Chapter 29| Forgive me
Jonathan's POV
Naalingpungatan ako ng maramdaman ko na umuugong ang kama ko
Pag tingin ko ay ang cellphone ko pala, nag flash sa screen ang pangalan ni Rachelle na nakapangalang: ChellylyNapangisi na lang ako
"Good morning" sabi ko
"Wow husky pa ah.. Good morning"
"Tumawag ka ba para mang asar ano ba yun chelle?"
"Hhmm. Pwede na samahan mo ako bumisita kay keizha sa ospital??"Napangiti ako
"Oh sige haha"
"Hmm sige na bumangon ka na ahh"
"Okay po."Pinatay ko na ang linya at nag-ayos na, ewan ko kung bakit pero kapag si Rachelle ang may kaylangan, Pak agad ako hahay!!
Mabilis lang ako naligo at nagayos....di ko na sinabi na ako na ang pupunta sa bahay nila.
Naging mabilis din ang byahe ko dahil walang traffic. Mukhang pareha kami ng mood ng panahon ngayon ahhHabang nagpa-park ako sa tapat ng bahay nila ay sumisipol sipol pa ako, nakita ko siya na lumabas ng bahay, nakalugay lang ang mahaba at straight nyang buhok, naka white spaghetti strap sando lang sya, naka, dark blue jeans at snickers.
Lalo siyang gumaganda kapag simple lang ang ayos nya
Kinalilot nya ang cellphone nya ay may tinawagan, nag-ring anh cellphone ko"Hello" sabi ko ng nagpipigil ng tawa
"Saan mo ako sunduin"
"Dyan sa inyo actually nandito na ako"
Pagkasabi ko nun ay bumaba ako ng kotse ko at pinatunog ang alarm ng kotse para maagaw ko ang pansin nyaNapanganga sya ng makita nya ako, di ko alam kung dahil sa black jeans at blue shirt na suot ko o sa Kotse kong Mercedes Benz's
"May ganto ka pa lang kotse!!" Mangha nya sabi
Okay sa kotse jonathan hindi sayo
"Ah oo minsan ko lang gamitin to eh" nagkibit ako ng balikat
"Sana pala yung Chevrolet na lang dinala ko para ako napansin mo" bulong ko sa sarili ko"Ano yun jonathan?" Tanong nya
"Ah wala tara na, bakit ba bibisita ka? Eh kakabisita mo lang kahapon ah?"
"Eh baka mamaya kasi magising na sya, gusto ko nandun ako tsaka dalawang araw na syang tulog"Tumango na lang ako pinagbuksan ko siya ng pintuan at nang makapasok na siya ay umikot na ako para pumasok sa drivers seat
Mga busina lang sa labas ang naririnig namin dahil sa tahimik lang kami...... Kung kanina ay halos walang traffic ngayon naman halos di na umuusad ang mga kotse, napatingin ako kay Rachelle na nakatingin sa Bintana na mukhang malalim ang iniisip
Bakit ba ganto. Bakla na ba ako? Alam ko babae lang nakakadama nito ah? But bakit may butterfly sa stomach ko........
*BEEEEEPPPP*
Halos mapatalon ako ng nag green light na pala, pinaandar ko agad ang kotse kaya na-out of balance si Rachelle
"Ba yan jonathan! San ka ba nakatingin at para wala ka sa sarili!"
"Sayo!" Bulong ko uli
"Ano? Pwede ba wag ka bumulong ano ka bubuyog?"Napahalakhak na lang ako sa sinabi nya...at inirapan nya ako
Magsasalita na sana ako pero nag-vibrate ang cellphone"Hello.......opo.........PO!!!!! pero diba.......sige po papunta na din kami doon"
Nang binaba ko ang tawag ay minadali ko na ang pag-drive
"Ano yun jonathan?"
"Si dad! Nakatakas sa kulungan at nasa ospital sya ngayon kung nasan si keizha!"
"Sht!"Di ko na sya sinagot ako tinuon ko ang pagmamaneho. Pagdating namin sa ospital ay agad kaming tumakbo sa kwarto mo keizha
Pero hinarangan kami ng mga police
"Sir! Anak nya ako" protesta ko
"Sir hindi pwede......"
Di ko na pinatapos ang police at dumiretso ako sa loobBumungad sa akin si dad na naka-upo sa upuan sa tabi ni keizha at nakahawak ang kamay nya sa dextrose ni keizha
Akala ko kung ano na ang gagawin nya pero nagulat ako ng magsalita, nakatalikod sya sa akin kaya di nya ako nakita"Di ko alam kung paano....at di ko alam kung naririnig mo ako,pero nagsisi na ako, tama ka......problema namin ito magkakaibigan, dapat kami ang nag-ayos nito nang una palang, at muli tama ka..... Walang may gusto sa nangyari lahat ay aksidente at walang may gusto doon, sana naririnig mo ako keizha, sorry sa nagawa ko sayo...... Pati sa mga kaybigan mong nadamay sa gulo.......nabalot ako ng galit......"
Humagulgol si daddy at hawak pa din nya ang kamay ni keizha"Dad.....sa tingin kahit tulog sya naririnig ka nya!"
Humarap sya sa akin at nagulat pero lumambing ang titig nya sa akin
"Anak patawarin mo ako, i know it's too late for me, to forgive, but please son, forgive me!!"
Lumuhod sa harapan ko si daddy"Dad!" Tinulungan ko syang tumayo " dad kahit na di mo ako tunay na anak, dad always remember I'm always here. And i will always forgive you. But dad di ka lang sa akin hihingi nga tawad"
Niyakap ako ni daddy at sabay kaming lumabas
Tumakbo ang mga police papalapit sa amin para sana igapos si daddy pero pinigilan ko silaLumuhod si daddy sa harap nina Rachelle, tito ezekiel at Richard
"Please...... Forgive me"
Rachelle's POV
"Please...... Forgive me!" Nagulat ako nang lumuhod si tito Joseph sa harap ko
"Rachelle, ezekiel, richard. Di ko alam kung mapapatawad nyo pa ako sa nagawa ko, tama kayo dapat di ko na dinamay ang mga bata......Rachelle, pls forgive me I'm so so sorry, ezekiel sorry tungkol kay keizha, at richard sorry kung ang anak mo ang napagbuntungan ko, sorry"
Mangiyak ngiyak na sabi nyaTumingin ako kay tito ezekiel at dad na ngayon nakangiti sa akin, tumango sa akin si daddy
"Kung ggising si keizha ngayon, sigurado akong napatawad ka na nya, kung ang diyos nga nagpapatawad, tao pa kaya"
Sabi ko kay tito joseph na nagpa-angat ng tingin"Salamat" sabi nya sabay yakap sa akin
"Pero tito joseph, kelangan mo harapin ang kaparusahan mo....."
"Oo rachelle, kusa akong sasama sa mga police"
Sabi nya, nya ang pansin nya kay daddy at tito ezekiel, naglahad ng kamay si daddy pero hinigit sya ni tito joseph at niyakap, ganon din si tito EzekielNagyakapan sila at nagiyakan
"Iba talaga kapag tunay na mga kaybigan noh?" Bulong ni jonathan sa akin
Napangiti na lang ako
"Oo"Oo. Iba talaga kapag tunay na kaybigan, sabi nga sa kanya kahit ilang taon pa kayo naghiwalay ng kaybigan mo sa huli, sya pa din.
Kahit na madaming napagdaanan, maayos at maayos din itoHinawakan na ng police si tito joseph at nilagyan ng posas
Ngumiti sya, bago umalis
YOU ARE READING
Friend of mine
Mystery / ThrillerFriend Sila yung mga taong laging nandiyan para sa'yo. Mga taong handa kang saluhin sa lahat ng pagkakataon. At yung mga taoong kahit anong mangyari ay hindi ka iiwan. Sa buhay natin, minsan ka lang makatatagpo ng totoong kaibigan, kaya nga sabi ni...