Two years ago.......
"Huy violet umayos ka sa school , wag mong aawayin yung kapatid ni alex."
Napabuntong hininga sya.
"Sya ang nauna. Inaasar nya ako. Ewan ko doon, ako nalang laging inaasar. Ikaw ba naman pag sabihan ng panget eh sa ganda kong to? Ako pangit?" Sabi nito sabay flip ng kanyang buhok.
Natawa ako.
Kung alam mo lang.
"Three weeks ka palang sa school , nanapak ka na ng lalake, ano kaya ang tingin nila sayo?"
Di nya ako sinagot kaya nag focus nalang ako mag drive.
Hi. Ako si Silver Ash Santos. Magandang babae, matalino, mabait, minsan nag susungit, at higit salahat may kapatid akong amazona. She is Amanda Violet Santos. Ahead ako sakanya ng one year . Matalino rin sya gaya ko, maganda rin, ang problema, amazona, sadista, slow, kapag naasar yan , kung ano ang hawak nyan ihahampas nya yun sayo.
"Tsk, naniwala ka namng panget ka?" Tanong ko at di sya nakakibo.
Inirapn lang nya ako.,
Pinark ko yung kotse ko sa parking lot, malamang saan pa ba?
"Ate una na ako sa room. " sabi nya.
Kita mo ito, kanina parang galit tapos ngayun akala mo mabait.
Tsk.
Pagka baba ko sa kotse, may bigla nalang nang yakap saakin.
Sa amoy nya kilala ko na.
"Good morning lance."
"Good morning Silver. May bad news at good news ako."
Pagkasabi nya nun ay kumalas na sya sa yakap.
Nag bago ang expression nya.
"Ano gusto mong unahin?"
"Bad news?"
"Lilpat na ako, i mean ng titirahan......"
Kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Kasi nag away nanamn sila mom at dad. Eh saktong umalis pala si kuya at pinaubaya nya saakin yung condo nya. Kaya doon muna ako for atleast one month. "
"Hala eh bakit one month?" Kasi pwede namang two nights lang.
"Eh kasi one month wala si kuya, sakto namang ayaw ko na doon kasi pinaglalaruan nung mga kapatid ko si baby. Kaya pumayag nalang ako."
Mapaisip ako, wala na akong tatambayan kapag nandoon sa bahay yung step dad ko. Tsk.
" Wala na tuloy akong kasama kapag tumatakas ako sa bahay. "
Ginulo nya ang buhok ko.
"Ako bahala. Basta wag ka ng malungkot" nakangiti nyang sabi.
Hala sya" Sino nagsabing malungkot ako? Ang saya ko kaya dahil wala ng pupunta sa bahay para manghiram ng mga gamit ko."
Nag pout naman sya.
"Hala. Pero promise gagawa ako ng paraan. Isang tawag mo lang nandoon na agad ako." Sabi nya at inakbayan ako.
Sya si Lance Charlie Gomez , my bestfriend. Varsity ng swimming team at basketball team. Magaling kumanta at may banda sa school na ito. Mabait, maalagain , sweet, gwapo, makulit, pwedeng pwede maging boyfie. But don't get me wrong, wala akong gusto sakanya.
"Asa ka namang tatawagan kita?" Sabi ko at tumakbo.
Pinagtitinginan kasi kami eh. Ayaw ko pa naman maging center of attention.
"Huy. Sil, hintay!!!!!"
Di ko sya hinintay, tiniganan ko sya habang tumatakbo.
Tumatawa ako. Hahaha.
Saktong-
BOGSH.
"Aray....."para akong tumama sa isang matigas na bagay.
"Uy, ok ka lang? " ramdam kong nakaalalay saakin si lance kaya tumayo ako.
Tinigan ko kung saan ako bumungo.
Great sa isang tao.
Isang taong pinakaiiwas iwasan ko.
Ang crush ko.
Yes. Gulo ko diba? Crush ko pero ayaw ko?
"Di kasi tumitingin sa dinaraanan." Aba. Bwisit.
"Tsk. Pare sorry . Pag sasabihan ko nalang si sil." Sabi ni lance.
Kaibagan yan ni lance.
Masungit na gwapo na laging may PMS.
"Dapat lang."
