21-NO ESCAPE

10 5 0
                                    

LEAH's POV

nung pagkakita ko palang kay Jamie niyakap ko na agad sya ng mahigpit, akala ko talaga patay na sya... pero hindi! buhay na buhay sya!!! laking pasasalamat ko nalang sa diyos at nakita na namin sya...

"n-namiss kita Jamie!!! k-kala ko patay ka na *hagulgol*"

"hindi ako namatay.... si jesa yun, sya yung nasa sci-lab!!! nakita ko kung paano sya pahirapan at patayin ng killer!!! napaka brutal, demonyo sya!!!" panginginig nyang pagsasalita... nangigigil sya... halata sa muka nya... namumula na sya sa sobrang galit na napalitan nalang ng luha,lungkot sa kanayng mga mata!

"w-wag ka ng umiyak! nandito na kami!!!" hinimas ko ang likod nya para sya ay tumahan sa kanyang pag iyak, tumigil rin naman sya, pero humagulgol muli...

"nakita ko lahat lahat ng nangyari kay jesa! di ko man lang sya natulungan! kinakain na ako ngayon ng kunsensya ko!!! sana buhay nalang sya! at ako nalang ang namatay.... sana, pero hanngang sana nalang*hagulgol*" naiyak ako sa mga sinabi nya! hindi nya ba nakikita na nandito lang ako para sakanya!!??... nilapitan kami nila Celdrick at pinatahan na rin nila si Jamie.

pero paano siya nakaligtas... buti naman at nakaligtas siya... dahil kung hindi hindi ko mapapatawad ang aking sarili!, baka mawalan muli ako ng isa pang kaibigan!, isa pang malapit saakin... kung nandito pa sana si mommy... hindi sana ako magkakaganito! ehh di sana hindi ako cold, at masaya pa rin ako hanggang ngayon... namimiss ko na ang mommy ko... mommy kong nagluwal saakin, nag alaga, at nagmahal... pero wala na ehh... dahil lang sa isang sakit lahat ng masasayang alala ay nabura, wala na ang pinakamamahal kong tao sa mundo

*FLASHBACK*

kakauwi ko palang galing school , and guess what it's my 16th birthday... and i didnt expect too much... kasi may sakit si mommy, and i dont think na kaya nyang maghanda pa , hindi na kaya ng katawan nya... yaya nalang namin at drivers ang nanduduon...

pumasok na ako sa bahay namin pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko si mommy, nasa wheel chair nya at may hawak na banner, may mga nakahandang pagkain din sa mesa, pero nagtaka ako dahil sabado ngayon.... at wala ang mga katulong namin sa bahay! naluha ako kay mommy, kinaya nya ito para saakin...

"happy birthday anak! happy 16th birthday! mahal na mahal ka ng mommy mo! tatandaan mo ahh! kahit wala na si mommy... lagi pa rin akong nasa paligid mo, nagbabantay sayo... mahal na mahal kita nak!..."

"m-mommy wag ka namang mag salita ng ganyan... ikaw nalang ang meron ako! hindi ko kaya kapag nawala ka!!! hindi ko makakaya!, please wag kang magsalita ng ganyan! kayanin natin mommy, kayanin mo po..."

"nak, pasensya na ha! pero di ko na talaga kaya... hindi ko na rin itutuloy ang pagpapagamot sa akin, sayang naman ang pera anak alam rin naman nating dalawa na mamatay rin ako... gamitin mo nalang ang pera para sa future mo nak... mahal na mahal kita my princess i love you!"

"m-mommy naman ehhh!!!*hagulgol*" niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit hanggang sa makaya ko... alam kong hindi ko na ito muling magagawa!, dahil mamaya o bukas wala na sya, wala na ang nanay ko...

"I LOVE YOU NAK!" ang huling salitang narinig ko mula sakanya... bago sya mawala sa mundong ito, bago mawala ang mommy ko...

*END OF FLASHBACK!*

m-mommy, namimiss na kita... kung nasaan ka man ngayon, sana po masaya ka na... di po kita makakalimutan, lagi ka pong nasa puso ko, mahal na mahal kita mommy,*hagulgol*....

"L-Leah??? ok ka lang ba....b-bakit ka umiiyak?" tanong saakin ni Alyssa , kanina pa pala tumutulo ang aking mga luha....pinagtinginan rin ako nila Celdrick

"A-ahhh w-wala, k-kasi naalala ko lang si mommy" pagkataranta kong sagot, pinunasan ko na ang aking mga luha at tumayo

"Tara na? hanapin na natin yung iba pa nating kaklase.... baka nasa paligid lang yan!" nagaya akong isama sila , um-oo naman sila kaya naglakad na kami sa 4-a wing building... sa bagong building nitong school

nalibot na namin ang building pero wala kaming nakita, dahil salamin lang ang walls dito ... kitang kita namin ang baba ng school, nakikita namin ang gate... m-may , may babae!!! kailangan naming kumaway para makita kami!

"may babae sa baba! nakikita nyo ba!" napatingin rin sila sa baba, nagulat rin sila sa nakita nila, sabay sabay kaming kumaway para makita kami... kahit hindi kami marining basta kaway lang kami ng kaway!

tumingin saamin ang babaeng nasa baba, kumaway rin siya... ibig sabihin ay hi!... hindi nya kami maintindihan, papasok rin siya ng school! same school uniform ng STAR SECTION b-bagong estudyante, transferee....

"PATAY! NAKAPASOK NA SIYA!" pagkakasabi ni Hendrix , bigla siyang napaluhod sa sahig sa sobrang pagkadismaya nya!...

"tara! salubungin natin siya sa baba!" Pagkakasabi ni Rexell, sumangayon nalang kami dahil baka magpakademonyita nanaman siya!

tumakbo kami ng mabilis hanggat makakaya namin, nandito na kami ngayon sa ground habang siya nakaupo pa rin sa bench sa gilid ng puno... wala talaga siyang alam, kailangan nanamin sabihin sakanya...

napatingin siya saamin at the same time nagulat, dahil puro dugo na ang uniform namin , maliban kay Johaira... ewan ko kung bakit biglang luminis ang kaniyang uniform?... pero ang pagkakaalam ko, sakanya ang pinakamadugo... kasi napahiga siya sa dugo ni Jester

"B-bakit!, bakit puro dugo ang uniform niyo?" natataranta siya, nanginginig ang mga kamay niya...

"dapat hindi ka na pumasok... kaya kami kumakaway dahil nanghihingi kami ng tulong sayo!... pero hindi mo kami maintindihan... ngayong nandito ka na sa loob, hindi ka na makakalabas ng buhay! dahil may killer dito, at ang pinupuntirya lang nya ay ang STAR SECTION, section namin at ang magiging section mo!" pagkakasabi ni Alyssa sakanya napakahinhin nya talagang magsalita

"P-paano na? mamatay nalang tayo ng ganun ganun na lang*hagulgol*" pagtatanong saamin ng babaeng transferee...

"matutulungan mo kami! dahil wala ka sa RANKS pwede kang mabuhay!" pagkakasabi ko, napatingin sila saakin... alam kong pare parehas kami ng iniisip...

"meron pang paraan!" sigaw ng isang lalaking nasa gate, kaklase namin... si dave... si dave ang rank 24! siya na ang susunod...

"alam ko naman ring mamatay na ako ehh!!! kaya gagawin ko na ito, susubukan kong lumabas! pero pag namatay ako, ok lang... atleast may ginawa ako bago ako mamatay*naluha siya*" lahat ng sinabi niya magdamag lang siyang nakatingin saakin, kumbaga parang lahat ng sinabi niya ay para saakin...

"Leah! ngayong mamatay na ako, gusto ko lang magtapat sayo! na matagal na kitang mahal! ako yung kababata mo dati, si Dave the beast, at ikaw si princess Leah.... mahal na mahal kita Leah, pero i think this is goodbye" tumalikod na siya at pupunta na siya sa gate , aakyatin nya ito para makalabas, at manghihingi siya ng tulong... ng hindi na namin siya makita, paningin namin nagtagumpay siya... wala kaming narinig na ingay galing sakanya...

after 5 minutes bumukas ang pinto ng gate, nakita namin siyang.....warak ang ulo habang naglalakad papunta saamin.... w-warak ang ulo niya!... may sulat rin siya sa dibdib! at ang nakalagay duon ay NO ESCAPE!...

"H-HINDIIIIIIIII!!!!!" pagkakasigaw ko! napahagulgol ako.... ansakit sakit.... wala na ang kaibigan ko, hindi ko man siya nakilala, atleast nakasama ko siya ng matagal... salamat Dave, ibinuwis mo ang buhay mo para saamin... kahit hindi ka nagtagumpay, atleast tinry mo... lagi kang nasa puso ko! Dave the beast, pero ngayon prince ka na ...

PAALAM!

_____________________________

kaiyak😢
COMMENT NAMAN PO KAYO😭😭😭
and vote na rin kung nagustuhan niyo po💕

-CREEPYLITTLEMISTER 🔥

SILENT DEATH : BOOK #1 #WATTYs2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon