Hindi ko alam kung isa sa'min ang nakikipaglokohan ni Edward ngayon pero alam kong sa sarili kong hindi ako nagbibiro.
10:32am
Edward: Ano na?
Edward: Sabi ko na eh scam
Marydale: Scam mo mukha mo! Baka ikaw ang scam! Di bale na nga, I'm going inside!
Edward: Edi papasok din ako but I got to tell you, medyo sariwa pa sa'kin ang lahat ng ito. I just recently went out of the hospital.
Marydale: mamaya kana mag chat 🙄
-
Pinatay ko na muna ang data connection ng phone ko at pumasok na kami ni Pat sa loob ng hospital."Friend, akala ko ba magkikita kayo ni Edward?"
"Akala ko din friend kaso parang may mali" tugon ko
"May mali? Ano naman?"
"Hindi ko pa alam pero mas mabuti pang magtanong muna ako sa nurse station."
Napabuntong hininga ako habang papaakyat kami ng hagdan. Nanumbalik sa'kin ang araw noong birthday ko na naglalakad ako sa hagdan na'to mismo bitbit ang kakainin sana naming pagkain para sa selebrayon pero hindi nga natuloy dahil namatay si Mama.
Ang lungkot ng alaala na iyon na sobrang lumulungkot ang puso ko ngayon sa pag-aalala nito. Hay.
"Marydale?"
May tumawag sa'kin at naaalala ko siya. Siya si Fenech, nurse ni Mama.
"Uy, Fenech" sabay ngiti ko sakanya "Longtime no see ah" tugon ko rito.
"Onga. Ang tagal mo ng hindi nakadako dito ah. May binibisita ka ba?" Tanong nito sa'kin.
"Ah, actually may gusto lang akong tanungin." Sabay ngiti ko ng bahagya "May nais lang akong malaman tungkol sa isang tao" sabi ko "Baka kilala mo siya"
"Isang tao? S-sino?"
"Edward Barber" diretsong tugon ko at bahagyang gumuhit sakanyang mukha ang gulat.
"A-anong meron sakanya?"
"Kilala mo ba siya?"
"Si Edward? Oo, isa siya sa mga naging pasyente namin noon dito. Close sila ng mama mo" kwento nito.
Nagflashback sa'kin ang naging panaginip ko. Iyong last words ni Nanay na si Edward ang nagsabi sa'kin! Totoo ba talaga?
Parang gusto ko ng maniwalang totoo talaga itong lahat ngayon. Na totoo talaga ang panaginip na iyon.
"T-talaga? Na-nasaan siya? Nandito pa ba siya?" Tanong ko agad.
Para akong nabuhayan ng loob. At least masosolve ko na ang mga gumugulong problema sa utak ko.
"Namatay na siya"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sobra akong nagulat sa nalaman ko. Imposible.
"E-Edward Barber iyong hinahanap ko" pagklaro ko.
"Onga. Teka, may picture kami sa bulletin namin na naging inhouse patients." Sabi nito at naglakad kami papunta sa sinasabing bulletin board "Ito siya diba?"
Base sakanyang picture sa facebook ay ito na nga siya. Ito si Edward na nakakausap ko lagi sa messenger! No!
"B-bakit mo siya hinahanap?" Si Fenech
"Ah, may ichecheck lang kasi ako. Alam mo naman, sabi mo friend sila ni Mama" sabi ko sakanya at natawa ako kunyare. "S-sige Ms. Fenech!" Dali-dali akong napatalikod at naglakad kung nasaan si Pat pero..
BINABASA MO ANG
Dear Edgar, Love Cathy ♡
Short StoryA compilation of MayWard short stories & One shots ❤