abt sa tamad na jihoon, yung sa svt tv guys)
Jisoo » Yung mga classmate mong banal at ang alam lang atang kanta ay mga worship song. Hindi mo sila kayang asarin o laitin kasi nga banal sila. Babasahan ka nyan ng bible verse sige. Pero guys, sila yung mga may sense kausap.
Joshua » Mga classmate mong may deceiving look. Yung una, akala mo mabait pero hindi. Or akala mo masungit/mataray tapos friendly pala.
Chan » Yung mga classmate mong bunso o feeling bunso sa barkada. Mga pabebe at pa-cute. Sarap ipakain sa dinosaur.
Vernon » Mga classmate mong malalawak ang pag-iisip. Minsan out of this world na rin ang mga sinasabi dahil sa sobrang lawak ng nalalaman nila. Mga akala mo alam ang lahat lol
Seventeen » Mga classmate mong pogi pero bakla.
French fries » Minsan kamote, madalas patatas. Hindi mo 'to classmate. Ikaw 'to.
At marami pang iba..
Hindi rin mawawala ang mga common lines. Kagaya ng..
"Uy pakopya.."
"Guys pa-connect! / Pa-wifi! / Pa-bluetooth! / Pa-share-it! (yung sagot)"
"Uy penge 1/4"
"Kinakabahan ako (recitation)"
"Ma'am di pa kami tapos!"
"May extra ka pang ballpen?"
"Katamad magsulat!"
"Copy and answer?"
"Ano sagot mo sa number...?"
"Ano ba lesson natin kahapon?"
"Hala may assignment nga pala!"
"Nandyan na si Maam!(transform)"
"Kaantok.."
"Uy go out tayo"
"Ma'am masakit daw ulo ni.."
"Anong oras na?"
"May piso ka?"
"May pulbos ka?"
"Tignan mo nga kung maputi yung mukha ko" And many more..Tip ko lang guys sa mga High school students :) Enjoy'in nyo. Totoong ang HS life ang pinakamasaya. Pag SH or College kana, pramis, hindi na pwede yung mga ganyan. Kailangan mo na talagang magpuyat at mag-aral kung gusto mong matuto at pumasa. Hindi na rin kasing saya ng dati dahil strict na ang mga teachers at hindi kana pwedeng magpatakbo takbo sa mga corridors. Pero kung happy-go-lucky ka, goodluck. Maaaring makagraduate at pumasa ka pero wala ka namang natutunan. Iba parin kasi yung nakatapos ka ng may alam.
And sis/bro, wag na munang problemahin ang lovelife or mga idol nyo. HINDI yan inspirasyon, MADALAS toxic yan. Isipin nyo yung mga magulang nyo at yung goal nyo para MAS ganahan kayo sa pag-aaral.
Konting tip sa pagrereview: Kung magrereview ka man (sakin kasi hindi uso yun lol)
-Mainam kumain ng nuts/bubblegums (e.g ngumunguya ka ng judge habang nagrereview. Pagdating sa quiz/test nyo, ngumuya ka ulit ng same bubble gum dahil mas madali mong maaalala ang mga inaral mo)
-Kung inaantok kana, wag mo nang ituloy kasi walang papasok sa utak mo nyan
-Magreview ng madaling araw (5am) yan yung mga oras kung kelan mas active ang utak natin
-Tandaan lang lagi ang keyword at hindi ang buong definition ng word
-Kung masyado kang nadadalian sa math, it means mali ang ginagawa mo
( ͡° ͜ʖ ͡°)
Hehehehehe
20172.3k Likes | 729 Comments | 1k Shares
view more comments
Baekhyun
Tapos putangina nung mga kklase mong walang pakisama purkit may assignment sila. Sinabi nang wag ipapaalala kay Ma'am, sasabihin parin.Lay
Tapos pag-exam, mapapamura ka nalang eh. "Hala tangina napag-aralan ba natin 'to?"→Chanyeol
Math be like..
Lesson: 6+2×2
Assignment: 8×6+7-1
Test: 287×726/27-102+5(-52)→D.O
Tangina pahirap eh. Hindi naman yan magagamit sa personal na buhay 😒 "Ate pabili po ng 48×48-2303 kilo ng bigas.." Kagaguhan.Chen
Tapos yung mga teacher na plastic kapag nandyan yung principal 😂 Kala mo talaga nagtuturo ng maayos eh.Kai
"Babawi ako next grading!" lul. Mga sinungaling! 😂Xiumin
Para sa mga taong nagsasabi na hindi sukatan ang grades ng talino.. ang masasabi ko lang, utot nyo po. Dahil kung matalino ka, alam at ginagampanan mo kung ano ang obligasyon mo bilang estudyante.→Kris
Whatever. Studying is not my style.→Suga
SwaEg.
YOU ARE READING
SECRET FILES √ seventeen
FanfictionFiction. One-shots. Random shits. No specific otp. *written in filipino *with epal commentors