Loyal

718 42 116
                                    

🏫 SVT University Secret Files
2 days ago

Loyal

Hindi naman sa pagmamayabang pero kasi gwapo ako. Marami akong kilalang nagkakagusto sakin ng patago. Sinasabi kasi sakin ng mga kaibigan ko yun at halata naman talaga sakanila. Well, wala naman akong pake sakanila dahil may boyfriend ako. And aware sila na hindi nga ako straight. At siguro masasabi ng iba na hindi sya ganon ka-gwapo kumpara sakin. Pero para sakin totoo naman yun. Mas gwapo kasi talaga ako sakanya. Haha. Ganito kasi. Mukha lang talaga syang tahimik at mabait kapag tulala tapos yung gwapo part, okay lang naman. Haha! Pero gwapo talaga sya :) Pero mas gwapo ako kasi mukha talaga akong mabait :))

Si boyfriend ay sobrang ingay lalo kapag nasa harap ng mga kaibigan namin. Hindi nun alam itikom ang bibig nya. Haha. Kaya rin siguro medyo naging sociable ako ay dahil sakanya. Tahimik kasi talaga ako at konti lang mga kaibigan ko. Yep. We're completely opposite. Siya yung sobrang maingay at masayahin na tao eh. Magkahiwalay kami ng university ni bf pero same course. Medyo magkalayo rin kami ng bahay pero nagkikita naman kami.

Kaso eto nga yung nangyari. Naging sobrang busy na namin sa kanya-kanyang buhay namin. Maraming activities and something. May nakilala akong girl na classmate ko. Siguro kasi parehas kami ng mga kaibigan kaya ganon. Lagi ko syang kasamang maglunch at minsan pa nga, sa park kami kumakain. Sabi ng mga kaibigan ko, may gusto daw sakin yung babae.

May boyfriend na kasi ako kaya parang wala lang sakin yun. Gusto ko syang i-reject pero iniisip ko rin yung side nya. Isapa alam nya naman na may bf ako dahil nakkwento ko sakanya tueing magkausap kami. Basta. Lunch buddies lang talaga kami.

Then one time, bigla nalang syang yumakap sakin.

Siya: I like you.
Ako: *tahimik lang*
Siya: Let's date. Walang makakaalam. I promise.

Nag-hesitate ako dahil cheating yung gagawin ko, kaso tumango ako sakanya.

Kinabukasan lang niyaya nya na agad akong gumala. Nagtext ako sa bf ko na gagawa lang ng project pero ayun nga. Magddate kami nito ni girl. Tapos pagpunta namin don, kinakabahan talaga ako kasi naiisip ko yung boyfriend ko. Nakokonsensya ako.

Sobrang clingy nya. As in hndi sya bumitaw sa braso ko. Nanuod kami ng sine at kumain. Nung gabi na, pumunta kami sa sea side para magpahangin at manuod ng stars. Marami namang tao nun kaya okay lang.

S: Masaya ba?
A: Hmm?
S: Masaya ba 'kong kasama?
A: *hindi talaga ako nag-enjoy dahil nasaisip ko si bf eh* .. oo.

Bigla nya naman akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Nagulat talaga ako nun.

S: Hiwalayan mo na sya. Mas sasaya ka sakin. Kaya kong ibigay sayo ang lahat at hindi kita iiwan.

Napalunok ako at napatayo. Bumuntong hininga na muna ako at napatingin sa malayo. Ganitong-ganito ka-sweet yung mokong kong bf kapag nilalandi ako.

A: Tara na. Ihahatid na kita.
S: Sige! Wag mo na syang i-break.. but please.. let me prove myself to you.

Hindi na 'ko sumagot sakanya at nanahimik nalang. Habang naglalakad kami papuntang sakayan, paulit-ulit nyang sinasabi na wag daw akong mag-alala dahil walang makakaalam sa relasyon namin. WIlling daw sya sa ganong set-up. Hindi rin ako kumikibo. Umalis na rin sya nung makakita kami ng taxi.

Habang naglalakad ako pabalik, shet talaga! Naiyak ako bigla. Oo muntanga. Bigla akong umiyak. Guilt siguro. Nag-cheat ako. Nasa isip ko lang ay si Seok, bf ko.

Tinawagan ko sya agad tapos syempre medyo lumayo ako sa mga tao dun.

