OSB Entry #1

66 2 0
                                    


One-Shot Battle Entry #1


STAR'S OF MY LIFE

Lahat tayo may kanya kanyang pangarap. Hindi man natin makamit ngayon,umaasa pa din tayong mararating natin ito balang araw.

But I guess kahit ilang beses kang mangarap. May mga tao talagang tututol sayo kahit na wala kang ginagawang masama.

"Krishel ilang beses ko bang dapat sabihin sayo?! Being a writer is not a proffesion! hobby lang yan! " sigaw sa akin ni Daddy

Napayuko na lamang ako sa sinabi niya. Yes, ayaw akong suportahan ni Daddy sa pagiging writer ko. He always think na walang kwenta ang pangarap ko, but not for me.

I mean writing is indeed a hobby. Yes, its partly true but for me writing is a form of art. Sa pagsusulat ko lamang nailalagay ang mga emotions ko.Sa pagsusulat lamang ako nakakaramdam nang saya. Yung tunay na saya.

Dear Diary,

Whats wrong about writing? I mean hindi naman nakakamatay hindi ba? Pero bakit hanggang ngayon hindi pa din matanggap ni Daddy ang pangarap ko? I just wish na sana suportahan niya ako.

Love,

Krishel

"Dad! You can't to this to me! " sigaw ko

Ngunit hindi ako pinakinggan ni Daddy ni man lang isang lingon ay hindi niya binigay.

Napabuntong hininga na lamang ako habang naglalakad ng dahan dahan. I never meant na suwayin si Daddy pero ano ang magagawa ko? Writing is my passion at hinding hindi ko magagawang talikuran ito.

Pero hindi ko naman akalain na dahil sa pagsusulat papalayasin ako ni Daddy. Ano ba kaseng mali sa ginagawa ko?!

"Hello Trish magkita tayo sa Cafè please."

"Ayy what's wrong Krishel? Nag away na naman ba kayo ng Daddy mo?" tanong ni Trish

"I'll explain to you later" sabi ko na lamang at binaba na ang tawag

Kasalukuyan akong nandito sa paborito naming Coffee Shop ni Trish. Ilang oras na akong nandito ngunit mukhang nakalimutan ng bruha ang usapan namin.

Akmang tatawagan ko na siya ng mapatigil ako sa lalaking naka mask na nasa harapan ko.

"Paupo ako ahh. Wala na kaseng upuan" sabi nito at nginitian ako

Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Inilabas ko na lang ang laptop ko habang inaantay si Trish. Patuloy lang ako sa pagtipa sa aking keyboard ng napansin kong pasulyap sulyap sa akin ang lalaking naka mask.

"Writer ka? " tipid niyang tanong

Medyo nagulat ako sa sinabi niya at hindi na lamang siya pinansin.

"Ahh sorry Miss may salamin kase sa likod mo kaya kanina ko pa nakikita yang sinusulat mo." sabi niya sa akin at humigop sa kanyang kape

Lumapit naman ito sa akin at umupo sa aking tabi.

"Hmm medyo ok naman ang writing skills mo. Nakulangan lang sa punctuation pero ok naman" sabi nito habang sinusuri ang sinusulat ko

Napataas na lamang ang kilay ko sa sinabi niya. Walang taong perpekto no!

"What do you even know about writing?" masungit na tanong ko sa kanya

Tinawanan niya na lamang ako at bahagyang ibinaba yung mask niya.

Writing Contest Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon