FAREWELL

9 0 1
                                    

26-FAREWELL

JASMINE's POV


nakakarinig kami ng footsteps ni christine sa di naman gaano kalayuan saamin, alam kong pati sya ay kinakabahan... dahil di namin alam kung kaklase ba namin yun o ang mga killers, wala kaming idea as in... nahagip ng mga mata ko ang mga anino na galing sa west wing nitong building... dalawang tao panigurado ko iyon!!!


"Nakikita mo ba yun jasmine?" nangangatog na ang tuhod ni christine, nararamdaman ko iyon... di ko napansin naluha na rin pala ako... pero bakit naman, di ako makagalaw!

"pakiramdam ko, ito na ang huling araw ko, oras ko?" tumingin si christine saakin at sinabi ang mga katagang iyon, I dont know why pero mas napahagulgol ako sa mga sinabi nya, ansakit sa puso... ansakit sa damdamin

"wag mong sabihin yan tine!... hindi mo pa oras hindi mo hawak ang buhay mo, ok?, ok?"

"pero, it's the time, di ko man hawak ang buhay ko, hawak ko naman ang kapalaran ko, kaya kung mamatay ako ngayon, tumakbo ka ha! at sabihin mo kay kinton na mahal na mahal ko siya ok?" mas lalong bumagsak ang luha sa aking mga mata, ansakit marinig ansakit sa puso

" No! tine... makakalabas tayo sa impyernong ito, ikaw , ako ... tayo makakalabas tayo" binulong ko sakanya, alam kong nagtatapang tapangan nalang ako, pero alam ko sa sarili kong di na rin kami makakalabas ng buhay, nanginginig na ang buong katawan ko pero syempre hindi ko ipapakita kay tine ...

papalapit na ng papalapit ang footsteps na naririnig namin ni christine, pero ano pa bang magagawa namin kundi ang magtago at lumaban... Kung oras ko na , oras ko na... we should accept the fact before it slaps you,

"Jasmine!? Christine!? Where are you? i can smell you from here"

"oh my god!" bulong ni Christine sabay takip sa bunganga nya... f*dge this is it, mamatay na talaga kami... no ! kailangan namin makauwi ng buhay ! ako ang breadwinner sa family ko... saan sila kukuha ng pangkain kung wala na ako

naririnig namin ang gasgas sa bawat pader ng isang malaking itak, napakasakit sa tenga ng tunog nun! sobra, pakiramdam ko magdurugo ang aking tenga

"TAMA NA!!! BAKIT BA KAYO PUMAPATAY!!!??" di ko napansin si Christine na nakatayo na pala sya at nakasigaw, tinignan nya ako sa mata at sinasabi nyang tumakas na ako...

"no!" bulong ko, sinigurado kong hindi maririning ng killer ang boses ko

"oops! tip toe! huli ka Christine!!! oh nasaan si Jasmine? ang pagkakaalam ko dalawa kayong mawawala ngayon *evil laugh*" tumaas ang buhok ko sa buong katawan, kakaiba ang tawa nun! nakakapanindig balahibo


"wala na sya tumakas na!" sagot ni Christine, nawawarak ang puso ko ni hindi ko alam kung ano ang aking gagawin... "tumakbo ka na please!" wala na rin akong ibang nagawa kundi tumakbo

tinignan ko sila sa kalayuan at nakita ko kung paano sinabunutan ng killer si Christine habang nakatingin siya saakin, nanginginig ang buo kong katawan, nanghihina... nakita kong ngumiti si Christine saakin, at sinabi ang mga katagang " I love you bes "

-----------------

BYE CHRISTINE!

SILENT DEATH : BOOK #1 #WATTYs2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon