•||▶ Pillow's Point Of View💮
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay jun. nginitian nya lang ako tapos pumasok na kami sa kotse nya.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng hiniram ko sa kanya yung cellphone nya. Binigay nya naman ito saakin.
Pumunta ako sa gallery nya at nakita ko ang isang album na '♡'. Tinignan ko yun at nakita ko ang mga kuha naming dalawa na magkasama at meron din ako kuha don na hindi ko alam.
Binaba-baba ko lang hanggang sa mapunta na ko sa pinakadulo at nakita ko don picture ng isang babae. Maganda sya pero mas maganda ko syempre.
Pinakita ko kay jun yung picture nung babae. "Sino yan?" tanong ko. "Ahmmm... si eunha." sagot nya. "kapatid mo? ang ganda naman." sabi ko at tinignan yung picture.
"Hindi." sabi nya. "eh? ano mo 'to?" kunot noong tanong ko. Matagal pa muna bago sya sumagot. "Ex-girlfriend ko sya." nagulat naman ako sa sinabi nya. "pero hwag kang mag-alala ikaw na ang......... m-mahal ko." dagdag nya at ngumiti sakin pero alam kong pilit lang yung ngiti nya at tsaka parang may mali sa pagkasabi nya mukhang hindi sya sigurado.
ngumiti naman ako pabalik sa kanya at tinabi na yung cellphone tsaka natulog.
*fast-forward*
"baby, nandito na tayo." rinig kong gising sakin ni jun. minulat ko naman yung mata ko at nagulat ako ng bigla nya kong halikan sa labi.
"ba't mo ginawa yon." inis na sabi ko sa kanya. "kanina pa kasi kita ginigising e, tsaka ayaw mo ba?" tanong nya sakin. "oo." sabi ko. sinamaan nya lang ako ng tingin. nagpeace-sign naman ako sa kanya at ngumiti narin sya.
"kung alam mo lang gusto ko, isa pa nga lasang heaven kasi e." ang talandi ko!
Bumaba na kami sa kotse at nagulat ako dahil nasa isang beach pala kami.
dumiretso kami sa isang di naman kalakihang kwarto. maganda yung loob nya, may aircon naman sya tapos dalawa yung kama pero walang tv, may wifi narin sya sa loob, black&white yung kulay ng mga gilid.
"daddy ko ang may ari nitong beach na 'to." sabi sakin ni jun pagpasok namin sa loob. "wow! ang yaman nyo talaga." sabi ko. "btw, kinuha ko na yung iba mong damit sa bahay nyo para if ever na maligo ka may pangpalit ka. bukas pa ng umaga tayo kasi uuwi." sabi nya at pina-upo ako sa kama. lumapit naman sya sa tenga ko at binulong na. "this is our day, let's have fun."
"ikaw ah, masyado kang selfish." sabi ko at nagmaktol. "paano naman?" tanong nya. "hindi mo sinabi sakin na sa beach tayo pupunta tapos sinolo mo pa talaga ko hindi ka man lang nagsama ng isa nating kaibigan." sabi ko habang naka-pout.
"gaya nga ng sinabi ko this is our day, let's have fun. yung tayong dalawa lang syempre." sabi nya. i rolled my eyes mentally.
lumabas na kami ng kwarto at naglakad-lakad sa labas. Maya-maya pa ay may tumawag kay jun. "JUN!" sabi ng isang babaeng naka-shades. lumapit 'to samin at nagulat ako nung tinanggal nya yung shades nya. Sya yung eunha ba yon? yung ex-girlfriend ni jun.
"Long time no see." simula nito. tumingin ako kay jun at nakita kong sobrang saya nito. "yeah! lalo kang gumanda." nainis naman ako sa sinabi ni jun. "tama pala na dito ako pumunta." sabi nung eunha.
sumabat naman ako. "hi! i'm pillow, jun's girlfriend." pakilala ko at nag shake-hands kami. "oh... may girlfriend kana pala jun akala ko kasi hanggang ngayon hindi kapa nakakamove-on sakin." sabi nya. nainis naman ako sa eunha na to kapal ng mukha ka bwiset!
"kaya nga ko bumalik dito e." dagdag nya. magsasalita sana si jun ng sumabat ako. "pwes, wala ka ng babalikan dito." sabi ko at hinawakan ko yung kamay ni jun. "excuse me." sabi ko at hinila paalis si jun.
Dinala ko na sya sa kwarto namin. "are you jealous?" tanong nya. "hindi no!" depensa ko. "nagseselos ka eh." sabi nya at kiniliti pa ko. "fine, nagseselos ako! kasi naman yung babaeng yon e lakas mapang-init ng dugo." sabi ko.
yinakap nya naman ako at sinabing. "hwag ka ng magselos. sabi ko nga sayo ikaw na ang mahal ko hindi na si eunha." sabi nya.
"sige na, matutulog na muna ko. inaantok ulit ako e hehe~" sabi ko at humiga sa kama. tumabi naman sya sakin at yinakap ako at syempre yinakap korin sya.
bigla namang pumasok sa isip ko yung inis na naramdaman ko sa eunha na yun ganong-ganon din yung naramdaman ko nung nakita ko si blanket na kasama si seulgi, na pinsan nya pala. Selos ba yon?
maya-maya pa ay nakatulog na ko.
***************
Eunha sa Media
hanggang ➖4⃣5⃣➖ lang po 'tong story na 'to! malapit na po syang matapos.
Vote & Comment Guys~♡
BINABASA MO ANG
wala lang
Short Story"wala lang." - blanket lim * 【COMPLETED】facebook chat ▷ 【yoonaxjimin】 / 【pillowxblanket】 [epistolary#1] [bangtanyoong epistolary series#1] - date started: may 3, 2017 date finished: june 2, 2017 highest rank: #72 in Short Story |060317|