➖3⃣4⃣➖

151 13 4
                                        

•||▶ Blanket's Point Of View🍂

"Bakit daw ba tayo pinatawag ni jun?" kunot noong tanong nitong katabi ko na si jin / jinny

Nandito kasi kami ngayon sa rooftop ng building sa school dahil pinapatawag daw kami ni ilong. Bakit naman kaya? Maya-maya pa ay dumating na si jun kasama si p-pillow? bakit kasama nya si pillow?

"Bro, mukhang gulat na gulat ka ah?" bulong na tanong sakin ni jinny. "Nagulat ba ko? mukhang hindi naman." sabi ko habang tumatawa ng konti.

"So guys, gusto ko lang sabihin sa inyo na..." pambitin ni jun. "Kami na!" masiglang dugtong ni pillow at tumingin kay jun.

Bigla namang nanghina yung tuhod ko at parang hindi ko mabuka yung bibig ko sa mga narinig ko ngayon. Pinipilit kong ngumiti pero mukhang ayaw makisama ng bibig ko. Bigla kong naalala yung mga sinabi ko kay seulgi na lalayo na ko kay pillow, siguro nga tama ako sa gagawin ko na yon.

Nabalik naman ako sa reyalidad nung bumaling yung atensyon nila saken. "Bakit?" tanong ko. "See, sabi ko sa inyo hindi nakikinig si pandak e." sabi ni namjoon/nam. "Ano ba yung sasabihin or tinatanong nyo?" tanong ko.

"Sabi namin, hindi mo man lang ba ico-congratulate si pillow at jun?" sambit ni yoongi. "Ah, ayon ba? Congratulate jun at pillow I'm h-happy for both of you." bakit ba ko nauutal sa happy? kasi ang totoo hindi talaga ko happy? pwes kailangan mo to tiisin blanket!

Pagtingin ko kay pillow ay nagulat ako dahil saakin pala sya nakatingin kahit na kinakausap sya ni jun. Bigla naman kaming napa-iwas ng tingin at nagpaalam na ko sakanila na bababa nako. "Mamaya na bro!" pigil sakin ni jun. "May... i-inuutos pa sakin si mrs. madrigal e! sensya na." pagsisinungaling ko at naglakad na palayo pero habang naglalakad ay tumingin muna ako kay pillow 'Sana maging masaya ka kay jun' bulong ko at tuluyan ng umalis.

Habang bumababa sa hagdan ay nakasalubong ko sila fany. "Oh, Blanket nandyan pa sila beshy sa taas?" tanong ni jess sakin. "oo nandoon pa sila." sabi ko at nagsimula na ulit bumaba "Hindi ka na ba babalik don?" sigaw ni seohyun. "Hindi na!" sigaw ko.

wala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon