'Oy!!!! Pagbutihin mo yang sayaw mo."
Napalingon ako sa sumigaw.
Nasa backstage ako ngayun.
Tsk. Si lance pala.
Now playing:
Nagsimula na kaming sumayaw nila alexia.
Ako , si alexia si jade tapos yung bago naming kaibigan na si alex.
Tsk.
Pagkatapos namin sumayaw ay agad akong niyakap at binuhat ni lance.
"Aww, ang sweet naman nyong dalawa!!!!!!" Napatingin kami kay alexia.
Napatigil kami ni lance." Ah. Sil, ang galing mo kanina. Hahahahah, "
Napangiti ako." Syempre ako pa. But really thanks."
Nagkatinginan kami. Yung parang may sinasabi sya sa mata ko.
"Oiy maya nayan . May pupuntahan pa tayo." Tsk. Ge lang nathan.
"Ito bitter lang kasi gu-" di na natuloy ni jade ang kanyang sinsabi dahil tinakpan ni nathan ang bibig nya.
Ang cute nila.
I chuckle .
Inakbayan naman ako ni lance.
"Oy yung good news nga pala na sinsabi mo? Dumaan na yung birthday ni xander , di mo pa rim sinsabi saakin.
Nakakainis ka. So ano yun?"
Umiling sya.
"Tsaka na."
Ay grabe na.
Pinisil nya ang ilong ko na ikinainis ko." You look cute when you're pissed. Hahahhaha"
Naknang." Tsk. Matapos mo akong di dalawin nung tinatawagan kita, gaganyan ka saakin. Nga pala. Di papala tayo bati. Hmp!"
Tinalikuran ko sya.
Kasi nung nag aaway nanaman sila papa at mama. Kailangan ko ng sasandalan nakakainis. Lagi nalang silang nag aaway , eh tinawagan ko si lance . Di naman sya dumating.
"Uy. Sorry na sil. Kasi may importante akong ginawa eh. Please. Sorry na."
Nag tampo mode ako. Haha akala nya.
"Please ash sorry na," shit. Kakaibang kilabot ang naramdaman ko. Di kilabot na nakakatakot. Yung kilig na di mo malaman. Hinarap nya ako sakanya and he cupped my face.
Pashneang mataba na matanda!!
Di ako makagalaw." Please sorry na."
Akala ko hahalikan nya ako. Buti nalang akala ko lang yun. Inilapat nya ang labi nya sa noo ko. Shet. Anong feeling to?
"Ayan sorry na please?"
Napatulala ako.
"Huy! Earth to sil."
Nabalik ako sa katinuan.
"Ay ...ano-w-wala. "
Shiz nauutal ako.
"So bati na tayo?"
Napangiti ako dahil nakakatawa yung pout nya.
"Oo na nga. Matitiis ba kita?"
Natawa sya at lumundag." Yes. Bati na tayo!!"
Tsk. Parang bata.
"Ate !!! Gising, di pa tayo nakakpag grocery!!!!! Huyyyy!!!! Eight na at wala na tayong time. Helloooo!!!!!"
Nagising ako sa nakakiritang boses na naririnig ko.
Si violet lang pala.
"Ang aga nangigising ka."
Syepre antok pa rin ako.
"Ate bibili pa tayo ng supplies natin. Kakain pa, tapos mag gro-grocery pa tayo, bibili pa tayo ng mga gamit pangluto. Tapos kukinin pa natin yung uniform natin. Kaya gumising ka na!!!"
Bwisit. Labag sa kalooban ko ay tumayo ako. At dumiretso sa c.r
Mabuti nalang at may sariling shampoo dito. Mamaya papala kami .
Pagkaligo ko ay agad akong nagbihis.
Haist.
Pagbukas ko naman ng phone ko. May 23 missed calls galing kay mama.
Haist. Makapag palit na ngalang ng number.
Umalis na kami, nung tapos na si violet maligo at magbihis.
"Nasayo na ba yung susi?" Inilabas nya yung susi at iniabot saakin.
"Baka mawala ko pa." Sabi nya.
Kaya itinago ko nalang yung susi sa pocket ng slim bag ko.
Bumaba kami at nagpunta sa parking lot.
Sumakay na kami sa kotse.
"Una pupunta muna tayo sa school para doon sa uniform. Tapos supplies tapos grocery." Sabi ko, at tumungo nalang sya.
Bigla naman nag eing yung phone nya. "Hello. Goodmorning xan. Hehehehe"
Tsk. Boyfriend nya lang pala.
