Chapter 5
Ais POV
Paguwi namin. Tinadtad agad ako ng magkapatid ng tanong. Buti nalang umuwi narin yung tatlo.
Kwinento ko ang lahat ng nangyari kahapon. Kung bakit di ako kasama ni Rafa pagbalik. Kung bakit iba na suot ko.
"E pano na yan?" Si Race.
"Anong paano na yan?" Tanong ko.
"Nakita ka na nila at hindi imposibleng maghagilap pa sila lalo nyan. Baka tawagan na nila kami ni Rafa."
Napaisip ako sa sinabi nya. At the same time nagtaka rin.
Nga naman... bakit hindi tinatawagan ni Art sila Race at Rafa.
Alam nila Art at Ace ay lumipat sila Race ng bahay pagkatapos kong umalis pero hindi kaya madali saking makapunta dito.
"Oo nga girl. Alam mo ba kinabahan ako nung sinabi mong nandyan yung tauhan ni Kuya Ace. Naku!" Si Rafa.
Napailing ako. Hindi pwede. Hindi pwedeng mahanap nila ako kaagad, masisira plano ko.
"Aisie, ano na? Naiilang akong tawagin kang Lauren." Si Race.
Napaangat ako ng tingin at saka ngumisi sa kanila.
"May naisip ako." Nakangising sabi ko.
"Omy gosh! Aisie ayoko ng mga ngisihan mong ganyan! I smell something!" Si Rafa.
"Hahaha!" Tawa muna ako. "Rafa may kakilala ka bang parlorista?!"
Nagataka yung dalawa. "Anong gagawin mo dun?" Takang tanong ni Race pero hindi ko pinansin.
"Oo naman girl. Tanda mo yung powerpuff gays?" Si Rafa. Kumunot noo ko.
"What the heck?! Powerpuff gays?"
"Oo sila Bubbles, Blossom at Buttercup."
Napatango ako ng maalala ko sila. "Ow sila okay tanda ko na. Papuntahin mo sila dito bukas with their kit."
"Anong gagawin mo?" Si Race for the second time. Tiningnan ko sya ng bored look.
"Obvious ba? I need makeover."
Napatango yung kambal.
"That's a good idea!" Sigaw ni Rafa. Si Race naman napangiti lang.
Bago ako umakyat ng hagdan hinarap ko uli sila.
"Tomorrow is the birth of Lauren Roselle." I said.
Napanganga sila sa sinabi ko at parang may biglang naalala.
My birthday...
Hindi ko na sila pinagsalita pa at umakyat na ako sa kwarto ko.
Naligo muna ako at nagsuot ng pajama na binili ko kanina lang. Inayos ko na rin ang nga damit ko sa closet.
Tinaktak ko pa ang bag ko kung may natira pa ba hanggang sa nahulog ang isang pamilyar na bracelet.
Silver bracelet iyon na may limang pendant. A cloud and a rainbow.
Alternate ang design niyon. Tatlong rainbow and dalawang cloud. Reminds me of someone.
Sinuot ko ang bracelet at inayos ng konti ang gamit ko and natulog na.
K I N A B U K A S A N . . .
"Where are they?!" Inip na tanong ko kay Race.
Nandito kami ngayon sa bahay at inaantay si Rafa. Susunduin nya kasi yung mga bakla na tinatawag nyang powerpuff gays.
YOU ARE READING
Not The Girl You Think.
Fiksi Remaja※※※※ "I like you, Ren." He said. "But I'm not the girl you think, Kyle." I finally said. ※※※※