First Happy 19th birthday to my Dahyun babeee. Whipppiieee.
'3
Jennie Pov
pagkagising ko ay alas otso na ng umaga at hindi ko alam kung may text ba si Lisa kasi ang sabi niya ay sasamahan niya ako ngayong araw. Nagpunta ako ng cr para mag hilamos at mag toothbrush at naligo na din ako
Kinuha ko yung cellphone ko na baka may text si Lisa at hindi nga ako nagkamali papunta na daw siya sa bahay namin at kailangan ko na mag asikaso ng mga papeles ko para sa pag aaply
Bumaba ako kasi narinig ko na may nag dodorbell sa baba kaya nagmadali akong buksan ito"Hiii!!" maligaya niyang bati
"Kumain ka na ba? Magluluto ako?"
"nahh, lika na ako manlilibre sayo doon tayo sa fave restaurant tara dali"
Hinila niya yung kamay ko hinila ko din yung bag ko na itim, im wearing a simple t shirt at ripped jeans na kulay black at nag flats lang ako para medyo pormal naman ako sa pag aaply ng work
Pagdating namin sa mall ay pumunta agad kami sa isang favorite kong restaurant simula ng dumating kami dito sa pilipinas ni mama ay dito agad kami kumain dahil meron ganito sa korea at yun ang hinanap ko agad, tuwing may sahod si papa ay kumakain kami dito.
"Jen, ililibre kita okay don't worry ano gusto mo?"
"glazed chicken hihihi alam mo naman na fave ko yun"
"okaaay saakin bimbimbowl"
Tumawa kaming dalawa at iniwan niya ako sa table namin kasi siya ang umorder ng kakainin namin, ginala ko ang paningin ko sa loob ng bonchon kasi parang medyo madaming tao dito, ganito din kasikat sa pinas ang Bonchon kahit na korean style ito.
Nadapo ng tingin ko sa grupo ng mga lalaki na nagtatawanan, i wish kaya ko din tumawa kagaya nila na walang problema, ang parents lang nila ang bahala sa lahat ng kailangan nila. All they do is gimik, inom, party. Napa hinga ako ng malalim at ng pagbaling ko ulit doon ay naka tingin na sila sa akin medyo na hiya ako kasi baka napansin nila yung pag titig ko sakanila omg
Buti nalang at dumating si Lisa para hindi ko na sila mabigyan ng atensyon, paglapag ni Lisa ng pagkain ay umupo na siya siguro Napansin niya siguro na medyo tulala ako kaya tinitigan niya ako
"are you okay?"
Tumango ako at nagsimula ng kumain lumingon ulit ako doon sa mga lalaki at fck nakatingin pa din yung iba sa akin at yung iba kay Lisa, shht! Mga lalaki nga naman tsssh!! Lumingin din si Lisa doon sa mga lalaki tapos nanlaki ang mga mata niya
"kilala mo sila Jen?"
"hindi bakit?"
"taga KPU yan mga yan!"
"bakit galit ka? Hahaha"
"wala!"
Umalis na kami ni Lisa sa restaurant at naghanap na kami ng mga hiring na trabaho kahit nga mag janitress ako dito sa mall na to ayos lang.
Sumakay na kami ng jeep ni Lisa at pumunta sa ibang mall na baka may hiring galing na kasi ako ditong mall na to kahapon kaya alam ko na walang hiring diyan, kaya dumayo pa kami sa ibang malls para maghanap ng hiring. Hindi naman malayo iyon kaya nakarating kami agad sa mall na yun hindi pa ako nadadalo dito binasa ko yung mall 'KSJ Mall' chineck ng guard ang bag namin at pumasok na kami sa loob.
"Jen, try natin sa mga sales lady baka pwede doon"
Unakyat kami sa taas kasi andun yung bilihan ng mga damit at andun yung conpany kaya doon kami pumunta, nagtanong kami sa mga sales lady doon.
"ah excuse me saan yung company ng mall?"
"doon po mam sa kaliwa tapos dere dretso na po kayo andun na yun"
"thankyou"
Pumunta kami sa sinabi ng babae kaya pag karating namin doon ay nabigo kami kasi mula doon hanggang dito sa labas ay ang haba ng pila ng mag aaply
Tinry padin namin ni Lisa mag antay kasi baka may pag asa halos ilang oras na kami dito kaya kami na ang next sobrang kinakabahan na ako at nag dadasal na ako na sana makapasok ako 'lord pls'
May lalaking lumabas doon at may sinabit sa pinto ng NO VACANT halos maguho ang mundo ko kanina pa kami andito tapos kung kelan ako na ang sunod wala ng bakante? Fck!
"Jen, anong oras tayo nag intay tapos eto lang makikita natin? Tarantado yang kumpanya na yan ah!!!"
"Lisa hayaan mo na tanghali na din oh gusto mo uwi na tayo?"
"Jen, isa pa lang tong na a-applyan mo susuko ka na?!"
"hindi,baka nagugutom ka uwi muna tayo"
"tara kain muna tayo"
"uwi tayo?"
"hindi, ililibre kita"
"Lisa!!"
Wala na akong nagawa kasi hinila niya na ako, kumain kami sa mcdo para mas mura ako nag suggest nito para di na siya gumastos ng malaki para lang sa pag sama niya saakin.
Dumating ang hapon wala kaming nagawa ngayong araw dahil lahat ng pupuntahan namin ay kung hindi not hiring ay no vacant, nawawalan na ako ng pagasa anong gagawin ko kay papa limang araw nalang. Kaya pa yan Jennie, wag ka mawalan ng pag asa makakahanp ka din ng trabaho tiwala lang.
Umuwi na kami ni Lisa sa bahay dahil baka hanapin na siya sa kanila at nakakahiya kay Tita kapag nalaman niya na ginastusan ako ni Lisa. Kaya umuwi kami ng maaga at may pasok pa siya bukas.
Pagkarating sa bahay ay medyo pagod pagod kaming parehas dahil para kaming gumala ng walang napala, umupo ako sa sofa pati si Lisa. Inilahad ko ang ulo ko sa ibabaw ng sofa.
"Jen? Gusto sana kitang ipasok sa kumpanya ng tito kaso ang hinahanap nila ay graduate eh"
"no Lisa ayos lang baka makahanap pa ako bukas wag ka mag alala hmm."
Tumayo ako para kumuha ng tubig sa aming dalawa at magluluto na lang din ako para mapakain ko si Lisa. Nagluto lang ako ng sardinas at nag fried rice natutunan ko to kay papa noon eh sobrang sarap nito nung una ayoko kasi medyo nandiri ako pero ng nakasanayan na ay sobrang sarap pala.
"Wowww, ang bango naman niyan "
"lika na kain ka muna bago ka umuwi"
Kumain kami ni Lisa wala kaming masyadong pinagusapan kasi medyo pagod at gutom kami minsan nag aasaran minsan tawanan kaya medyo natagalan kami sa pagkain, ng natapos na ay sakang alis ni Lisa dahil tumawag na daw ang mommy niya, hinatid ko siya sa labas
"Bye Jen, ingat ka diyan ah byee"
"mm, ingat ka din pauwi byebye"
Pag alis ni Lisa ay naghugas lang ako ng pinggan at maglilinis ng katawan at matutulog na ako kailangan ko ng makahanap ng trabaho bukas na bukas din dahil para makasahod agad ako at maibigay sa ospital.
Naglinis lang ako ng katawan at matutulog na para maaga ako bukas magising, nagdasal lang ako at natulog na 'lord salamat po sa ngayong araw sana po ay makahanap na ako ng trabaho bukas amen'
~To be Continued…
^kimvyanajin^
YOU ARE READING
My Secret Boyfriend [ON-GOING]
Fanfic- who's she Taehyung? answer me! - she's my secret girlfriend.. - how dare you!!! - im sorry okay please i don't love her. ^kimvyanajin^