16-MUSEUM OF DEAD

26 7 0
                                    




JAREE's POV

Nakatunganga pa rin ako sa painting, nakita ko rin ang mga bloodstains sa gilid nito!
naisip ko na isa lang naman ang magaling magdrawing/painting saaming magkakaklase , sya lang din ang may handwriting na ganto! di kaya si Celdrick ang killer??? pero hindi nya magagawa yun dahil mabait sya at higit sa lahat takot sya sa dugo kaya napaka imposible nun!

"ano yan?" tanong saakin ni Celdrick na ikinagimbal ng aking puso, nagulat talaga ako dahil bigla syang sumulpot sa likod ko

"a-ahhh!!! t-tignan mo yung painting!" tumingin naman agad sya, nakita ko sa ekspresyon ng muka nya ang pagkataka... ewan ko kung bakit

"b-bakit sila nakabigti??? at sa museum ito ahhh!!! hindi kaya-"

"yun rin ang naisip ko!!!"pinutol ko ang sasabihin nya kaya napatakbo sya papunta ng museum....

hinabol namin sya pero ang bilis nya, kaya sinundan nalang namin sya papuntang museum, pagod na pagod na kami kakatakbo pero sya takbo pa rin ng takbo,


"ANO BA CELDRICK!!! ANG HAGGARD NA NG MUKA KO OH!!!" sigaw ni Rexell!!! napaka arte talaga nyang babaeng yan!!! tsk. sana sya ang mamatay ehh!

"ANG ARTE MO EDI MAG PAIWAN KA!!!" sinigawan ko sya, hindi ko yun sadya nadala lang sa init ng ulo!

tumakbo pa rin naman sya pero nakasimangot sya!!! ayoko talaga sa ugali nya , salamat malapit na kami sa museum....huminto si Cristopher sa harap ng museum, salamin lang kasi ang wall ng aming museum kaya makikita mo sa labas..

binilisan namin ang pagtakbo pero bigla kaming napatulala sa tapat ng museum, dahil may nakita kaming mga nakabigti!!! parehas na parehas duon sa painting, saktong lima!!! at parehas rin ng pattern!!!

sino naman kaya ang may gawa nito, napaka brutal, demonyo!!! di na naawa!!! mga walang puso,

"t-tulong!!! " may narinig kaming sumigaw, pamilyar ang boses nito, isang babae, at paningin ko kaklase rin namin sya!!! s-sino naman kaya sya.

"t-tulungan nyo ako!!! please parang awa nyo na!!!"

hindi namin alam kung saan nang gagaling ang boses nito kaya hindi namin mahagilap ang nagsasalita, inilibot ko ang paningin ko sa museum ....may nakita akong dugo papunta sa box....

gumagalaw ang box kaya paniguradong may tao sa loob nito, siguro din doon galing ang ingay na aming naririnig..... dahan dahan akong lumalapit sa box, pero hinawakan ni Celdrick ang aking kamay at sinabi nyang sya na raw,!!! dahil baka kung ano pa ang nasa loob nito....

malapit na si Celdrick ng muli nanaman itong kumalabog, this time may nagsalita nanaman, sino naman kaya iyon.... baka nasa loob sya ng box na iyan!!! , nasa tapat na si Celdrick ng box pero nagulat sya kasi ito ay naka lock!!! at duon nga galing ang boses ng babae!!!

"n-naririnig mo pa ba kami???" tanong ni Celdrick, hindi umimik ang tao sa loob, hindi na rin kumakalabog ang loob nito,hindi kaya??? nahimatay sya!!!??

"TABI! ITO AXE AKO NA ANG GAGAWA!!!" sigaw ko, minadali ko ang paglapit duon, sinira ko mismo ang lock nito, at nagwagi naman ako.

nasira na ang lock kaya umawang ang door ng box, unti unti kong iniangat ang box at hindi ako nagkamali! , classmate nga namin ang nasa loob nito... s-si jasmine ang ex-president... ng star section,

"jas? okay ka lang ba?" inalog ko sya pero hindi sya gumagalaw, binuhat sya ni Celdrick papaalis sa loob ng box at ibinaba sa aking legs, pinunasan ko ang noo nyang pawis na pawis na, nahinga sya , at wala rin namang kahit anong sugat, puro dugo lang ang kanyang uniform...

makalipas ang 10 minuto ay nagising na rin sya, ewan ko kung ok na ba sya o baka hindi pa, iniangat nya ang ulo nya at nagtanong kung ano ang nangyari, ikinwento ko naman iyon sakanya, ang lahat ng nangyari...

"yung letter! m-may letter sa loob ng box!" s-sigaw nya halatang may pangamba sa pananalita nya, nakilala nya na kaya ang killer? o baka naman? sya ang killer?

JASMINE ADASAM...... SYA KAYA ANG KILLER?

____________________________

So ayun, antagal ko ulit iupdate! im so sorry💯 kasi ehhh busy...
pero syempre babawi ako💕💕💕 - CREEPYLITTLEMISTER

SILENT DEATH : BOOK #1 #WATTYs2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon