Lahat ng kwento dito ay pawang kathang isip lamang, kung sakaling may mga pangyayaring parang halintulad sa istorya ninyo, baka coincidence lang. Sana po mag-enjoy kayo sa unang kwento ko.
Main Characters:
Mia- your average filipina, innocent, conservative, clueless and childish, yan si Mia before makilala si Luke. Si Luke na niloko siya, kinalimutan niya, sinubukang magbago dahil sa kaniya at magmahal ng iba. Ang dating tila Maria Clara naging liberated, heartless, player and a certified bitch. Akala nga niya naka-move on na siya dahil sa napakatagal ng panahon, pero bumabalik nanaman ang bangungot ng kahapon. Ano kayang susunod na gagawin ni Mia?
Luke- chickboy, mayaman, matalino at ma-appeal. Halos lahat nasa kaniya na, maliban sa attention ng girlfriend niya na unti-unting lumalayo ang loob sa kaniya. Ito ang magiging dahilan ng pagseseryoso niya sa ibang babae. Ang prinsipyo niya sa pag-ibig ay magmahal lamang ng isa, pero tila mababaluktot ito ng makilala niya si Mia.
Joey- ang isa sa mga kaibigan ni Mia at barkada ni Luke. Siya ang naging dahilan para magkakilala sila Mia at Luke.
Sandra- ang girlfriend ni Luke. Hindi naman niya sinasadiyang maging cold kay Luke, kaso masiyado lang talaga siyang concentrated sa studies niya at sa isang part-time work na hindi alam ni Luke. Maaayos na sana nila ng boyfriend niya ang lahat, pati na rin ang issue na nanlalalake daw siya, kaso dumating sa eksena si Mia. Mapapatawad pa kaya niya ang boyrfriend?
Alice- madaldal, out-going, socialite. Siya ang bestfriend ni Mia, ang ever supportive na nagiisang kaibigan na siyang laging hinihingian ng advice ni Mia. Ang original man hater, dahil una siyang nagmahal sa isang fully pledge gay person. Alam niyang bading, pero pinatulan niya parin, ang masaklap pa neto, clinical instructor niya. Ano kaya ang magiging involvement niya sa mga decision ni Mia?
The guys in Mia's life after Luke
Kaleo-the 'LDR', your typical boy next door who's been trying to court her since college, pero dahil sa Manila siya nag-aaral and sa Baguio naman si Mia, it seemed impossible. During days that Mia's heart was broken, siya ang naging sandalan neto.
Keith-the 'one that got away', masayahin, palabiro, matipuno, at gusto niyang lagi kang tumatawa. Binibigay niya halos lahat sayo, basta hilingin mo. Siya ang boss ni Mia sa una niyang naging trabaho after college. He's too good to be true, stupid nalang ni Mia na iwanan ang taong ito, di ba?
Andrew-the 'confused', siya ang unang nakasama ni Mia sa first hospital duty as a nurse. Tahimik, maalaga, at parang kaibigan lang ang turing niya kay Mia. Kaya laking gulat ni Mia ng aminin nitong may pagtingin siya sa kaniya, pero hindi daw niya pwedeng ligawan kasi may nililigawan na siyang iba. At least honest siya, pero bakit sa mga pinapakita at ginagawa niya, e parang nanliligaw na?
Jude-the 'dream boy', isang singer and guitarista ng banda. Cute, sweet, talented, okay na sana kaso may girlfriend na. So he thought he could play with Mia? Ang hindi niya alam, Mia's playing along with him.
Drake-the 'bad boy', he made everything more complicated for Mia. Halos magkatulad sila ng ugali ni Luke, same dimples, same jokes, same banats and same problems with girls. And the dangerous question of "what if?" broke Mia apart.
Caleb- the 'friend'. He's been hiding his feelings for Mia since College days but she seemed clueless, and when he finally found the guts to say it, she turned him down. Though Mia's not that sure about her feelings for him, she's afraid that she may screw up again. She doesn't want to lose a friend as special as him.
__________________________________________________________________________
Prologue
Mia's POV
"I hate the way you look at me
The way you make fun of my sincerity
I hate the way you say hello
And why I just can't let you go.
I hate the way you drink and smoke
The way you flirted and talked
I hate the way I was used by you
And all the other girls you've dated too
I hate you for everything
For treating me like my feelings were nothing
But most of all, I hate the way I don't hate you.
How I wish I know how to."
It's been 5 years. 5 long years since we saw each other.
Ano na kayang itsura mo ngaun?
Pumayat ka na ba?
O chubby parin?
Masaya ka naman kaya?
Malamang, kasi unlike me, you have someone beside you who loves you dearly, someone who can and will love you more than I can offer.
Pero 'what if' kaya no? Tinatanung mo din kaya sarili mo?
What if, pinaglaban kita?
What if, ako yung pinili mo?
What if, naging mahina ako noon at binigay sayo lahat?
What if, hindi ako naging childish and immature?
What if, hindi ka naging gago and pinatunayan mong mahal mo ko talaga?
Ganito parin kaya magiging ending ko?
Mag-isa?
Hindi kontento?
Pabago-bago ng gusto?
Walang permanenteng lalaki sa buhay?
It's been 5 stupid years now, but how come I still can't find myself moving on from you?
Why do you still affect me?
Why?
Nakatitig lang ako sa screen ng ipad ko, may email invitation kasi akong nareceive mula sa iyo.
Ikakasal na kayo. Ikakasal ka na!
I should be happy for you, I should be!
Pero bakit parang hindi ko magawang maging masaya para sayo?
Ang sakit, akala ko nga naka-move on na ako, di ba?
Ang dame ng lalaking dumaan sa buhay ko, mas gago pa sayo, pero bakit hanggang ngayon para kang multong binabangungot ako?
Akala ko bato na ako, manhid na sa ganito.
But my heart of stone turned fragile at hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko.
All the memories seemed to come flashing back.

BINABASA MO ANG
Confessions of a Man Hater
Novela JuvenilDo you believe in destiny? In soul mates? And in fate? Well I believed all those b*llshits... before. Mula ng dumating si Luke sa buhay ko, tila ba lahat ng iyon naging isang malaking kasinungalingan nalang. I tried moving on, I tried giving up the...