OSB Entry #4

51 1 0
                                    

Title: Skeletons in their closet 

UN: MerrygilRomaraog   

I'm Melpomene Torres. The only daughter of Alec and Rhea Torres. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila Mama sa kin, never silang nagkulang. I even thought that my family is perfect, but no, I was slapped, hard, by the reality that no one is perfect, that we are all flawed. That one fateful night, I saw something that shook my world and made me think twice if my family really is the family that I knew.

----x

Pula.

Wala akong ibang nakikita kundi kulay pula.

Nagkalat sa buong kwarto ang mga katawan ng mga taong hindi ko kakilala.

Pinilit ang aking sarili na hwag ng tingnan pa ang mga bangkay na nagkalat sa sahig.

Ang dating kulay puting kwarto ay naging kulay pula sa dami ng dugo na nagtilamsikan sa bawat sulok ng kwartong to.

Nakakakilabot. Nakakapanlumo. Nakakapandiri.

Sinong walang puso ang gumawa ng mga ito? Bakit? Anong dahilan? Anong nangyari?

Naputol ang mga tanong na unti unting nabubuo sa utak ko nang may biglang humawak sa paa ko. Otomatikong napatili ako dahil sa gulat at sa takot. Nagdadalawang isip man ay pinilit kong isantabi ang takot at tiningnan kung kanino nanggaling ang kamay na humawak sa aking paa. Labis akong nanlumo nang makitang ito ay nagmula sa isang batang sa tantya ko ay nasa labing isang taong gulang. Bakas ang takot at panghihina sa kanyang mga mata, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano umagos ang dugo mula sa wakwak na tyan nya. Palaisipan pa rin kung paano nya nakayanang gumapang patungo sa akin at mahawakan ako. Gayong sa itsura ng lagay nya at sa dami ng dugo na nawala sa katawan nya ay dapat kanina pa sya nalagutan ng hininga.

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Mag-ingat ka sa mga-"

Hindi na nya nagawa pang kumpletuhin ang kanyang pahayag nang dahil sa isang taong biglang sumaksak sa kanya mula sa likod. Dinig na dinig ko ang pagkabali ng kanyang buto sa likod, ni hindi ko alam kung buto nga lang ba sa likod ang natamaan ng pagsaksak nya sapagkat baon na baon ito sa katawan ng munting bata. Kasabay ng pagtanggal nya ng kanyang tabak ay ang pagsirit lalo ng maraming dugo, may ilan pang tumilamsik na dugo papunta sa direksyon ko.

Nanlalaking matang tinignan ko ang nanaksak sa kanya at takot ang unang rumehistro sa mukha ko nang isang taong may maskara ang aking makita. Sa likod nito ay isang pang tao ang nakasuot ng kaparehong maskara. Buong mukha nito ang natatakpan at tanging ang mata lamang nito ang nakikita. The smile that the bloody mask has was enough to make fear crawl up to my skin.

I don't know what has gotten into me or where does this courage came from but I managed to look at them straight in the eyes. Sa kabila ng pagkakatakip ng maskara sa kanilang mukha ay napansin kong nakangiti sila sa likod ng kanilang maskara. Kitang kita ko ang kislap sa mga mata nila na tila nasisiyahan sa naging reaksyon ko sa nasaksihang krimen sa aking harapan mismo.

Takbo!

Sigaw sa akin ng utak ko pero hindi magawang sundin ng katawan ko kahit anong gawin ko. The effort was freaking futile.

Nanginginig ang mga tuhod ko.

Nanlalabo ang mga mata ko dahil na rin sa mga luha na tuloy tuloy na pumapatak dahil sa takot na baka ako na ang isunod ng kung sino mang mga ponsyo pilatong ito.

Habang papalapit sila ng papalapit ay palakas ng palakas at pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Napapikit na lamang ako kasabay ng nakabibinging tili nang itaas ng isa sa kanila ang kanyang tabak na syang ginamit din para tapusin ang buhay ng batang kinausap ako kanina. Naiimagine ko na kung paano nya iunday sa iba't ibang parte ng aking katawan ang mahaba at puno ng dugo nyang tabak.

Writing Contest Book ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon