Mia's POV
Limang araw. Limang araw ko ding makakasama itong mayabang na lalaking kung makatitig e parang may dumi ako sa mukha.
"May dumi ba ko sa mukha?", di na ko makatiis tanungin, eh kasi naman nanonood ako ng tv tapos siya nakatitig sakin, nakakadistract kaya.
"Huh? Ay, sorry, may kamukha ka kasi."
"Duh? Ako may kamukha? Sino naman?"
Napatigil siya ng konti, tapos napangiti.
"Ngiti ngiti ka diyan" sabi ko.
"Bakit, bawal ngumiti? Bawal na nga tumitig eh, ano pa pong bawal dito?" ngiti nanaman siya na parang nangaasar.
"Ewan ko sayo"
"Suplada naman, sabi ni Joey wala ka pa daw boyfriend, bakit?"
"Eh bat ka nangengealam, e sa wala nga", sabay kusilap ko.
"Kinacareer mo pagiging suplada ah, haha! Impossible, sa ganda mong yan? Ilan na ba naging ex mo?"
Tingin ako sa kaniya ng masama, with matching taas pa ng isa kong kilay. "Too personal, hindi tayo friends, hindi tayo close."
"Yun lang ba problema? Edi maging friends! Hi Mia, I'm Luke, ulit, friend ni Joey na friend mo, can I be your friend too?" sabay abot niya ng kamay niya
Tinapik ko lang yung kamay niya, "Echosero ka!"
"So ngayong friends na tayo, magkwento ka na." ngiting aso nanaman siya.
"Ish! Ang kulit mo, wala ka bang ibang magawa? Aalis ata sila Joey eh, sumama ka nalang kaya sa kanila para hindi mo ko binubwiset dito."
"Ang sungit mo talaga, pero ang cute mo pag galit, lumalaki yung ilong mo, hehe." sabay turo sa ilong ko, titig naman ako sa kaniya ng masama. "Kung sasama ka sa kanila, sasama din ako, tara?" ngiti parin siya eh, nang-aasar talaga.
"Sa beach and punta nila, hindi ako pwede mag-swimming ngayon, may dalaw ako"
"Sino?"
"Anong sino?"
"Ang dumadalaw sayo"
"Nakakainiz naman eh!" sabay hagis ko ng maliit na unan sa tabi ko sa kaniya.
"Halla! Seryoso kaya ako" tapos sabay tawa niya.
"Ang corny mo, makaalis na nga dito."
"Ui Mia! Sino nga?"
Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Joey na nag-aayos ng gamit.
"Oh Mia, bat parang galit ka?"
"Ish! Nakakainiz kasi yang corny mong kaibigan"
"Sino? SI Luke? haha! Ganiyan talaga yan kakulit, parang di ka na nasanay eh ganiyan din naman ako kakulit noon sayo di ba?" sabay kiliti niya sakin.
"Ano ba!", layo ako ng konti. "Ewan ko sa inyong magkaibigan! Matutulog na nga lang ako, buset!"
"Suplada, meron ka ngayon no?"
Higa nalang ako sa kama sabay sabing oo.
"Sabi na eh. haha! Pero Mia, mag-iingat ka diyan sa kaibigan ko ah?"
"Bakit naman?"
"Chickboy din kasi yang tulad ko eh, alam mo naman ang prinsipyo ko sa pag-ibig"
"Oo na, marami ka mang kalandiang iba, magmamahal ka lang ng isa"
"Haha! Naaalala mo pa pala yun"
"Malamang, nakipagdebate pa nga ko sayo noon eh. Ewan ko ba kung pano nakakatagal yang girlfriend mo sayo, napaka-gago mo"
"Medyo hard yun ah, haha!"
"Pero may katotohanan naman yung prinsipyo namen eh" Gulat ako nung marinig ko boses niya. Hindi pa siya nakuntento sa pang-aasar kanina.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Friend naman, kwarto ko din kaya to" ngiti-ngiti nanaman na nang-aasar.
"Friend-friend ka diyan"
"Teka, makikipag-debate pa ko sayo"
"Teka, aalis muna ako" Singit ni Joey "Sama ka ba Luke?"
"Di na pare, kukulitin ko pa tong bestfriend ko eh"
"Bestfriend?!" protesta ko.
Pagkaalis ni Joey, umupo agad si Luke sa kama katapat ko.
"Going back sa topic, totoo naman di ba? Yung prinsipyo namen? Yung prinsipyo ko? hehe, ako kasi ang may uso nun eh, "
"So proud ka pa niyan, proud ka pang ikaw ang dahilan kaya hindi faithful ang kaibigan ko?"
"Aba, bat ba sinasabi mo agad na hindi siya faithful?"
"Kasi kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi ka na maghahanap o magkakagusto pa ng iba"
"Mali, diyan kayo nagkakamaling mga babae eh! Kaya kayo nagiging praning, kaya kayo iniiwan, kaya kayo niloloko ng lalaki"
"Hay nako! Basta pag ako niloko ng lalaki, hinding hindi ko na babalikan"
"Kahit pa mahal na mahal mo at mahal na mahal ka niya?"
"Kung mahal niya ko talaga, ako lang, wala ng iba"
"Napaka-selfish mo naman. Ikaw ba, kunwari may boyfriend ka, gugustuhin mo ba na pagbawalan ka niyang magkagusto sa iba? Paano kung bigla kang nilandi ni Piolo Pascual o kaya ni Mario Maurer?"
"Mahal ko siya kaya kahit sino pang lalaki, gaano man siya kasikat o kagwapo eh hindi ko papatulan kasi committed na ako"
"Committed ka nga, pero tao ka din namang naaatract sa ibang tao. Napakaraming magagandang bagay sa mundo. Madaming pagpipilian, madami kang magugustuhan, pero iisa lang yung magiging sobrang gustong gusto mo na sa sobrang gusto mo e hindi mo na kayang mawala, yun ang taong mamahalin mo.":
"Kahit ano pa sabihin mo, hinding hindi ko parin matatanggap ang pang-twotwo time ng mga lalaki"
"Matanong nga kita Mia, nagka-boyfriend ka na ba?"
"Oo"
"Naloko ka na?"
"Oo"
"Pinagpalit ka sa iba?"
"Ish! Oo!"
"Pinagbigyan mo ba siyang magpaliwanag?"
"PInapili ko siya kung ako o yung kabit niya, hindi daw siya makapili, kaya ako na ang pumili para sa kaniya. Nakipag-break ako, kasi ayokong magmukhang tanga."
"Naisip mo ba na baka hindi naman talaga niya mahal yung babae? Na baka natukso lang siya? "
"Ayoko ng isipin un kasi nga niloko na ako"
"Tsk, tsk, tsk. Mali, maling mali."
"Itigil na nga natin tong debate na to, walang mananalo kasi ipipilit mo sakin yang prinsipyo mo, tapos ipipilit ko yung akin."
"TIngin mo ba babaero ako? Dahil lang sa marami akong nagugustuhang babae? It's unfair, eh kasalanan ko bang I really appreciate beauty? And honestly right now I appreciate you. Maganda ka Mia, at gusto kita"
Tumaas yung isa kong kilay, nabigla ako eh! Ano ba to, kakakilala ko lang sa kaniya tapos umaamin agad siyang gusto niya ko. Cute din naman siya, pero may girlfriend na to ah!! "Pero di ba may girlfriend ka?"
"Oh di ba, that's what I'm talking about."
"Hay naku, tigilan mo na nga ko Luke, hindi parin kita maintindihan. Matutulog na nga ako at maaga pa duty ko bukas, buti pa kayo ni Joey at pm shift kayo. Good night na!", sabay talukbong ko ng kumot para di niya na ko kausapin.
"Sige bestfriend, sweet dreams! Matutulog na din ako, matutulog na ung kakulitan ko eh. Usap tayo bukas ulit ah?"
BINABASA MO ANG
Confessions of a Man Hater
JugendliteraturDo you believe in destiny? In soul mates? And in fate? Well I believed all those b*llshits... before. Mula ng dumating si Luke sa buhay ko, tila ba lahat ng iyon naging isang malaking kasinungalingan nalang. I tried moving on, I tried giving up the...