Dear Edgar,
Halos isang linggo din ako hindi nakakasulat sayo, sorry ha? sa totoo lang kasi naguilty ako sa nangyari at sobrang nadepress ako sa nangyari. Hindi maintindihan ng iba kung bakit nag kaganoon ako dahil sa panyo.
Sorry din kung muntik na kami mag-away ni mama dahil lang doon, pero kalaunan ay naintindihan niya rin naman. Sinasabihan narin ako sa eskwelahan ako ng iba na ang weird ko daw at baliw na. Mahalaga sa akin ang gamit na 'yon. Importanteng tao ang nagbigay nun sa akin, hindi basta-basta panyo lang. Naiiyak na naman ako sa tuwing naaalala ko ito. (TTuTT)
PERO, Yehey! Nabalik na sa akin ang panyo mo Edgar! Oh diba? Kanina lang ay ibinigay sa akin ng lalaking lagi ko nakakasabay halos sa tren, remember him? Iyong sabi ko na kamukha mo kaso mas gwapo ka lang? Hehe. Siya ang nakapulot nito, nahulog ko daw pala sa tren noong araw na mawala ito. He tried naman daw na isauli kaso nakailang absent ako sa klase at hindi siya makahanap ng tsempo! Eh kanina nagkasabay kami sa tren ulit at naibalik niya na nga! Huhu.
Alam mo ba? Sa sobrang tuwa ko ay naiyak ako at alam kong nagulat siya sa naging reaksyon ko at malamang baliw narin ang tingin niya sa akin. Pero, di bale na! Malaki ang pasasalamat ko sakanya dahil ibinalik niya sa akin ang panyo mo, pangako hinding hindi ko na wawalain ito. ♡
Sige Edgar ha? Matutulog na ako dahil bukas mag-aaral akong gumawa ng cookies, balak ko bigyan iyong lalaki ng cookies para makapasalamat sa nagawa niyang kabutihan.(^^)
Good night sana ay wag ka ng mag-alala sa akin at sorry kung nadepress ako at sorry dahil matagal akong hindi nakasulat. Napahaba tuloy :-P
Miss na miss na kita Edgar ♡
Love,
Cathy تPS: Hindi ko nakuha ang pangalan ng lalaki pero tatanungin ko siya muli sa lunes ^^
BINABASA MO ANG
Dear Edgar, Love Cathy ♡
Short StoryA compilation of MayWard short stories & One shots ❤