Chapter 23

8 6 0
                                    

Chapter 23 | you're safe princess

Keizhas's POV

magkaiba ang juniors grad ball sa juniors promenade

Ang juniors prom kasi ay ang pagpasa ng torch, at may mga speech, etc....pero sa grad ball naman ay may speech ito at tungkol iyon sa pasasalamat sa mga guro at mga studyanteng nagaral sa aming paaralan, meron ding mga kantahan, kwentuhan, syempre ang buffet, sayawan slow dance man o hard, at syempre ang di mamawala sa party ang SHOT o alcohol

Natapos na ang speech ng principal, at ng valedictorian namin para sa pasasalamat
Nag umpisa nang dumilim lalo ang kalangitan, at nagsimula na ang kainan.

Itsura palang ng mga buffet ay masasarap ito, may mga pamilyar ako sa pagkain at meron hindi, kumuha na lang ako ng lasagna, pasta, at 3 pirasong macaroons, kumuha din ako ng juice, softdrinks at gatas....ewan bat may sterilized milk dito. Kumuha na lang ako parang masasayang lang dahil, walang kumukuha eh

Pagbalik ko sa mesa ay nakita kong pasta lang ang laman ng plato nila at juice ang nakapatong sa mesa sa harapan nila... napatingin sila sa plato ko
"Sigurado ka bang mauubos mo yan keizha?? Kumain ka ba sa inyo??" Tanong ni allen sa akin

I shrugged " kumain naman, pero kasi last na nating party toh sa school, kaya nilubos ko na ang mga masasarap na pagkain" sabi ko sa kanila

Umiling na lang sila at nagsimula nang kumain
"Oopss!" Sabi ng emcee sa stage
"Bago kumain pasalamat muna tayo kay God....... may i call the student council president"

Di sana ako makikinig sa prayer, pero nang narinig ko na si Rachelle ang mag-lead ng prayer ay umayos ako ng upo, ganon din sina allen at rhane

Kinuha ni rachelle ang microphone sa emcee
" first of all, thank you God dahil tinipon mo kaming mga mag-aaral at mga guro sa araw na ito para sa aming grad ball, salamat po sa mga pagkain, salamat din po sa mga panahon itong paaralan na ito ay minsan na naming naging tahanan, In Jesus name, Amen"

Pagkatapos magdasal ay nagsimula na ang kainan, at the same time ay unti-unti nang nag-dim ang lights, buti na lang at mabilis kong natapos ang kinakain ko, uminom ako ng ice tea at umupo ng maayos, pinasadahan ko ng tingin ang crowd, nagsimula ng tumugtog ang kantang pang- party at nag-iiba iba na ang kulay ng mga ilaw at pinaandar na ang malaking disco lights.....nagtatalunan at nagsasayawan ang mga studyante, at lalo pang umingay dahil sa sigawan nila

"Whooooo" sigaw ni allen
"This is the best party sa school ever" nakitalon talon siya at hinila si Rhane sa crowd
Tumawa na lang ako dahil ang mukha ni Rhane ay priceless dahil sa paghila sa kanya ni allen

"Hi!"

"Hi!" Bati ko kay Rachelle, naka beige cocktail dress sya at nakakulot ang buhok nya
"Ano?? Maganda ba ang party??" Tanong nya
"Yeh!! Ang successful nag-enjoy lahat" i smiled at her

Magsasalita pa sana ako pero bigla nya akong niyakap
"Rachelle??"

"Thank you sa lahat keizha... " humarap sya sa akin " I love you Best friend" my jaw dropped

Bago pa ako makapagsalita uli ay niyakap nya uli ako, i hugged her back

Ang gaan talaga sa pakiramdam kapag ang best friend mo ang kayakap mo at kasama mo

Hinila nya ako sa crowd at nakisaya kami sa mga studyanteng nagsasaya

Kaya pala maingay ay sa bandang gitna ay may grupo ng mga lalaking nakabilog at nagsasayawan, sa gitna ng bilog ay may mga nag-showdown
Naki-tawa na lang ako kasi parang lasing na ang isang lalaki, na kung di ako nagkakamali ay si Jayson Alminar, ang Cassonva ng school

Umiling iling na lang ako, nawala sa tabi ko si Rachelle kaya bumalik na lang ako sa table
May mga kakilala ako na binati ako at nakipag-beso

Pagbalik ko sa table namin ay nahagip ng paningin ko ang lalaking naka black tuxedo at medyo magulo ang buhok, or talagang nagulo lang dahil kanina, nang sinundo nya ako ay maayos iyon, pero bagay naman sa kanya eh

Nagtagpo ang mga mata namin at sa di ko mapaliwanag ay lumundag ang puso ko

Pero akala ko ay wala na, pero habang papalapit ako sa mesa ay

*lub dub* lub dub* lub dub*

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at umupo sa katapat nyang upuan,

"Ehem! Haggard ka na ahh, masyado kang nagpawis" sabi nya sa akin, pupunasan nya sana ang pawis sa noo ko pero umilag ako " ako na may tissue ako" ngumiti ako sa kanya

May lumapit na photographer sa amin " picture" sabi nya.
Lumipat sa tabi ko si Jhesrael
"Smile" sabi ng photographer
Ngumiti ako at nag thumbs-up si jhesrael
"Okay nice shot" sabi ng photographer bago umalis

Humarap ako sa mesa at kukunin ko sana ang sterelize milk, pero nahawakan na ito ni jhes
"Ako na nagbubukas!" Sabi nya

Di na ako nakipagtalo at
Pinanood ko na lang syang ipasok ang straw sa gatas, napansin ko na may sing-sing sya sa index finger niya, may sing-sing din ako sa index finger ko, pero magkaiba kami

Nang napasok nya na ang straw ay kukunin ko na sana ang gatas sa kamay nya, pero sumipsip sya doon

Lumaki ang mata ko
"Akin na yan!" Irita kong sabi

Nag wait sign sya sa akin
Ngumuso ako, kaasar talaga tong lalaki na ito!!!
Nang napansin nya na nakatingin ako sa kanya ay iniabot nya sa akin
"Tinikman ko lang baka may lason!" Aniya

I roll my eyes, hinablot ko sa kanya ang gatas at inubos ito

"Restroom lang!" Sabi nya

"Ako din!" Sa kaliwa ang restroom ng lalaki at ang babae sa kanan kaya magkaibang direksyon ang tinahak namin
Pagpasok ko sa loob ay nag-retouch, at nag-pee, nang makuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako, nakasalubong ko sina bea at sheena at nagbeso kami

Aalis na sana ako ng humarang sa harap ko ang matangkad na lalaking, naka suit and tie at messy hair....

"May i ?" Tanong nya sabay lahad ng kamay, pinatong ko ang kamay ko sa kamay nya at dinala nya ako sa may bandang gilid ng quad

Well classmate ko si Jayson Alminar noong freshman pa ako, pero di ko ito masyadong kinakausap.
Pinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat nya
at ang kamay nya ay nasa baywang ko

"So ? musta ang party.?" Tanong nya

"Ok lang masaya" sabi ko, di ako makatingin sa kanya at palinga linga ako

"Hey...." tawag nya sa akin. " ako ang kasayaw mo pero mukhang sa iba atensyon mo ah"

Umiling ako at ngumiti
"Alam mo ba?" Panimula niya...pansin ko na humigpit ang pagkakahawak nya sa baywang ko
"Na....noon pa lang gusto na kita!" Napatingin ako sa kanya
"HUH!" Alam ko ang sinabi nya pero gusto ko lang malinawan
he leaned forward to me at humigpit pa lalo ang hawak nya sa waist ko "gusto kita"bulong nya sa tenga ko, nagtaasan ang mga balahibo ko

Nagiba na ang tugtog at pang party na ito pero di parin ako binibitawan ni jasyon
"Aalis na ako" sabi ko sa kanya
Pero nilapit nya pa lalo ang katawan nya sa akin at nilapit ang mukha nya....
Sinampal ko siya pero di siya natinag, nagpumiglas ako
"ANO BA!!.........BITAWAN MO AKO SABI.......AHHHHHHHH!!" Sigaw ako ng sigaw pero nonsense dahil sobrang ingay at nasa corner pa kami

Tinulak tulak ko siya pero sadyang matigas ang katawan nya, hinawakan nya ang batok ko at lumapit para halikan ako pero, bago pa nya ako mahalikan, ay may malakas na suntok ang sumapo sa mukha nya kaya napatumba siya

Hinila ako ni Jhesrael at hinagkan ako ng bisig nya, hikbi parin ako ng hikbi, binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib

"Ssshhh...." hinaplos nya ang buhok ko " you're safe princess.. your okay now" sabi nya at hinalikan ang buhok ko

Friend of mineWhere stories live. Discover now