Shean's POV
"Oh... M... G..."
Nanlaki ang mga mata ko. Nananaginip ba ako? Si Crush, Pinansin ako! Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Napakabilis ng pangyayari!
Natulala ako at hindi nakagalaw. Teka, Nananaginip lang ba talaga ako?
"Medyo nahirapan akong hanapin ka... Thanks for being my chatmate," At umupo siya sa tabi ko.
"Y-You're welcome naman... Tsaka wala naman akong ka-chat," Tinignan ko 'yung dalawa, Grabe ang mga ngiti nila.
"Sayang. Ngayon lang tayo nagkakilala..."
"Ok lang... Atleast nakilala natin ang isa't isa, 'Di ba?" Sagot ko.
"So, Can we be best friends? At ipakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo," Tinuro niya ang dalawa.
"Ang mahaba ang buhok, Si Faith. Member siya ng Math Club at Top 1 sa klase. Ang maikli ang buhok, Si Maymay... Siya parati ang muse namin," Sabi ko.
Oo, Napakatalino ni Faith, At maganda pa. Ganun rin si Maymay.
"Mas masaya kang kasama sa personal. So, Kitakits mamaya ha!" Kumindat pa siya sa akin ng nakakaloko.
Whaaaaaa!!!!! Bakit ba hiwalay pa kami ng sectiooon?! Hindi ba puwedeng magkasama nalang kami?!
*fast forward*
Uwian na. May nanalo. Joke! Uwian na namin. At nag-iisa akong naglalakad. Ok lang naman dahil hindi uso ang adik dito sa amin.
"Psst! Shean!" May narinig akong sumigaw. At biglang lumabas sa malaking puno si Jayson.
"Jay, Bakit?" Tanong ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya.
"Wala lang... Nami-miss ko na kasi ang best friend ko..." Sabi niya at ginulo gulo ang buhok ko. Naku! Kung hindi lang kami close-- "Mas maganda ka kung magulo ang buhok mo..."
"Ikaw ha! Ba't trip mong gawin akong bruha?!" Inayos ko ang buhok ko.
"Uhmm... Nakita ko kasing-- Uh, Ang hirap i-explain," Para kasi siyang nauutal. "Kasi... Nakita kitang nilapitan ka ni Paul. Congrats, Hehe" Para siyang iiyak na parang hindi. Tumawa nalang siya.
"Oo, Jay. Sa wakas at pinansin na rin ako ni Paulie my Crushie," Pabiro kong sagot.
"Hehe... Pero, Friends pa rin tayo, Ha?" Nakalagay sa bulsa niya ang mga kamay niya, At parang kinakabahan.
Jayson's POV
Naaawa lang kasi ako sa best friends ko. Nang marinig ko sa kaibigan kong si Kyevin na mag-best friends na sila ni Paul, Parang bigla akong nasaktan.
Sa totoo lang, Parang may gusto ako kay Shean. Pero natatakot akong umamin sa kanya. Paano kung iwasan na niya ako? Pero sabi ng kapatid kong babae, Sa mga movies, Nagkakatuluyan daw ang mga best friends. Pero kami, May pag-asa ba?
Alam ko ring binu-bully nina Kinha sina Shean ng dahil lang sa akin. Mabait si Shean, At masaya siyang kasama. Mapapakatiwalaan, At higit sa lahat ay mapagmahal. Kung puwede lang makipag-break kay Kinha ay gagawin ko na.