Chapter One: Nice Chatting With You Po!

19 0 0
                                    

   Grabe ang ngiti sa mga labi ng dalagang si Shean habang titig na titig sa screen ng kanyang cellphone. Dahil kanina pa siya nakikipag-chat sa long-time crush niyang si Paul.

      Sikat si Paul sa kanilang school. Matagal na ring umaasa si Shean na mapansin siya nito. Medyo nakakatawa si Paul. Pero, Atleast, Kahit sa chat lang ay sa wakas, Ay nagkapansinan rin sila.

      Nawili si Shean sa kaka-chat sa kanyang crush. At hindi niya manlang namalayan ang oras.

      Napangiti siya sa message nito. Ng bigla bigla nalang sumulpot sa harap niya ang Ate niyang si Glorie. May bitbit na unan at kumot At nakapameywang pa ito.

"Ano?" Iritang tanong ni Shean sa ate niya.

"Anong 'ano'? Excuse me, Ms. Shean Facon. Wala ka bang planong matulog?" Sabi ng Ate niya sabay irap.

"Ha?!" Sa labis na pagkagulat ay napatitig siya sa orasan.

    11:30 PM na! Hala! Halos tatlong oras na pala kaming nagcha-chat ni Crushie! Sabi niya sa isip niya. Medyo nag-panic siya.

"Oo. At, Nakalimutan mo na bang... May pasok bukas?!" Dagdag pa nito. Parang baril kasi kung makapagsalita ang Ate niya. Maingay.

"Ay... Akala ko kasi, Sabado pa. Linggo na pala. Hehe," At tumawa siya. "Ah... Sige na, Ate. Susunod nalang ako sa may kuwarto." Sabi niya. "Tsaka alam mong sanay na akong magpuyat eh."

"Whatever," Umirap ang Ate niya sabay walkout.

"Tss. Kung maka-walkout akala mo kung sinong maganda!" Sambit niya habang pinapanood ang Ate niyang padabog na naglalakad papunta sa kanilang kuwarto at sinara ang pinto sa maingay na pamamaraan.

"Aba! Nagsalita ang maganda!" Lumabas bigla ang Ate niya at sinuntok ito sa braso.

"Eh bakit, Sinabi ko bang maganda ako sa'yo?!" Siniko niya ang ate niya.

"Aray!"

"Dapat lang. Oh, Patas na tayo." Ngumiti siya. Sa wakas ay nakapaghiganti na rin siya sa Ate niya.

"Whatever," Umirap ulit ito.

"Edishing! Tsupe! Lumayas ka na!" Tinaboy niya ang Ate niya.
       Napatingin nalang siya sa screen ng kanyang cellphone at nanlaki ang mga mata niya.

Paullouege
Active Now

Helloooo?!
Sent 11:31 PM

Galit ka ba? *frown*
Sent 11:31 PM

Heelllo? Baliw ba ako? Parang
wala naman akong ka-chat dito.
Sent 11:32 PM

KFine. Gud NyT
Sent 11:33 PM

Waaaiiit!
Sent 11:35 PM

Haaays. Salamat naman
at naka-rly ka
Sent 11:36 PM

*reply pala
Sent 11:36 PM

Haha. Sige na. Nytie nyt. Bukas
nalang ulit. May class pa bukas eh.
Sent 11:37 PM

Aaaish. Sige na nga, Chatmate!
Sent 11:37 PM

Gud nyt. See you tomorrow
Sent 11:38 PM

       Napangiti naman siya sa reply ng crush niya. Feeling niya close na sila ni Paul kahit hindi pa sila nagpansinan sa personal.

Oo naman
Sent 11:39 PM

    Puchaaa! Ba't nasend?! Isip niya. Nagulat kasi siya sa nai-reply niya sa chatmate niya. Ng *bing*

ChatmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon