Grammar Please!

30 2 0
                                    

Teaser

"Katakutan!" Sigaw ng masungit na propesorang menopause na. Agad namang nagising ang dalaga mula sa kanyang pagtulog at napatayo.

"Yes ma'am?" Gulat na tanong ng dalaga. Awtomatikong napataas ang kilay nito at inayos ang may kakapalang salamin. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan ng dalaga. Pinagkrus ang mga braso sa dibdib at matiim na tinitigan ang dalaga.

Problema nito? Anang ng dalaga sa kanyang isip.


Bumuntong hininga muna ang huli bago magsalita. "Miss Katakutan, matalino ka. Ikaw ang kandidato sa pagka-Cumlaude ng batch niyo." Binitin muna nito ng sandali ang mga susunod pang sasabihin ng propesora. Matiyagang nag-aabang ang estudyanteng mumukat-mukat pa.

"Hindi ko maitindihan kung bakit ka ganyan. Alam mo naman lahat ng sagot. Sa recitation napakahusay mo. Samantalang sa essay bagsak ka! Mali mali ang grammar! Maawa ka naman sa test paper mo malayo pa ang Valentines day!" Nagtawanan ang buong klase maliban sa isa pang estudyanteng natutulog sa likod.


Marahas na napabuntong hininga ang guro at iiling-iling na bumalik sa harapan. Wala namang imik ang dalaga pagkat nasanay na siya.

Ayaw niya talaga ang magsulat. Halata naman sa penmanship niya, na animoy isinulat ng paslit. Tama naman ang mga kaisipang kanyang isinusulat ngunit talagang galit sa kanya ang grammar.

Sinubukan niyang magsulat ng mga kwento sa isang sikat na website upang mahasa siya. Sa huli itinigil din niya. Magaganda naman ang mga istoryang kanyang mga naisulat, marami ang natuwa at hinihikayat pa siyang magsulat pa. Ngunit marami rin ang pumupuna sa kanyang mga akda.

Dear Lady,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon