Sorry ulit sa mga mura ni Dj sa previous chapter ha? Tense kasi siya. pagpasensyahan nyo na ang mahal ko. XD CHOS! HAHAHA! Sorry po. Nangangarap lang. :DD
Enjoy! :)))
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 8
JAM's P.O.V:
Nasaktan ako sa sinigaw ni Dj kanina sa cr. Murahin ba naman kasi ako? Bakit naman niya ako mumurahin, eh wala naman akong ginagawa sa kanya.
Oa ko magreact ano? Minura lang naman ako. Parang hindi ako sanay magmura? Tss. Nakakabaliw. Hanggang ngayon umiiyak padin ako. BAKIT NGA BA AKO UMIIYAK?! Aiish.
May nararamdaman akong lumalapit, pakiramdam ko si Dj. Pero bakit hindi nagsasalita? Lilingon na sana ako ng bigla siyang napasabi o napasigaw ng..
"NAGSESELOS AKO! SHIT!"
Nagseselos? Kanino? At sinong pinagseselosan?
Bigla ko siyang tinanong kung kanino at hindi na ako nahiyang umiiyak ako sa harap niya. Magagawa ko? E siya may dahil nito. Tss.
Mukha namang nagulat siya sa pagkakatanong ko at hindi ako masagot.
Umiiyak pa din ako. BAKIT?! Di ko mapigilan.. Lalo pa't nandito si Dj. Ewan ko. takte.
Baliw na ata ako. Ako magtatanong, ako din sasagot. Nakakatanga! >//<
Diniretso ko na siya..
"Ano? B-bat mo ko minura kanina nung nasa cr ka? A-anong nagawa ko s-sayo?" aiish. nauutal pa ko. Kasi e. Nakakainis naman, nararamdaman kong parang ayokong magalit siya sakin?! At the same time, nagagalit ako sa kanya dahil galit siya sakin. ANG GULO! >////<
"Hindi ko sinasadya yun Jam. Ano kase e... nag.. kase..." Ang gulo nga! ANG GULO kausap nito! Nakaka irita lang! Aiish!
"Ewan ko sayo!" yan na lang ang nasabi ko at pupunta na sana ako sa room kahit medyo late na ko.
Bigla niya akong inawat at sumigaw ng "JAM! NAGSESELOS AKO KAY MARK! SORRY!" at dahil hindi pa naman ako masyadong nakakalayo at tahimik naman sa lugar, narinig kong napabulong siya ng Sht. tapos natahimik ng konti.
Ako naman, hindi masyadong naprocess sa utak ko yung sinabi niya. Ano daw? Nagseselos siya kay Mark? Kaya naman pala e. Nangyari na kinatatakutan ko. Isang tanong na lang.. mahal na ba niya ko?
nang marinig kong napabulong siya ng..
"Jam.. Mahal n-b-- ---ta?."
Hindi ko kasi masyadong naintindihan kaya ang narinig ko lang at yung Mahal at yung Ta na halata namang Kita yun. Di ko napigilan...
"A-anong sabi mo DJ?" tinanong ko siya.
"S-sabi ko nagseselos ako kay Mark..." sabi niya ng hindi nakatingin sakin. Naiilang siguro.
"Hindi yun. Yung huli mong sinabi.. Ano yun??"
mukhang napa-isip siya na nagulat na ewan ko ba.
"Ha? W-wala naman akong sinabing iba e." sabay tingin sakin ng nagtataka at parang natatakot.
"Hindi. Meron eh. Sinabi mo pa nga ang pangalan ko.." sabi ko.
Medyo lumiwanag na siguro ang mukha ko. Wala na kasi akong nararamdamang galit. Ewan ko ba.
Gusto kong makumpirma yung narinig ko..
"Dj.. Ano sabi yun?" pangungulit ko pero seryoso ako.
"Ah eh.. Narinig mo pala yun? Kase.. Jam.. Di ako sigurado. Ngayon ko lang naramdaman to. Di ko pa alam kung masasabi ko na ba sayong...
Mahal kita talaga.."
"Ah.." parang naubusan ako ng salita. Walang lumalabas sa bibig ko pero may gusto akong sabihin... Ang mga salita na naririnig ko sa utak ko, ang mga salitang narinig ko sa kanya, at ang mga salitang matagal ko nang alam...
ang mga salitang "Mahal Kita.."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Echoseraaaa! LOL. Hahaha! Sorry kung Maikli.. :D
Wag sana kayong magagalit ha? Next Chapter.......... HAHA! >:D
baka sabihin nyong PAASA ako. LOL. HAHAHAHA!
COMMENT. VOTE. Be A Fan. Thank You! :DD
xoxo
Jamie
![](https://img.wattpad.com/cover/1195461-288-k740627.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Conquers Stupidity [ON HOLD]
Teen Fiction#LCS || Si Jam, isang napaka malas na babae na ipinakilala ng tadhana kay Daniel, ang dreamboy, hearthrob, campus crush, mr. brightside at napaka yabang na nilalang sa pinagaaralan ni Jam. How will fate write their story? Will it be tragic, extraord...