Chapter Five: Kyla's First Day Of School At Ang Sirang Cellphone Ni Shean

2 0 0
                                    

Shean's POV

After one week

*beep beep beep beep*

5:30 AM

      Ang ingaaay! Ano ba naman. Si Kyla kasi ang arte arte. Magpapalagay pa ng alarm clock. Ayan tuloy! Tsaka 5:45 gising ko. Hindi 5:30! Psh.

     Bumangon ako at niyugyog ko si Kyla hanggang sa magising siya. Hmmp! Mauna siyang maligo kaysa sa akin! Psh. Kainis!

"Hoy, Kyla!" Niyuyugyog ko pa rin siya.

"Hhmmmm?" Ungol niya.

"Hoy! Ang alarm mo ha! Bangon ka na diyan!" At salamat sa diyos. Bumangon rin siya.

"Ano? Ok. Ako na ang maunang maligo," Bumangon siya at kinuha ang tuwalya niya at pumasok na rin sa CR.

"At gisingin mo lang akooo 'pag tapos ka naaa!" Pasigaw kong utos sa kanya. Para naman marinig niya ko.

"Oo!" At narinig ko ang pag-agos ng tubig.

      Dahil sa inaantok pa ako ay biglang bumigat ang mga mata ko at nakatulog na ako...

Kyla's POV

      Wew. Salamat naman dahil tapos na akong maligo sa banyo. Agad akong lumabas at nakita kong tulog pa siya. Gigisingin ko sana siya nang may naalala ako.

       Kinuha ko ang cellphone niyang naka-charge. Sakto naman dahil kaka-full charge lang nito. At in-on ko ang Mobile Data at dumiretso na sa Messenger. At may nabasa siya.

"Paullouege... Hmm," At in-open niya ang chatbox.

Paullouege
Active Now

Hey, Paulie!
Sent 5:40 AM

Whoa. Hello din Shean. Aga
mo naman? Tsaka kakaiba ang
mood mo ngayon! Haha
Sent 5:40 AM

Syempre! Gumising ako ng
maaga para sa'yo!
Sent 5:41 AM

Ganun ba?
Sent 5:41 AM

      Naaaakuuu! Baka nahalata niya na hindi si Couz kundi ako ang ka-chat niya. At may narinig akong ungol. Hala! Gising na si Couz!

"Kylaaaaa!" Sigaw niya.

"Ay, Sorry!" Nabitawan ko ang cellphone niya.

"Kylaaa! Ba't mo binitawan?!" Galit na galit niyang pinulot ang cellphone niya. "Basag!"

"Opps! Sorry talaga, Couz!" Nag-sorry na ako pero parang galit na galit pa rin siya.

"'Wag mo kong ma-Couz Couz diyan! Pakialamera!" At biglang bumukas ang pintuan.

"Ano ba ang nangyayari dito? Shean, Anak. Ba't ka umiiyak?" Tanong ni Tita Hasmin.

Ramcel's POV

   Grabe naman ata ang ginawa ni Ate Kyla sa cellphone ni Ate. Oo, Sa totoo ay kanina ko pa binabantayan si Ate Kyla dahil parang may kakaiba sa kanya.

      Ako nga pala si Ramcel. Ang bunsong kapatid ni Ate Shean. 8 years old palang ako. Ops! 'Wag po kayong magulat sa edad ko. At sabi nga ng mga kamag-anak namin na parang matanda daw ako kung makapagsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChatmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon