12.2- WHERE TO GO?

18 9 0
                                    

JOHNHENDRIX's POV

nagiiyakan kami sa loob ng science lab , dahil wala na ang kaibigan naming si jamie, masayahing babae si jamie at napakabait kaya hindi namin maiisip na mamatay sya ng ganito....lumabas ako ng sci lab at nakita ko si johaira na nakaupo sa upuan umiiyak sya pero nagulat ako dahil wala na ang dugo sa uniform nya nagtaka ako kung papaano? at kung bakit, bakit nawala ang dugo sa uniform nya ehhh kung kanina lang ay duguan ito....

"J-Johaira? ok ka lang ba?" pagtatanong ko halata sa aking boses ang pangamba...

"O-okay lang ako wag mo akong alalahanin!" bigla siyang tumayo at bumulong saakin! "ingat ka! baka ikaw na ang susunod!"

nagimbal ang puso ko sa sinabi nya , nangatog ang tuhod ko at ako'y nanghina...sa isip isip ko sya ba ang killer??? ehhh papaano mangyayari yun lagi namin syang kasabay at hindi nya magagawang pumatay....

nagulat ako dahil lumabas ng sci-lab sila Cristopher, tumakbo sya papalapit saakin at sinapak ako! inawat naman sya kaagad ni  Celdrick pero nagpupumilit sya! pilit nya akong sinasapak pero di nya magawa dahil pinipigilan rin sya ni Johaira at Jeckoy!....

"hayop ka!!! mamatay tao ka! ikaw ang pumatay kay Jamie!!!"

nagulat ako sa sinabi ni Cristopher nanlaki ang aking mga mata, naghalo sa aking emosyon ang galit at takot , nangigigil ako!!! hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi nya!!! bakit ako papatay ng tao? lagi ko silang kasama kaya napakaimposible nun...

lumapit saakin si leah at sinampal ako! naluha ako sa ginawa nya!

"bakit mo pinatay si Jamie??? ganyan ka na ba kasama Hendrix??? ano bang mali ang ginawa nya sayo!"

Inawat siya ni Johaira at inilayo si Leah saakin!!! inirapan ako ni Rexell....

"tama na yan wala na tayong magagawa pa!!!! patay na si Jamie!"

tinignan muli ako ni Johaira at ngumiti! hindi basta ngiti! kundi ngiting demonyo!!!


>>>>>>>>>>>>>>(JOHAIRA's POV)<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

*BOOGSH*

"waahhhhh!!!" may narinig akong putok ng baril na ikinagasing ko...nagulat ako dahil nasa basement na ako ng school sa building 4 ,napakadilim dito!!! wala akong makita,ang nagbibigay lang ng liwanag ay ang ilaw galing sa torch na nasa dulo pa!, pakiramdam ko may nagmamasid saakin sa gawing iyon! isang lalaki....

*FLASHBACK*

"TSK. BIDA BIDA KASI EHHH!!! ayan tuloy, maaga kang mamatay!" tugon ng isang babae na nasa kanan ko nakatingin sya saakin pero nakatakip ang bunganga nya kaya hindi ko sya mamukaan!

"ano ng gagawin natin dito ms-...."

*bigla akong nahimatay*

*END OF FLASHBACK*

na kidnapped ako ng killer!!! kailangan kong makatakas dito!!! kailangan kong makatakas dito!!! pilit kong tinatanggal ang taling nakabalot sa katawan ko, pero hindi ko magawa ....

inilibot ko ang aking mata sa basement ngunit ang nakikita ko lang dito ay ang pintura at kutsilyo!!! tama kutsilyo!!! kung makukuha ko ang kutsilyong iyon pwede kong tanggalin ang tali ko!!!

dahan dahan kong iniuusog ang upuan ko papunta sa mga kutsilyo ,

"teka! anong ginagawa mo dyan ha!?" tanong saakin ng lalaki sa kalayuan!

"w-wala ! wala akong ginagawa!!!"

"hahaha*tawang demonyo* sinong inuuto mo?, kukunin mo ang mga kutsilyo??"

"h-hindi!"

BIGLA NYA AKONG SINAMPAL SA MUKA! nanghina ang katawan ko sa ginawa nya! na kadahilanan muli para ikahimatay ko!

SILENT DEATH : BOOK #1 #WATTYs2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon