•||▶ Pillow's Point Of View💮
Naghahanap ako ngayon ng available na table sa canteen ng biglang mahagip ng mata ko si blanket na nakapwesto na at wala naman syang katabi.
Palapit na sana ko nung nakita ko ang isang babae na tumabi sa kanya at nilagay na ang tray na may pagkain sa table nya at kinausap naman ito ni blanket. Nung nakita kong tumingin na saakin yung babae ay agad akong tumalikod at huminga ng malalim.
"Teka? diba sya yung kasama ni blanket sa mall?" tanong ko sa sarili ko.
"Pillow!" rinig kong tawag ni jun saakin sa di kalayuan na table. Ngitian ko naman sya at pumunta na sa pwesto nya.
Inorder na ko ng pagkain ni jun at sabay na kaming kumain. Napahinto ako sa pagkain ng may biglang pumasok sa isip ko. "Girlfriend ba sya ni blanket?" tanong ko sa sarili ko.
Tumingin ako sa pwesto nila at para naman akong nainis nung nakita kong nagsusubuan pa talaga sila. Teka? bakit ba ako naiinis? nagsese--- ay hindi! bakit naman ako magseselos e magkaibigan lang naman kami ni blanket at tsaka may jungkook na ako no.
"Ayos ka lang?" tanong ni jun. Tumango lang ako at kumain na ulit.
"BTW, bukas jun ah yung regalo ko." sabi ko sa kanya. "Oo naman. sure akong magugustuhan mo yon." sabi nya. Bigla namang kinilig yung buong katawan ko nung sinasabi nya yon habang nakatitig sa labi ko.
Jungkook / Jun bawal pa to!
•||▶ Blanket's Point Of View
"Insan si pillow oh." sabi saakin ni seulgi at tinuro pa kung saan nakapwesto si pillow.
Magkasama sila ni jun at sabay na kumakain. "Yaan mo siya." sabi ko at pinagpatuloy na yung pagkain.
"Sus selos ka lang e." sabi nitong pinsan ko. Agad ko namang kinuha yung kutsara nya at nilagyan ito ng maraming kanin at ulam tapos sinubo sa bunganga nya. "Ayan, kung ano-ano kasing pinagsasabi mo e hahaha." sabi ko habang pinagtatawan sya.
"Ikaw ah." sabi nya nung nalunok nya na yung pagkain. "Ikaw naman ang kumain." dagdag nya at sinubo saakin ang napakaraming kanin takte! walang ulam.
kumuha rin ako ng maraming kanin at pinasubo sa kanya. Hindi ako magpapatalo syempre hahahaha!
pero kay jun alam kong talo na ko!
*******************
Jimin sa Media
Birthday na ni YOONAmylabs bukas!
Vote & Comment Guys~♡
BINABASA MO ANG
wala lang
Short Story"wala lang." - blanket lim * 【COMPLETED】facebook chat ▷ 【yoonaxjimin】 / 【pillowxblanket】 [epistolary#1] [bangtanyoong epistolary series#1] - date started: may 3, 2017 date finished: june 2, 2017 highest rank: #72 in Short Story |060317|