Chapter 8

6 1 0
                                    

Chapter 8 | Vargas

Keizha's POV

Nang sinabe sa akin ni daddy yun ay madaming pumasok sa utak ko na katanungan

Magkakilala ba ang mga tatay namin? Magkaybigan ba sila? Bat di sinabe ito ni rachelle sa akin, sa amin? Itutuloy pa ba namin ang plano namin? Dahil sabi ni dad na wag ako gagawa ng gulo na kasama siya

"Si Richard Elizalde ang kanyang ama laging nababanggit ni Richard si Rachelle sa amin at nabanggit nito na presidente nga ito ng school niyo, anak keizha ang punto ko, malapit na magkaibigan ang papa ni rachelle at ako kaya anak ayoko na marinig na nag-away kayo o ano dahil ayoko na magulo lahat.....at"
Napasinghap si daddy

At.....

"At nung nakaraang buwan si Richard nagkaroon ng di pagkakaintindihan sa tumatayong leader ng grupo namin. Ang narinig ko keizha, maghihiganti si Joseph at ang anak nito ang gagamitin niya, at dahil anak niya ang gagawa ng pagganti anak din ni Richard ang pag-iinitan nito. At ayon din sa narinig ko eh ka-schoolmate nyo lang din ang anak ni Joseph"

Halos nanlaki ang mga mata ko
Sabi na nga ba at may koneksyon ito doon. So ang ibig sabihin kung sino man ang JJJ na yun, eh malamang ang isa sa kanila ay anak nitong Joseph??

"Dy? Ano apelyido nang Joseph?"
Tanong ko kay daddy
"Joseph Vargas" pagsabi no daddy ng buong pangalan nya ay naalala ko si Jonathan hindi kaya?

Pero imposible, kahit na siga siga yun wala naman inaapi yun
"Dad may kilala akong Vargas ang apelyido, alam nyo ba ang pangalan ng anak niya?"
Tanong ko kay daddy na napaisip sa tanong ko

"Hindi ko alam keizha wala naman ito nabanggit sa personal nyang buhay, tsaka anak madami ang may apelyidong Vargas sa lugar natin, eh malamang sa school nyo meron pa, di mo lang mga kilala" sagot ni daddy sa akin

Tama nga ata si daddy maaaring coincidence lang lahat at nagkataon na ka-apelyido ito ni jonathan

Kinausap ko si daddy tungkol sa bagay na dapat ay gagawin namin kay Rachelle, una ay nagalit siya, pero sa huli ay pinagsabihan na lang ako nito na itigil na ito para walang gulo

Babanggitin ko sana kay daddy yung tungkol sa pagbigay ng invitation kay rachelle na galing sa JJJ, pero may tumawag sa kanya at agaran itong umalis

"Ingat ka Ezikiel ahh"
Paalam ni mommy kay daddy
"Ikaw din Eden, kayo ni keizha"
Hinalikan ni daddy sa pisngi at hinalikan ako ni daddy sa noo

"Mommy, pupunta lang po ako kila audrey ahh"
Paalam ko kay mommy
"Sige anak wag kang magpapagabi ahh"
Agad din akong umalis naka-ligo naman ako kanina at maayos naman ang suot ko, kaya dumiretso na ako

Tinawagan ko sina rhane na pumunta sa bahay nila audrey
Pero tumanggi si audrey na sa bahay nila, kaya sa mall na lang uli kami nag kita-kita

Pagdating nila ay agad kong sinabi sa kanila ang desisyon at ang dahilan kung bakit
"Ayun guys, kaya napagdesisyunan ko na wag na lang natin yun ituloy, para di na tayo madamay sa gulo ng pamilya nila rachelle"
Pagpapaliwanag ko
"Ehh keizha?? Pano yung JJJ??"
Tanong ni allen

Oo nga pala nakalimutan ko
"Baka ang isa sa JJJ ay anak ni Joseph Vargas, yung tumatayong leader ng mafia group"

"Ahhh" sabi ni allen
"Wait?? Vargas??, eh diba si jonathan?"
Natigilan ako maski si allen sa sinabe ni rhane
"Naisip ko na yan rhane, pero baka tama si daddy na nagkataon lang na naging pareha sila ng apelyido"

Nagkibit balikat silang dalawa
"Pero ganto guys i-surprisena lang natin si Rachelle pero doon pa din, pero dapat agahan natin para tayo ang mauna, at di na natin siya papa-akyatin dun pagtapos, at babantayan natin ang kilos nila Jonathan kung sakali" pagpapaliwanag ko sa kanila

"Oo nga girl" ani ni allen "Jonathan, Joshua, Jhesrael, JJJ.....
Omay geez.... Nakakaloka"

Maski ako naloloka sa mga nangyayari napatingin ako kay audrey na kanina pa walang kibo

"Audrey!!"
Pagbasag ko sa katahimikan niya
Napa-angat ang tingin nya sa akin at nakita ko ang malungkot na mga mata
"Bat ang tahimik mo??" Tanong ko "may problema ba??" Tanong ko ulit

Bumuntong hininga sya
"Guys kaya di ko kayo pinapunta sa bahay kasi wala ni isang gamit na natira dun, lahat nasa truck na at bumabyahe na patungo sa cebu, aalis na kami mamayang gabi, naayos na ni mom and dad ang mga requirements ko sa school, aalis na ako" tumulo ang luha ni audrey at dinaluhan namin siya

"Girl naintindihan ka namin, basta may communication naman eh, skype, facebook, text ahh"

At nagyakapan kami, hinatid namin si audrey sa sasakyan na pinapunta ng daddy niya at umalis na ito

"Nabawasan na tayo ng isa mga bes!!! Huhuhuhuh.......ARAY!! BAKIT BA?"
Naputol ang pagdadrama ni allen kasi binatukan siya ni rhane
"Drama mo mag audition ka na!"

Nabawasan na kami, pero ok na yun para din makaiwas si audrey sa gulo dito

See you again my dear friend

Friend of mineWhere stories live. Discover now