A: I'm sorry..
S: HELLO!!! PTANGNA!!?!? SINONG NAGPAIYAK SAYO?!

As usual, ganyan talaga sya.

A: May nagawa akong kasalanan sayo. I'm sorry.
S: HUH?! ANO NGA?! SINONG UMAWAY—
A: I cheated on you. I'm really sorry.
S: TAENA NAMAN! ALAM MONG HINDI AKO NAKAKAINTINDI NG ENGLISHY!! UMUWI KA NA NGA SA UNIT MO! KANINA PA KITA HINIHINTAY! MAY DALA AKONG FOODS!
A: You're not that dumb para hindi maintindihan yung sinabi ko Seok.
S: Okay fine. Basta.. umuwi ka nalang. Mag-usap tayo.

Kinabahan talaga ako kasi first time nya 'kong babaan ng tawag. Gusto nya kasing ako lagi yung nag-eend ng call.

At ayun nga. Nang makabalik ako sa unit ko, niyakap ko agad sya at umiyak ako. Wala 'kong ibang masabi kundi sorry. Sinabi ko sakanya lahat. Yung tungkol sa babae, kung paano kaming naging close, kung kelan namin napag-usapan, kung anong ginawa namin sa date namin, kung anong oras, at lahat pa ng napag-usapan namin nung girl. Wala akong maisip na dahilan para magsinungaling. Kung ano man yung cons., tatanggapin ko nalang.

Tahimik lang sya the whole time. Nakatingin lang sya sakin. Blangko yung ekspresyon nya. Hiyang-hiya talaga ako sakanya that time. Pero yung response nya sakin? Iba parin. Niyakap nya 'ko ng mahigpit at hinalikan pa sa noo.

S: Okay lang. Atleast nasabi mo lahat.

Nag-usap pa kami pero umuwi na rin agad sya. Hindi ko naman sya masisisi kung magtatampo sya dahil kasalanan ko naman. Naiyak talaga ako pag-uwi nya. Ang gago ko lang talaga.

After a days of three, ayun :)) Kinausap nya na ulit ako! Sweet na ulit sya sakin. Yung girl? Hindi ko na pinapansin. lol

Ang point ko lang, wag kayong papasok sa isang bagay na alam nyong makakasakit sa part ng kinakasama nyo. At maging honest palagi. Mas magiging komplikado ang mga bagay-bagay kapag nagsinungaling kayo.

Yung loyal? Ah wala. Yung iniinom yon. Yung orange. Bye.

Father
Music Club
2015

50k Likes | 2.3k Comments | 1.9k Shares

view more comments

Soonyoung Kwon
Anong special skill mo? 😂😂
Kaya ko pong pahintuin ang mundo kapag ngumingiti ako 😏

Seungkwan Boo
Kaya ko pong kumain kahit busog pa 'ko 🍔🍟🍕

Yoongi Min
Kaya ko pong matulog ulit paggising ko.

Jihoon Lee
Kaya ko pong mapagod ng walang ginagawa.

Hansol Vernon Chwe
Kaya ko pong dalhin ang Incheon kahit saan ko gusto ✈

Chan Lee
Kaya ko pong ngumiti kahit ang sakit-sakit na 😊

Xyrelle Mapangahas Bente Singko
Kaya ko pong magmahal ng taong di ako kilala 💔

Minghao Xu
Ang jejeje nyo 😒 XD

Hua Sak
Sus! Mga pakboy talaga kayo purkit mga pogi. Pwe!

Seungcheol Choi
Di naman lahat ng gwapong tulad 'ko, manloloko 😒

Jeonghan Yoon
^ Mga sinungaling lang.

Keen Anne Tot
Omg notice me po 😍😍

Hua Sak
Kyaaaahhhh 😱😱😱😘😘😘

Wonwoo Jeon
MGA PAKYU!!! MANLOLOKO TALAGA KAYO!!! MAY BOYFRIEND NA PALA, MAY IBA PA 😤😤😤 GIGIL MO 'KO!!!

Junhui Wen
Don't cuss 😇😇

Wonwoo Jeon
Pakyu 🌵

Junhui Wen
Pakyu too :* Emeged. We fucked each other 😍

SECRET FILES √ seventeenWhere stories live. Discover now