Dear Edgar,
Kamusta? Ako, okay lang ako! Nakaka-adjust na ako sa bago kong eskwelahan at syempre masaya, totoong masaya ako dahil kasama ko si Vanessa, kasangga namin ang isa't-isa at unti-unti na nabubuo ang tiwala ko sakanya, Ikukuwento kita sakanya dahil curious narin siya sayo. hehe.
Naibigay ko na nga pala sa lalaki iyong cookies na ginawa ko, ayaw niya sana tanggapin kaso sinabi ko na pasasalamat ko iyon dahil sobrang pinasaya niya ako sa pagsauli niya ng panyo mo kaya tinanggap niya rin naman at ang sabi niya masarap ng iyong cookies na pati ang nanay niya at kapatid niya ay nagustuhan ito. Edward nga pala ang pangalan ng lalaki. Nakakatawa lang dahil parehas kayo "Ed", kamukha na nga aba may similarities pa kayo sa pangalan. Kulit. hehe.
Edgar, wala ka bang plano bisitahin ako? Hehe. Akala ko ba bibisita ka kung may pagkakataon?! Hmp, busy ka ba diyan at hindi mo ako mabisita? Namimiss na kita. Hindi mo ata ako miss eh :'(
Masyadong malayo at ayaw ni Mama na ako lang mag-isang pumunta kung nasaan ka ngayon kaya sabi niya sa semestral break nalang daw at sasamahan niya ako. Excited na tuloy ako kaso ang Tagal pa nun! >_< Tiis at enjoy na muna tayo ha?
Can't wait na maikwento ko saiyo sa personal ang mga ganap! Mas masaya pag personal pero romantic pag sa sulat! Haha.
Onga pala, baka hindi na muna ako makakasulat ha? exam na kasi namin at kailangan ko mag-aral ng mabuti! Char char.
Magsusulat ako muli pag tapos ng exam namin ha? Gagalingan ko syempre dahil isa ka sa mga inspirasyon ko! :)
Goodnight and see you soon Edgar.
Love,
Cathy♡
BINABASA MO ANG
Dear Edgar, Love Cathy ♡
Short StoryA compilation of MayWard short stories & One shots ❤