Chapter 4

14 1 0
                                    

Chapter 4 | Strangers

Rachelle's POV

Halos pagod ako ngayong araw na ito dahil sa dami ng inasikaso ko...kung bakit kasi hindi pa nage-ellect ng Vice President at secretary edi sana ngayon may katuwang na ako dito

Malapit na rin kasi ang intramurals, ewan ko ba eh samantalang last year wala naman ganitong okasyon dati sapat na yung foundation dapat dun na lang din ginanap ang mga palaro pero ngayon binukod nila masyadong umasenso ang school namin

At next week birthday ko na
March 25 buti pa mga kaklase ko naalala eh samantalang ako hindi dahil puro papel nasa harapan ko

Pagpasok ko ng office nasa loob na si jasmine at busy sa kaniyang gawain, running for secretary siya pero parang secretry na siya pero pag kailangan ko naman siya ay wala siya

Dumiretso ako sa table ko at nag-unat muna bago ulit simulan ang mga gawain
Narinig kong tumikhim sj jasmine at may inabot sya sa aking papel

"Ano to?"
Takang tanong ko sa kanya

"Ahh kasi nakita ko yan dito nakapatong sa lamesa ko pero siguro namali ng pagpapatungan para sayo ata yan"
Ani ni jasmine

Tiningnan ko yung papel
Meron na naman?
nung nakaraan ganito rin ang nakalagay sa papel.... ngayon ganito din

'See yah in your birthday in old building rooftop'

Yun lang at walang clue kung kanino galing nakakapagtaka ano to? Dalawang magkaibang imbitasyon sa kaarawan ko ano to surprise party?

Pupunta ba ako? O hindi?
What if?....

Nah!!

That's imposible sino naman ang gagawa ng ganon sa akin tsaka wala naman sigurong may galit sa akin dito sa school, lahat naman sila pinakitaan ko ng maganda

Humugot na lang ako ng hininga
Bahala na

Lumipas ang mga araw at naisagawa ang intramurals ng maganda at maayos naging masaya naman ang mga studyante kaya palagay ko ay successful ito.

But may part sa akin na kinakabahan ako
Birthday ko na next week, ano kaya ang mangyayari ayoko naman mag-predict kasi i have no idea kung kanino galing ang mga invitations maybe sa mga teachers or friends either.

Nagkibit-balikat na lang ako
At tinahak na ang pasilyo papunta sa susunod kong klase
Normal lang ang araw na ito para sa iba pero sa akin dahil may gumugulo talaga sa isipan ko

Mas lalo akong naging balisa nang pati sa klase kanina ay lutang ako halos di ko namalayan na tinawag ako sa recitation, ni hindi ko alam na may recitation kaya nabigla ako pero buti na lang ay may naisagot ako

Pumila na ako sa canteen para bumili ng pagkain
Ganito lang ako, di ko masabi na loner ako siguro... May mga kaybigan ako madami pero pag ganitong normal day ay wala akong kasama lagi akong mag-isa well di ko naman na din kailangan kasi kung magkakaroon man eh maiiwan ko din sya pag kailangan ako sa office.

Wala akong kasabay kumain ngayon dahil konti lang ang tao sa canteen
Ilalagay ko na sana ang earphones ko sa tenga ko ng may tumabing apat na babae sa akin

Well familiar sila dahil sa nakikita ko sila lagi at magkaka-year level kami pero di ko alam mga pangalan nila

"Pwedeng maki-table? Wala ka naman kasabay kumain eh"
Tanong ng babaeng morena, mapungay at singkit ang mata at matangos ang ilong

Nagkibit balikat ako
"Okay nandyan na din naman kayo eh"
Sabi ko oops di ko sadya maging rude sa kanila

Well i aminin ko ganto ako sa mga di ko kilala maybe
Cold or rude

Tumikhim ang isa sa kanila
Na maputi at medyo kulot ang bandang ibaba ng buhok
Maamo ang mukha ng isang ito at matangos din ang ilong kung iisipin ay may lahi ito

"By the way I'm keizha"
Pagpapakilala nya sa sarili nya
"This is audrey"
Pakilala nya sa katabi nya na kumausap sakin kanina
"This is allen"
Turo nya sa kabilang side nya
Maputi din ito at mahaba ang buhok medyo halata na may kasungitan ito dahil sa kanyang mata pero binigyan niya ako ng matamis na ngiti
"And this is rhane"
Turo naman nya sa katabi ko
Nakasalamin ito ay naka- ponytail ang kanyang buhok at medyo kulot din

"Nice meeting you all... I'm-"

"We know you, you're Rachelle you are the president right?"
Pagputol nya sa sinasabi ko kanina

Tumango ako at di na nagsalita
Nagusap sila about sa naganap  na intramurals nakikisama ako pero di ako masyado nakikipagtwanan...i'm not comfortable we're strangers

And i don't know if they are good stranger so i won't trust them.

Friend of mineWhere stories live. Discover now