Sa ilang buwan na palihim na pagsulyap ng dalagang si Chastity sa kanyang hinahangaang binata ay hindi maiiwasang mahalata na siya nito. Takot siyang lapitan at kausapin ito. Hindi kasi siya sanay, may pagkamahiyain kasi ang dalaga.
Malapit ng matapos ang unang semestre at ni hindi man lang niya ito nakausap ng matino. Kadalasan kasi ay nagkakandabuhol-buhol ang kanyang dila sa tuwing makakaharap niya ito.
Isang hapon, nang minsang mapadaan ang binatang si Alvin sa tapat ng classroom nila chastity ay kaagad na nawala ang kanyang konsentrasyon sa kanyang isinusulat na script para sa kanilang dula-dulaan. Matinding kilig at kuryente ang dumaloy sa kanyang kalamnan patungo sa dulo ng kanyang mga daliri.
Pigil ang sariling mapatili at agad na tinakpan ng sariling palad ang bibig. Miya miya'y agad nawala ang kaniyang nararamdaman ng mapatigil ito sa tapat ng bintana kung saan siya nakaupo. May Babae kasing tumawag at kumausap dito. Bakas sa mukha ng binata ang tuwa sa kausap niyang babae.
Lalo namang gumapang ang inis sa kanyang katawan nang maghawak kamay ang dalaga at yakapin ng babae si Alvin.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bakla si Alvin. Ngunit kahit pa man ganoon ay hinahangaan pa rin niya ito. Minsan nga ay kanya pa itong napapanaginipan.
Isa sa hinangaaan ni Chastity sa binata ay ang pagkabakla nito. Hindi siya katulad ng ibang bakla dyan. Na kuntodo kolorete sa mukha. Hindi rin galawgaw gumalaw ngunit may kalambutan ang galaw at pumipilantik ang mga daliri sa kamay. Matalino at may pwesto sa isang organisasyon sa eskwelahan. Mabait at matulungin ang binata, kaya ganoon na lang ang kanyang paghanga dito.
"Chas!" Tawag pansin ng kanyang kaklase at niyugyog pa nito ang kanyang balikat. Itinuon niya ang atensyon rito kahit na parang may kung anong humihila sa mga mata niya para tingnan ang binata sa bintana.
Lihim naman sumulyap ito sa kanya at napangiti.
Ano bang ginagawa mo sa akin, Chas? Naloloka na ako sayo.
Anang ng binata sa kanyang isip."Anong sabi mo?" Tanong ng kanyang kausap. Am I thinking out loud?. Pabiro niya iyong sinabunutan at bahagyang itinulak palayo.
"Lumayo ka sa'king merlat ka! Manyak! Eew!" Biro niya dito. Ang totoo niyan ay parang may kung ano sa loob niya na nagsasabing hindi iyon tama, at natatakot siya sa hindi niya malamang dahilan.
Matapos ang presentasyon nila Chastity ay para siyang lantang gulay at lulugo-lugong naglalakad sa hallway. Maayos ang kinalabasan ng kanilang dula-dulaan. "Ano bang mali sa'kin?" Wala sa sariling tanong niya.
Hindi kasi niya nasilayan si Alvin. Kung kailan naman kasi siya nagkalakas loob na kausapin ito, saka naman hindi umaayon ang panahon. Abala kasi ito sa mga gawain at pagresolba sa ilang mga problema ng organisasyong kinabibilangan nito.
Mahinang tapik sa balikat ang nagpagising sa katawan niyang lupa. Bumungad sa kanya ang nakangiting binata at sumisilay ang biloy nito sa pisngi. "Napanood ko kayo kanina. Ang gagaling niyo!" Papuri nito.
Agad na napayuko si Chastity at kumurap-kurap. "S-salamat Kuya... Alvin. Narrator lang naman ako, e." Ginulo nito ang buhok niya. "Ayos lang 'yon." Tugon nito. Hinawakan siya nito sa kamay pagkatapos ay hinila at iginiya sa paglalakad.
Tiningala niya ang binata na diretso lang ang tingin. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Chastity na namumula na. "Libre kita. Ang galing mo kasi kanina." Sagot nito sa kanya ngunit iba ang nasa isip nito. Libre kita, kasi feeling ko may kasalanan ako sayo. Sana... After nito makalimutan na kita. Pag lang talaga di to umepekto, kakalbuhin ko si Harry. Siya ang nakaisip ng kalokohang ito, e.
Napatigil si Alvin at nilingon ang dalaga. Titig na titig siya sa mga mata nito. "You think I'm weird?" Tanong niya dito. Napakunot noo ang dalaga at napamaang ng tanggalin ni Alvin ang salamin nito sa mata. Hinawakan ng dalawang kamay nito ang magkabilang pisngi ni Chastity. Dahan dahang bumababa ang mukha nito sa mukha ng dalaga at dahan dahang inilalapit ang mukha niya nang hindi inaalis ang tingin sa mata ni Chastity.
Nagulat sila pareho ng may tumikhim sa kanilang gilid. "Ehem! San punta niyo? Tapon basura?" Nilingon nila ito at agad napatuwid ng tayo. Hinarap nila ng maayos ang nilalang na sumingit sa dapat na mangyayari kani-kanina lang.
"Uhm... Kuya Harry ililibre ako ni Kuya Alvin." Sagot ni Chastity habang nakayuko. Makahulugan namang tumingin si Harry sa kaibigan niyang si Alvin. Pinanlakihan niya ito ng mata ngunit hindi siya nito pinansin at deretsong naglakad sa dalaga at iniangat ang mukha nito. "Talaga? Bakit hindi ako kasama?" Nanunuring tingin ang ibinigay niya kay Chastity. Kapag kuway nilingon ni Harry si Alvin. Kumuyom ang kamao niya at parang gusto niyang sapakin ang kaibigan niyang bakla.
Ipinulupot niya ang kanyang braso sa beywang ng dalaga saka inilapit sa katawan niya. "Bakit? 'Di ka naman chicks ah?" Ngumisi ang kaibigan niya sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagkakangisi nito sa kanya.
"At si Chastity? Chicks?" May halong pang aasar na tanong nito, na animoy inosente ang loko. Akmang hahampasin niya si Harry nang makatakbo kaagad ito at nangaasar na pinalo pa nito ang sariling pang-upo. Iiling-iling na lamang siya sa ginawa ng kaibigan.
Binalingan niya si Chastity at walang sabi-sabing hinalikan niya sa pisngi ang dalaga. " 'Wag kang lalapit dun sa bruhang yun!" Sabi nito sa kanya saka iginiya muli siya nito sa paglalakad.
Hindi niya inaasahan ang nangyayari sa mga oras na 'yon. Basta alam niya sa sarili niya na masaya siya.
Napatunayan niyang ibang magmahal ang mga bakla- mali, ang dating bakla.
|WAKAS|
A/N: Matagal na mula ng maisulat ko ito. Wala pang Ken at Liam. Lol! Hahaha, feeling ko si Zoey si Chastity, e. Pero magkaiba naman yung attack nung story di ba? Anyway, guys please do vote and comment if you think this short short-story is cute and nakakakilig!