"Aba bwisit toh ah. Hoy excuse me nathan. Di porke lalake ka di kita sasapakin. Tsk. Makasungit to. May pms ka ba lagi? Lagi nalang kasing itim ang aura mo. " totoo naman. Kapag nagkikita kami , maka tingin akala mo ninakaw ko ang pinakamahalagang bagay sakanya.
Di nya ako pinansin.
Aba....
"Grabe ka. Tampo tuloy sayo si nathan. Tsk. Makasigaw rin kasi to eh."
Hinarap ko si lance.
"Tsk. Wala akonh pake dyan. Aga aga binabadtrip ako. Tsk. Halika na nga." Hinila ko sya papunta sa classroom.
"Oy. Friend!!! Halika!!!!" Sya si Alexia Pink Shaw. My friend.
Umupo ako sa tabi nya.
Si lance naman nakatayo sa tabi ko.
"Friend sama ka saamin ni jade!!!!"
"Saan?"
Nakapagtaka. Excited sya masyado.
"Well, may out of town kami ng family ko. No worries two days one night lang naman. Isama mo na si purple."
Natawa ako. Purple ang tawag nya kay violet.
"Saan namn ?"
"Sa resort namin. "
Hala eh paano yung studies namin?
"At wag na mag alala, excuse naman tayo. Inexcuse na tayo ni tita hannahlyn.Please?????" Lumuhod sya .
Naknang. Di naman nya kailngang lumuhod.
"Ge sama kami. Wag ka nang lumuhod. Tsk." Tumayo sya.
"Thanks. Isama mo na rin pala si lance."
"Eh wag na. "
"Sasama ako. Hahahahq. Bye." Umupo sya sa upuan nya.
"Bakit ba tayo pupunta doon?" Eh kasi sa pagkakalala ko tapos na yung birthday nya.
"Birthday ni Xander. Kaya nga pinaimbita ko si purple eh." Natatawa nyang saad.
Hahaha. I smell love.
"Hahaha. Ge. Sino sino yung kasama?"
"Well si natie , si jade si purple ikaw, si george, yung friends nya , tapos yung family namin."
Oh madami rin pala. Pero wait."george? Diba galit ka doon?"
"Eh pinaimbita ni mama. Kasi yung bwisit na yun..... nag kunwaring boyfie ko. Bwisit!!!!"
Hahaha. Ahh ok gets.
Dapat kasi i aarange marriage na si alex sa anak ng business partner nung tatay nya. Eh ayaw nya, saktong ganon din yung sitwasyon ni george.
"Tadhana...tadhana....tsk tsk."paawit kong pangaasar.
"Che , bwisit. "
Hahaha.
Makikipag kwentuhan pa dapat ako kay alex pero, dumating na yung prof.
Discuss....
Discuss...
"Late ako. Pasensyana." Nilingon namin sya.
"Ms. Flore, lagi ka nalang late."
"Bakit may paki ka?" Kahit kailan talaga di kayang manahimik ni jade.
"Manners Ms.Flores."
Napa tsk nalang sya, dumiretso sya sa tabi ko.
Kagandang tao ni jade. Pabad naman yung ugali.
She is Jade Katie Flores. My friend.
Kahit bad yan, pag may nanakit saamin ni alex. Whether sya or si lance or george ang reresback.
Ganyan talaga pag mag kakaibigan.
"Late ka nanaman. Tsk. "Sermon ni alex ng pabulong.
"Bwisit kasi yung nanay kong bunagangers." Hahaha natawa ako sa ginamit nyang word.'bungangers' pang bakla.
"Eh kasi dapat gumising ka na ng maaga para di ka na masermunan."
"Ms. Flores. Ms. Shaw. Ms. Santos. Get out now."
Putek.
Pinalalahas nanaman kami.
Lumabas kami ng classroom.
"Kasi naman eh." Bungad ko.
Nakakainis.
"May quiz pa naman tayo. Tsk. Tapos next week na yung exam."
"Tapos...kaka rating ko palang napalabas na agad ako." Malungkot na sabi ni jade.
"Tapos.............ewan . Tsk."
Palibhasa kasi di makaworry dahil matalino na talaga sya. Eh kami ni jade, kailangan mag aral.
"Gala muna tayo." Sinundan namin si jade.
Sa grupo namin. Si jade ang mahilig makipag basag ulo, rule breaker. Si alex namn ang pasaway na matalino, ako naman ang tahimik na sporty saamin, si lance ang protective brother namin si nathan ang masungit na snober, si george ang makulit na maingay.
"Pag nakita tayo ng principal baka alisin pa tayo sa pwesto." Sabi ko.
"Psh, sil, tita ko ang may ari nito, isa pa , favorite nya ako, kaya no worries" yup si alex yan.
"Edi wow nalang."
Nakalimutan kong sabihin na ako, si jade, si alex , lance, nathan , george ay student council.
Napadpad kami sa rooftop.
Tahimik lang kami.
Hangang sa may narinig kaming usapan . Nasa pinakagilid kasi ng pinto.
Tinigan namin iyon.
Nanlaki ang mata ko.
Si violet at xander.
"Please naman, sumali ka na kasi. Magaling ka naman eh." Dinig kong sinabi ni xander.
"Eh , ayoko nga eh. Isa pa, ayoko sumayaw. Dahil.........basta!"
Magaling sumayaw si violet, pero huminto sya sa pag sasayaw dahil, simula nung naghiwalay sila mama at papa, naapektuhan sya ng sobra.
"Please?!!! Give me a valid reason then."
"Una ayoko, pangalawa ayoko, pangatlo ayaw ko."
Grabe din tong kapatid ko.
Nakita kong lumuhod sa harap nya si xander.
"Please, mahalaga saakin to. Kailangan talaga namin ng isa pang ka grupo, eh ikaw lang naman ang kilala kong magaling eh. Please, gusto naming makasali sa contest na to, please."
I already step in.
"Xander , tama na yan, ako ng bahala." Napatingin naman sila saakin.
Halata kay violet na gulat sya.
Hinila ko na sya palayo. Sinenyasan ko si alex na puntahan ny ang kapatid nya.
"Bakit di mo nalang tanggapin yung offer nya?"
Hinarap nya ako.
"Alam mo namang simu-" "Yeah i know. But di naman kailangan na forever mo nalang yan gawin."
"Ate you don't understand."
"Yeah i don't pero alam mo sa sarili mo na simula palang nung inoffer ka ni xander na mag sayaw kasama sa grupo nya , alam kong alam mo na gusto mong tanggapin yun , pero naunahan ka ng emosyon. Please. Palayain mo ang sarili mo."
Yumuko sya.
"Pagisipan mo ito Amanda."
Alam nyang pag tinwag ko sya ng amanda seryoso ako.
Iniwan ko syang umiiyak.
"Ang harsh mo sa kapatid mo." Napatalon yung puso ko sa gulat.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tinigan nya ako sa mata.
"Kakasimula palang ng break. Kaya pupunta sana ako sa tambayan ko. Eh nakita ko yung pag uusap nyo ng kapatid mo."
"Wala ka ng pakielam doon. Alis . Kanina mo pa sinisira ang mood ko."
Nakakainis sya.
"Tsk. If i know gusto mong kausap mo ako ngayun." Aish.
Kapal ng mukha.
"Tsk. If i know ikaw nakakaramdam nun." Natigilan sya.
At nakita ko ang small grin nya.
"Tsk. Paano kung ganon nga?"
"Edi-wait. WHAT?"
Natawa sya."Hahaha. Naniwala ka naman?"
Para akong pinitik. Parang kanina lang eh kumakabog yung heart ko sa sobrang kilig tapos yun pala umasa lang ako.
Kaya nga hate mo sya diba?
Tsk.
"Joke lang.Hinahanap ka nga pala ni lance."
Tsk.
Bwisit!!!!
Akala ko sincere tsk. Bakit nga ba pinapaasa ko sarili ko?
"Ano?"
Shit , napalakas ang pagkakasabi ko.
"W-wala. Tse. Dyan ka na nga."
Natawa naman sya uli.
Yung totoo anong meron?

BINABASA MO ANG
Just bestfriends
Teen FictionKaibigan o kai-bigan? Mag best friend sila. Yung isa na fall ngunit di nasalo. Anong mangyayari?