Chapter Two: Share And Tell

14 0 0
                                    

Shean's POV

     Grabe ang heartbeat ko. Kinakabahan ako dahil may flag ceremony pa at-- Ako pa ang magbibigkas ng "Panatang Makabayan" at "Panunumpa Sa Watawat".

      Sa totoo lang, Pinilit ako ni Ma'am 'nung Friday (cleaners day ko). Hindi niya ko pauuwuwiin kung hindi ako papayag. So...  No choice.

"Girl? Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Faith. "At ano nga pala ang good news?!"

"Basta," Kinikilig kong sagot. "Mahabang ku--"

Riiiiiiiiiiiiiiing!

Dahil 'dun, Napamura si Faith sa gulat. "Shet! Kung kelan ba naman ako excited sa good news mo saka pa umepal-- Este, Nag-ring ang bell na iyan!" Reklamo pa nito.

"Hayaan mo na, Faith."

"Hooy! Ano ba? Tutunganga lang ba kayo diyan?! Ha?!" Sigaw ni Kinha.

"Ah eh... Hindi," Sabay naming sagot.

"Edi pumasok na kayo sa linya!" Galit at pasigaw niyang utos sa amin.

*line*

      Siksikan ang mga estudyante sa field. At doon rin kami nakakuha ni Faith ng pagkakataong mag-usap sa kaunting oras.

"Si Kinha parang araw araw nalang meron!" Inis na sinabi ni Faith at tinignan si Kinha saka umirap. Buti nalang dahil hindi niya 'yun nakita. "Kung makasigaw akala mo maganda boses!" Hindi na ko nakinig kay Faith. Ganyan kasi siya kung magalit.

      At pumunta na rin ako sa gitna matapos ang kantang "Lupang Hinirang". Medyo kinakabahan ako dahil lahayt ng tao, Estudyante at teachers ay nakatingin sa akin.

"Uhm... *riiing*" Ang sakit ng tunog na iyon. Dahil iyon sa microphone. "P-Pakitaas ng inyong kanang kamay at sabay-sabay nating bigkasin ang Panatang makabayan." Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Handa, Bigkas."

      Sinimulan ko nang mag-recite. Buti naman dahil hindi ako nagkamali.

*classroom*

"Asan na kaya si Maymay? Ang tagal!" Reklamo ni Faith. Seatmate ko kasi siya sa classroom.

"Baka may sakit. Tsaka parati namang late si Maymay," Sabi ko.

"Hmm. Kung sa bagay. May utang kasi sa akin si Bes! At sabi niyang ngayong araw niya daw ako babayaran. Kaya pak! Ganern."

"Haha. Kung sa bagay, Faith. Pero minsan... Ang mga pangako ay madalas na napapako... Kulang nalang martilyuhin mo na."

"Weeeh?! Hugot pa more, Besshy!" Nagtawanan kami at nanahimik dahil may pinapagalitan ata si Ma'am.

"Ma'am, Sorry. I'm late," Nakayukong sinabi ni Maymay sa teacher naming si Ma'am Hena.

"Maymay, Halos one week ka nang late. Ano ba ang problema mo?" Nakapameywang na tanong ni Ma'am sa kanya.

"Lumipat lang po kami ng bahay na medyo malayo sa school," Nahihiyang sagot niya kay Ma'am.

"Is that so? Ok lang. Sorry kanina... Ok ka lang ba?"

"Opo."

        Mabait talaga si Ma'am. Para na namin siyang pamilya eh. Kahit anong kasalanan mo ay papatawarin ka pa rin niyan.

"Buti naman, Dumating na si Bes!" Pumalakpak pa si Faith dahil sa saya.

       Fast forward. Ang boring kasi ng class eh. Nakakaantok talaga. Mabuti naman dahil reccess na rin namin. Nakakagutom na kasi eh.

"Ok class, Goodbye." Ang sabi ni Ma'am Cabarles, Ang Math teacher namin.

"Goodbye and thank you, Ma'am Cabarles! God bless you!" Sabay sabay naming sinabi at lumabas na rin kami ng aming classroom.

     Ay, Oo nga pala. Grade 8 palang ako. At 14  years old na ako.

"Girl, Usap muna kami ni Bes," Paalam sa akin ni Faith.

"Ok, Ok. Una na ako ha!" At nagba-bye muna ako sa dalawa bago naglakad papuntang canteen.

      Habang nasa canteen ako, Ay namili muna ako ng mga pagkain at umupo na rin sa paborito naming puwesto, Sa dulo. Naka-upo na ako ng may narinig akong may tumawag sa pangalan ko.

"Shean!" Agad akong lumingon.

"Jayson," Nahihiya akong makipag-usap sa kanya dahil alam kong magagalit sa akin si Kinha.

"Kamusta ka na pala? Oo nga pala, Matagal na pala tayong hindi nag-uusap. Kahit sa chat manlang," Nalungkot siya bigla.

"Jay, Alam ko naman busy tayo. Ikaw, Syempre kelangan mong mag-aral... At kelangan mo ng time sa girlfriend mo," Sagot ko.

      Best friends kami ni Jayson. Pero, May crush sa kanya si Kinha. Akala ni Kinha na may something sa amin ni Jayson, Kaya binubully niya kami Maymay at ni Faith. At hindi ko inamin ang totoo kay Jasyon... At inengganyo ko siyang ligawan si Kinha para tapos na... At mga one week niya ata niligawan si Kinha. Pero aaminin ko, Medyo nasaktan ako.

"Kahit na, Shean. Best friends tayo," 'Best friends tayo', Pagkasabi niya ng word na iyon, Ay parang umasa siya na may pag-asa pa.

"Oo, Jayson... Pero hindi ako komportableng makipag-usap sa'yo dito sa school," Kasi, Ang daming estudyanteng nagtitinginan sa amin.

"Sige, Shean. Mauna na ako," Umalis na siya. Saktong dumating ang dalawa.

"Girl, Ano 'yun?" Tinignan ni Faith si Jayson at tinignan ako.

"Hindi ko alam eh. Kasi, Aaminin kong nasasaktan ako..."

"Dahil gusto mo siya?" Tanong sa akin ni Maymay.

"Hindi ah... Kasi 'nung naging sila ni Kinha, Eh hindi na siya nagka-time sa atin," Malungkot kong paliwanag.

"Eh ang possesive kasi 'nung KINHA!" Inis na sinabi ni Faith. "Kawawa naman si Papa Jayson!"

"Haha," Tumawa si Maymay.

       Oo. Possesive talaga 'yang si Kinha. Pero tuwing naaalala ko si Paul... Napapangiti ako.

"Teka, Ba't grabe ang ngiti mo, Shean?" Kunot noong tanong sa akin ni Maymay.

"Wala... Ang good news ko pala," Ngumiti ako. "Si Crushie, Pinansin ako sa CHAAAT!"

"Talaga, Bes?!" Reaksyon ni Maymay.

"Ooowwwss?! Weh, 'Di nga?!" Nanlaki naman ang mata ni Faith.

"Oo nga! Eto oh!" Pinakita ko sa kanila ang pinag-chatan namin ni Paul.

      Nakangiti silang nagbabasa hanggang sa may narinig akong sound galing sa cellphone ko.

*bing*

"Akin na!" Kinuha ko sa kanila ang cellphone ko.

Paullouege
Active Now

Asan ka?
Sent 9:45 AM

Sa canteen.
Sent 9:45 AM

Asan?
Sent 9:46 AM

Sa dulo.
Sent 9:47 AM

Ah... Hanapin mo ko! Haha
Sent 9:47 AM

Asan nga?!
Sent 9:48 AM

    Hinanap ko siya. At napatitig ako sa dalawa na kinikilig at tinuturo ang nasa likuran ko. At napatingin ako. At napangiti ako nang makita ko si--

"Hi Shean..." Nakangiti si Paul ng sinabi niya iyon. "Ang ganda mo pala sa personal." At ang nasabi ko lang ay...

"Oh... M... G..."

ChatmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon