OSB Entry #3

28 1 0
                                    

Title: I'm so Obsessed

 UN: Mr_Bimow  

Genre: Teen Fiction

~~~~~~~

'Yung inspirado kang gumawa dahil nandiyan lang siya sa paligid at nararamdaman mo ang presensya niya sa bawat sulok ng klase . Lalo na kapag katabi mo siya. Tapos kapag maguusap kayo, akala mo nakahiga ka na sa langit. Tapos umaasa ka na magiging kayo. Sana.

Exam namin ngayon for the third grading period. Umaasa na naman ako sa stock knowledge ko (stock lang walang knowledge). Ganyan tayo e. Lalo na kapag hindi ka nakapag-review.

Habang ang iba sa 'min ay nagdadaldalan, naghaharutan at nagsisigawan, Biglang pumasok ang aming guro at bigla silang nag-transform. Nasa unahan ako kaya kailangan kong magpakita ng kagandahang loob. "Good morning class."

Binati rin namin siya ng isang magandang umaga.

"Class, you have 1 hour to take each of the test. Maliwanag ba?" Sumang ayon kami sa kaniyang sinabi. "And take your time. Huwag niyong madaliin ang mga sarili niyo."

Pagkatapos niyang magsalita ay binigay niya na sa 'min ang mga sasagutang papel. Sinimulan ko na ang pagsasagot.

May mga numbers akong nilagpasan dahil hindi ko pa alam ang sagot. Sumulyap ako sa aking katabi, buti na lang nakita niya ako. Alam niya na kung bakit ako tumingin sa kaniya.

Siya nga pala ang aking close friend (a.k.a. crush). Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaniya dahil napaka-super awkard. Sa kaniya pa.

30 minutes later...

Patapos na ako sa exam pero may mga hindi pa ako nasasagutan. Tumingin ako kay James para makahingi ng sagot. Sumenyas ako ng mga numbers. Habang sumisenyas ako ng mga numbers gamit ang aking mga kamay ay hindi na siya lumilingon.

Bumulong ako sa kaniya. "Huy James, anong sagot sa numb--"

Senyas ako ng senyas sa kaniya ng may biglang kumalabit sa likod ko. Pagkalingon ko sa aking likuran ay nakita ko ang aking guro. Mukhang hindi na naman maganda timpla nito sa akin.

"Saan mo gustong mapunta? sa Guidance o sa Principal's Office?"

"None of the above po." Magalang kong sagot sa kaniya. Medyo natawa 'yung iba kong mga kaklase kahit napaka-corny ko.

"Isa pa at makita pa kitang ganyan, pupunitin ko ang papel mo at papatawagin ko ang mga magulang mo. Tandaan mo. Ulitin mo pa."

Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa akin at lumayo na sa kinauupuan ko. Palagi na lang mainit ang ulo ng aking adviser sa akin. Hanggang sa nanahimik uli ang aming klase na parang walang nangyari.

---

Breaktime na ngayon. Nagsimula ng kumain at pumunta sa canteen ang mga kaklase ko.

Ako? nakaupo lang. Pinagmamasdan ko silang kumain sa canteen. Habang nag-iisa ako dito na walang kausap.

Habang nagre-relax na ako, biglang bumungad sa aking harapan ang aking guro.

"Kapag ginawa mo uli 'yon mamaya o sa mga susunod pang mga test, dadalhin na kita sa Principal's office at ipapa-drop pa kita."

Tinalikuran niya na ako at pumunta palabas ng canteen. Ang init talaga ng ulo no'n sa akin. Kahit minsan man lang hindi niya nagawang ngumiti sa akin.

Mga ilang segundo ang nakalipas, bumalik na ako sa room. Sawa na ako sa panonood sa mga estudyanteng kumakain sa canteen. Nagugutom rin ako kapag nakikita ko silang kumakain. Kaya bumalik na ako.

Writing Contest Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon