Pangalawang Liham
--
Dear Edgar,
Bukas na ang first day of class namin. :(
Kung bakit ":(" ang sinulat ko ay syempre, malungkot ako dahil unang pasukan na hindi tayo magkasama sa eskwelahan. Ikaw din ba nalulungkot diyan? Parehas tayo kung ganun.
Ay hala! sabi mo diba dati na kung malungkot ako, malungkot ka rin? Sige na nga pipilitin kong hindi na maging malungkot dahil ayokong malungkot ka.
Kinakabahan narin pala ako, wala akong ibang kilala sa bagong eskwelahan ko, naisip ko, naging sentro ka ng buhay ko at wala na akong ibang naging kaibigan kundi ikaw lang. Hahaha. Saklap eh no? Pero sure naman ako na makakahanap ako ng bagong kaibigan na magiging karamay ko sa school at kung may mahanap man ako, sasabihin ko agad sayo ha?
Nga pala, anong ginagawa mo diyan ngayon? Nakakamiss iyong mga panahong nag-uusap tayo bago magpasukan dahil parehas tayong excited at kinakabahan no? Naaalala mo ba noong third year tayo? mali iyong classroom na napasukan natin tapos para makaalis tayo sa room ay kunwareng mag-ccr tayo? hanggang ngayon natatawa parin ako pag naaalala iyon. Hahaha! :D
Sige na Ed, matutulog na ako ha? kailangan maaga ako bukas dahil wala akong kasamang pumunta sa school at maghahanap na ako ng bagong kaibigan, sana may makita ako no? hihi. Excited na ako.
Good night Edgar, Cathy is sleeping na.
Ps: Sorry kung ang random ng mga kwento ko ha? magdusa ka sa pag-babasa nito someday. bleh! :P
Love,
Cathy ♡
BINABASA MO ANG
Dear Edgar, Love Cathy ♡
Short StoryA compilation of MayWard short stories & One shots ❤