Nagpunta kami sa school.
Binilisan ko ang pagpapatakbo. Nakakarindi kasi yung ka cornihan ng kapatid ko. Like eww.
Pwe.
Inunahan ko na syang lumabas ng kotse at pumasok sa school.
Diretso lang ako sa office.
Tsk. Kupad talaga nung kapatid ko.
_________________
"Saan tayo next?"
Tsk. Di ko nalang sya pinansin. Nakakabanas. Nakakairita. Di ko nga ala, kung bakit ganito yung nararamdaman ko.
Pagpasok namin sa office kung saan nandoon yung uniform namin , nakita ko sya.
Kasama nya yung dakilang ex nya.
Nakakabwisit.
Grr. Nakakainis. Nakakaselos.....wait , nakakaselos? Ugh. What am i thinking.
"Ate ok ka lang? Nakita mo lang si kuya lance at ate jessica , nakabusangot ka na." She said.
Di ko nga maintindihan ang sarili ko eh.
'Sila na ba? Uli? Pero kung sila na uli, bakit naman sya babalikan ni lance , eh alam kong nasaktan ng malala si lance non. Nakakainis. Grr. Darn that girl, kung pwede lang sanang sabunutan at sapakin yun ginawa ko na! Makairap kasi eh sarap dukutin ng mata. Tsk. '
"Ano ate?"natawang sabi ni violet.
Shiz.
"Wala, sabi ko sa national bookstore tayo next."
Natawa sya.
Tsk. Baliw.
Pero seryoso. Gusto kong kumprontahin si lance kanina. Nakakainis kasi tanga nalang sya kung babalik pa sya dun sa babaeng yun.
Bwisit rin kasi eh.
"Nga pala. Ate. Sabi ni papa saakin kagabi, na tutal may five weeks pa tayo bago mag pasukan , ininvite nya tayo , sama raw tayo sa korea."
"Huh? Bakit naman? " tanong ko habang nakafocus sa dinraanan namin.
"Basta raw. Daan raw tayo mamaya sakanya para doon."
"Wait , how come ikaw ang tinwagan nya at di ako?"
"Well, tinawagan nya ako in the middle of the night. And tulog ka na."
Lame reasons.
Tsk.
Pumarada ako sa parking ng mall.
"Lika na."
Haist. Nakakainis talaga.
Na flashback nanaman sa isip ko yung nangyari kanina. Bwisit.
Para talga syang linta na kay raming palamuti sa mukha. Grrr.... in short malandi.
Nakakainis.
Teka!! Ano nga bang paki ko? Naguguluhan na talaga ako.
And great. May nakabangga nanaman ako.
Bwisit kasi si lance. Ginugulo yung isip ko.
Grr.
"Miss. Ok ka lang?"
Tumayo ako.
"Oo, sorry." Hinarap ko sya. Shet gwapings ni kuya.
"Sorry din. Sure ka walang masakit sayo? "
"Yes."
Ngumiti sya at tinalikiran na kami.
Peeo teka yung ngiti na yun.
Parang nakita ko na.
Wait....isip....
Aha!!!!
Pinigilan ko sya.
"By any chance ikaw ba si Leo?"
Tinignan nya ako." Silver Ash ?"
Ngumiti ako.
Pashneang mataba na matanda.
"Leo!!!!!! "
Niyakap ko sya.
"Hahaha. Ikaw pala yan. Musta na?"
Di ko alam ang isasagot ko. Ok lang ba ako? O hindi?
"Ahh. You remember violet?"
Ngumiti sya." Yup. Si mandy pa." Haha.
Sumimangot ang mukha ni violet." Tsk. Hi kuya leo."
Leo chuckled.
"Di ka parin nag babago. Teka san kayo punta? "
"Ahh. Well pupunta kami ngayun sa NB. Bibili ng supplies."
"Samahan ko na kayo. Doon rin ako eh."
Edi sinabayan nya na kami.
"Nga pala, bakit kayo yung bumibili. Diba may butler ka naman tapos may yaya ka pa?"
Nagkatinginan kami ni violet.
"Well. Kinda long story, maya nalang namin ikwento." Sabi ko.
Pinakitaan nya ako ng intriga look.
Sya si Leo Terence Lopez. He's my childhood friend. And.......he is lance......cousin.
Yep. Haist. Anyways. So umalis sya ng Philippines at nagpunta ng korea, dahil doon sya pinag aral ng dad nya.
He's kind and cheerful , matalino at runner sya. And. Leo is charming.
"Nga pala, kamusta na kayo ni lance? Friend pa rin ba or more than that?" He said with a teasing look.
Siniko naman sya ni violet.
Nag iba nanaman ang aura ko.
Tsk. Bakit ba kasi nangyari yun?!
"Ah. Sorry. Ano- anyway. Ah. Kain muna tayo? Kumalam tyan ko eh, heheeh" sabi ni leo.
Ngumiti ako, with pain.
Pumunta kami sa isang restau dito sa mall.
Sabi nga nila. Expect the unexpected.
Nakita namin si lance. Di lang sya. Si jessica rin.
Bakit ba nanamdya ang tadhan?
"Hey insan!!!" Putek rin tong si leo.
Napatingin di sakanya sila lance. Di lang sya. Lahat ng tao. Napakalakas kasi ng boses nito eh.
Di po namin sya kilala.
Jk.
"Ano....leo. Order na ako." Paalam ko.
"Ahh, ako nalang. Hanap ka nalangng seat." Hahanap na sana ako ng seat pero nag salita si jes.
"No. Dito na kayo. Besides we know each other naman eh." Sabinya sabay kapit sa braso ni lance.
Binulungan naman ako ni violet." Kadiri. Tsk linta nga talaga to. Kulang nalang making mighty bond na sya. Eww. Di bagay."
Natawa ako ng konti.
Napangiti naman si violet.
At naiwan kami. Si leo ayun nasa counter na.
Nag babasa lang ako ng libro.
Di ko nga lang maintindihan kasi itong mga taong nasa harap ko ay ang ingay.
Si jessica ayun simusubuan si lance.
Putek. Eww tignan.
Isang gwapo at isang clown?
Di ko nalang sila pinansin.
Si violet rin tahimik.
Nag ring naman bigla yung phone ni violet.
Tsk. Xander nanamn. Parang kailan lang mag kaaway tapos ngayun sila na.
Haist.
"So Ash. Yung kapatid mo may boyfie na pala, ikaw napagiwanan na" mapangasar na sabi ni jes.
"Di ko kasi kailangan ng boyfriend. Sagabal lang sila." Sabi ko pero nakatingin lang ako sa libro.
"Eh paano ka ba naman mag kakaroon ng boyfriend eh ganyan ka. Di mo nga ako mapantayan eh. Syempre kaillanganmo muna gumanda."
I looked at her.
FYI natalo ko kaya sya sa pageant sa school dati. Kasabay nun ay ang pagdating ni leo kasama ang oagkain.
"Di naman kita kailnang pantayan dahil, bata palang tayo, wala ka na sa kalinkingan ko. "Isaid with no emotions.
Narinig ko naman na nag bye na si violet ka y xander.
Inis ang nakita ko sakanya. Pikon.
"Kung maganda ka nga , dapat ikaw na yung pinili ni Warren not me." She said while flipping her hair.
"Sabi nga ni Candice Gonzales sa the good girls revenge ni blue_maiden 'Talo ng malalanding tulad mo ang magagandang tulad ko.'"
I heard leo said 'burn'
Tinignan ko naman si lance akala ko pipigilan nya si jes pero hindi.
"Now if wala ka ng magandang sasabihin. Gutom na ako. At wag muna akong istorbohin , dahil di ako mag dadalawang isip na ingudngud kita sa pagkaing kinakain mo."
Wala eh gutom na ako.
Di na nga sya nag salita, ang kaso nag ingay sya .
Tinatawag nyang babe si lance.
Naknang.
Grr.
"Hey, you ok?" Tanong saakin ni leo.
Tumungo nqlqng ako. May laman kasi yung bibig ko eh.
"Nga pala. May regalo ako sayo." He said tska nilabas ang maliit na box sa bulsa nya.
Inilabas nya mula doon ang isang kwintas.
Hala ang ganda.
"There, sabi ko na nga ba bagay sayo eh."
Napangiti ako.
"Aww, ang sweet nyo naman. Ako kuya wala?" Pagbibiro ni violet.
"Hahaha, syempre wala." Hahahaha.
I looked at violet she is really pissed of.
"Juke lang , ito oh. I know you like chocolates. Here"
Binigay nya kay violet yung chocolate. Wow, galing korea pa.
"Thank you kuya lion!" Hahaha.
"Hey. Thank you. Ang ganda. "
Ngumiti sya." It suits you naman eh silver."
Ge sya na.
"Tsk." Nilingon nila si lance. Ako naman ay bumalik na sa pagkain ko.
Napaisip ako.
Hmmm.
I texted yung number ni lance yung ginamit nya nung sinabihan nya ako ng tanga.
I said hi.
Then suddenly nag vibrate yung phone nya.
He looked at me.
I recieved a text.
Bakit?
(Baguhin ko lang.)
Me:why?
Him:tinagalog mo lang. stupid
Me: tsk. Bakit ka nakipagbalikan kay jes?
Him:bakit, paki mo?
Me:well worried lang ako.
Him: bakit sino ka ba sa buhay ko?Then it hit me.
Sino ako? Naging kaibigan mo ako. Letse.
Tumayo ako at pumunta ng restroom.
Chinecked ko kung walang tao. At nilock ito.
"Letse ka! Tatanungin mo ako kung sino ako sa buhay mo?! Bwisit ka, oo alam kong nasaktan kita pero, nabiktima lang rin ako. Kung galit ka man , sana kahit ganon wag mo paring kalimutan na naging kaibigan kita!! Bwisit ka!!!" Isaid then i punch the mirror.
Masakit. Di yung kamay ko yung nararamdaman ko.
Dumudugo ang kamay ko. May dugo rin sa salamin, basag rin ito. Nakakainis.
Kumuha ako ng tissue at pinahid yun sa sugat ko.
Umiiyak ako? Hindi.
I was crying emotionally not physically.
Then natandaan ko yung sinabi nya sa sulat.
Strangers pala? Tsk.
Kung yan ang gusto mo.
I texted him.
Me:I remember what you said sa sulat. Kung yan ang gusto mo. Syempre unfair naman na ako lang yung nag papahalaga sa pinagsamahan natin bilang magkaibigan. We'll treat each other a strangers then. Pero ..... di ko padin itatapon ang pinagsamahan natin bilang best f. Dahil di ako tulad mo..
Sent.
Then nag hugas ako ng kamay.Bumalik ako sa pwesto namin, tinago ko yung kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko.
"Tagal mo naman ate"then tumayo sya at naglakad papunta sa banyo
. Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa counter.
"Yes miss?"
"Magkano yung salamin nyo dito?"
Tila naguluhan sya." Yung salamin nyo sa c.r"
"Ahh, di ko po alam. Teka, b-bakit po?"
Naglabas ako ng 3k.
"Binasag ko yung salamin. Bayad ko doon. Para walang demadahan."
Tumungo nalang sya.
Umupo ako at kumain pero kaliwang kamay ko na ang ginagamit ko.
"Ate. Let me see." Bungad saakin ni violet.
"Ano yun?" Tanong ni leo. Nanahimik rin si jess.
"Let me see. "
Hinila nya ako sa kanang kamay ko , shit.
Lumabas kami , at tumayo doon sa gilid ng pinto.
"Bakit mo pinagtripan yung salamin?" Alala nyang tanong.
Buti nalang at nakatalikod ako sa glass window , at di nila makikita kung ano man ang lungkot sa mukha ko.
Tumulo na ang luha ko.
Walang ano ano qy niyakap ako ni violet.
"Ate , i saw blood sa c.r. I know its you. Bakit mo pinagtripan ang salamin? Wala tayo sa bahay . "There's sweetness in her words.
Pinagsusuntok ko kasi yung pader sa bahay namin dati, nung nag aaway sila mama. Kaya nagmanhid yung kamay ko.
Buti na nga lang eh kahit anong sugat ng kamay ko , nawawala ito at di nag iiwan ng scar. At malambot pa rin to.
"Halika na. Pasok na uli tayo-"
"No. Ikaw nalang bibili muna ako ng alcohol para dito. Kuhain mo nalang yung bag ko." Isaid.
Then naghintay nalang ako sakanya.
Imbes na si violet ang lumabas , si leo ang nakita kong mayhawak ng bag ko,
"Why did you do,that? ". He said then looked at my hand.
"Ok lang ako. "
Niyakap nya ako." You shouldn't do that ok? "
"Opo."
I was on my way , but then my phone vibrate.
From: Him
Stanger nalang ba talaga?What the fudge ?
Sya yung maygusto tapos nung nag agree na ako, mag tatanong sya saakin .
Bwisit.
To: Him
You asked for it. Besides, wala naman na ako sa buhay mo right?
![](https://img.wattpad.com/cover/110712235-288-k256277.jpg)
BINABASA MO ANG
Just bestfriends
Teen FictionKaibigan o kai-bigan? Mag best friend sila. Yung isa na fall ngunit di nasalo. Anong mangyayari?